Pakikipagkapwa

Cards (13)

  • “No Man is an Island” Ito ay nangangahulugan lamang na bilang tao ay ikaw at ako ay kinakailangang mamuhay kasama ang ating kapwa-tao.
  • Ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa ay nagdudulot ng iba’t-ibang kapakinabangan para sa bawat isa at dahil dito ay pareho nilang natatamo ang tunay na kahulugan ng buhay, ito ay tinawag ni Dr. Manuel Dy, Jr. na mabuhay-sa-pamamagitan-ng-kapwa.
  • ✓Ang “Kapuwa” ay isang konsepto na tumutukoy sa ibang tao.
    ✓Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing na kaniyang kapuwa.
    ✓Kailangan ng tao ang kaniyang kapwa sapagkat kailangan niyang mabuhay para sa kapuwa.
  • ✓kulturang Pilipino. Ito ay ang pagbibigay halaga, pag-aalaga, at pagrespeto sa ibang tao.
  • Ang mga maituturing nating KAPUWA
    PAMILYA
    ORDINARYONG MAMAMAYAN
    IBA’T-IBANG SEKTOR SA LIPUNAN
  • Ayon kay Enriquez (1994)
    May dalawang kategorya ang pakikipagkapwa na maaring matukoy ayon sa antas ng pakikipag-ugnayang ginagawa mo sa kanila.
  • IBANG TAO – ang mga taong ito ay itinuturing na “iba” dahil sila ay hindi pa ganap na kabilang sa pangkat ng mga tao na iyong pinagkakatiwalaaan.  
  • HINDI IBANG TAO – sapagkat dito ay ipinalalagay na ang isang tao ay talagang kabilang na sa pangkat at nakikiisa sa damdamin at kaisipan ng pangkat.
  • ASPEKTO NG PAKIKIPAGKAPUWA
    1.INTELEKTUWAL
    2.PANGKABUHAYAN
    3.PANLIPUNAN
    4.POLITIKAL
  • Tumutukoy ang Aspektong Intelektuwal sa kakayahang mapaunlad ang pagiisip upang maging mapanuri at makagawa ng lohikal na pangangatuwiran sa mga bagay na nakikita. Tumutukoy ito sa kakayahang mag-isip ng mga ideya, dahilan at desisyon, kaalaman at karunungan, pagtitimbang ng tama at mali at iba pa.
  • Tumutukoy ang Aspektong Pangkabuhayan sa kakayahang matugunan ang pangangailangan ng sarili at kapuwa. Isang pamamaraan ito upang makalikha ng kita o income.
  • Nagpakikita ang Aspektong Politikal ng pakikibahagi upang makamit ang makatao at makatarungang lipunan.
  • Nagpapakita ang Aspektong Panlipunan ng kakayahang makitungo nang maayos sa kaniyang kapuwa at lipunan. Makikita sa aspektong ito kung paano kumikilos at makitungo ang tao sa kaniyang lipunan at kung ito ba ay naaayon sa pamantayan at prinsipyo ng tao