Kabihasnang Roman

Cards (139)

  • Timeline ng mga Pangyayari sa Ancient Rome
    2000 BCE – Pagdating sa Latium ng mga Latino at nagtatag ng mga lungsod
    509 BCE – Naitatag ang Roman Republic
    490 BCE – Simula ng paglaganap ng kapangyarihan ng Rome
    264 BCE – Nagsimula ang Digmaang Punic
    60 BCE – Naitatag ang Triumvirate
    42 BCE – Pagtatapos ng Roman Republic
    31 BCE – Paglakas ng Roman Empire
    27 BCE – Nagsimula ang Pax Romana
    180 CE – Nagwakas ang Pax Romana
    529 CE – Pagbagsak ng Roman Empire sa Kanluran at Pagkatatag ng Byzantrine, ang Bagong Rome sa Silangan
  • Ano ang hugis ng tangway ng Italy?
    Parang bota
  • Anong mga dagat ang napapalibutan ng Italy?
    Dagat Adriatic, Ionian, at Tyrrhenian
  • Bakit may mga bahaging bulubundukin ang Italy?
    Upang humarang sa mga kaaway
  • Ano ang klima ng Italy at ano ang angkop na gawain dito?
    May mainam na klima na angkop sa mga gawaing pagsasaka
  • Saan matatagpuan ang lungsod ng Rome?
    Sa tabi ng Ilog Tiber
  • Ano ang naging papel ng Ilog Tiber sa Rome?
    Naging ruta patungong dagat at nagbigay pagkakataon sa kalakalan
  • Ano ang simula ng Rome bilang isang pamayanan?
    Isang maliit na pamayanan sa tabi ng Ilog Tiber
  • Kailan dumating ang mga Indo-European sa Latium?
    Noong 2000 BCE
  • Saan nagmula ang mga Indo-European na nanirahan sa Latium?
    Mula sa Asya o sa silangang Europe
  • Ano ang tawag sa mga taong kalapit na tribo ng Rome?
    Etruscan
  • Ano ang nangyari sa Rome sa ilalim ng pamumuno ng mga Etruscan?
    Sinakop ng mga Etruscan ang Rome at mga karatig-pook nito
  • Sino ang namuno sa Rome sa loob ng maraming panahon?
    Haring Etruscan
  • Ang Roman Republic:
    Hindi nagustuhan ng mga Romano ang pamamahala ng mga Etruscan kung
    kaya’t noong 509 BCE nag-alsa sila laban sa mga dayuhang Etruscan. Nagtatag ang
    mga Romano ng isang Republic na kung saan ang mga mamamayan ang pumipili ng
    kanilang kinatawan sa pamahalaan.
    A) 1 taon
    B) diktador
    C) Naglilingkod nang panghabambuhay
    D) Tribune/Mahistrado
    E) - Kumakatawan sa karaniwang tao
    F) plebeian Assembly of Centuries - Namamahala sa mga us
  • Ang lipunang Romano ay binubuo ng dalawang pangunahing uri. Ang unang
    uri ay binubuo ng mga mayayamang may-ari ng lupa o tinatawag na patrician. Ang
    pangalawa ay ang mga plebeian na binubuo ng mga karaniwang tao katulad ng
    maralita, walang lupa, magsasaka at mangangalakal.
  • Ang Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome
    Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome matapos ang sunod-sunod na
    tagumpay nito sa mga labanan. Ang iba’t ibang lugar at lungsod na napasailalim sa
    kapangyarihan ng Rome ay hindi lamang nakapagpalawak sa teritoryo nito kundi
    nakapagdagdag din sa bilang ng mga mandirigma ng Rome. Lumawak ang teritoryo
    ng mga Romano hanggang sa masakop nila ang kabuuan ng peninsulang Italy.
  • Mga Digmaang Punic
    Ninais din ng Rome na maging makapangyarihan sa Mediterranean Sea kung
    kaya’t nakipaglaban ang mga ito sa mga Carthaginian na siyang naghahari sa
    karagatan ng mga panahon na iyon. Ang paglalaban na ito ay tinawag na Digmaang
    Punic mula sa salitang Latin na pangalan ng Phoenicia. Ang Digmaang Punic ay
    binubuo ng tatlong labanan sa pagitan ng Rome at Carthage. Ang Carthage ay isang
    lungsod sa hilagang Africa na itinayo ng mga Phoenician. Ang pangunahing dahilan
    ng digmaang Punic ay Commercial Rivalry sa Mediterranean sea.
  • Unang Digmaang Punic (264-241 BCE) - Nagsimula sa pagbibigay tulong ng mga Romano sa Sicily na
    kolonya ng Carthage. Bagama’t baguhan sa pakikidigma at
    walang sasakyang pandigma sa tubig, ang mga Romano ay
    masuwerte na matutuhan ang paggawa nito sa loob lamang ng
    animnapung (60) araw. Ang mga Romano ay nagwagi laban sa
    Carthage. Nakontrol ng Rome ang kabuuan ng Italy, mga pulo ng
    Sicily, Sardinia at Corsica.
  • Ikalawang Digmaang Punic (218-202 BCE) - Sa pamumuno ni Hannibal, magaling na heneral ng Carthage, ay
    pinangunahan niya ang malaking hukbo sa pagtawid mula Spain,
    patungong Timog France at pagtawid sa Alps patungong Italy.
    siya ay naging matagumpay sa mga digmaan sa loob ng
    labinlimang (15) taon. Hindi nawalan ng pag-asa ang mga
    Romano, sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay
    ng mga Romano ang Hilagang Africa upang pilitin si Hannibal na
    iwan ang Italy at pumunta sa Carthage upang sagipin ang
    kanyang mga kababayan.
  • Ikatlong Digmaang Punic (149-146 BCE) - Batid ni Marcus Porcius Cato ang yaman ng Carthage kung
    kaya’t hinikayat niya ang senado at publiko na muling makidigma
    sapagkat ito ay banta para sa Rome. Muling nanalo ang Rome
    at kinuha nito ang lahat ng teritoryo na pag-aari ng Carthage sa
    hilagang Africa.
  • 146 BCE – Naging lalawigan ng Rome ang Macedonia at napasailalim ang
    iba pang mga lungsod estado ng Greece sa pamamahala nito.
    133 BCE – Nagpatuloy ang pananakop ng Rome ng iba pang mga lupain.
    100 BCE– Lahat ng lupain sa paligid ng Mediterranean Sea ay nasakop ng Rome
  • Mga Triumvirate:
    Sa gitna ng kaguluhan ng Rome sa ilalim ng Republic noong unang siglo BCE,
    nagpatuloy ang paghahangad at agawan sa kapangyarihan ng mga heneral at
    pinunong militar sa Rome sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang hukbo. Ito ay
    karaniwang humahantong sa digmaang sibil. Kasabay ng mga kaguluhan na
    nagaganap ay ang pagtatatag ng Triumvirate. Ito ang pagsasanib o alyansa ng tatlong
    makapangyarihang pinuno na hahawak sa pamamahala at aspetong pangmilitar.
    First Triumvirate Binubuo nina Julius Caesar, Pompey at Marcus Crassus
  • Ang tagumpay ni Julius Caesar sa pagsakop sa Gaul (France) ay ipinagbunyi
    ng mga tao. Napamahal sa kanya ang mga tao dahil sa kanyang mga programang
    panlipunan, pangkabuhayan at repormang administratibo sa Rome na ikinabahala
    naman ng mga senador. Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni JuliusCaesar
    ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Ang plano na pagpatay kay Julius
    Caesar ay matagumpay na naisagawa ng kanyang mga kaalyado.
  • Second
    Triumvirate
    Binubuo nina Mark Anthony ang kalihim ni Caesar, Marcus
    Lepidus na dating heneral ni Caesar at Octavius na apo sa
    pamangkin ni Caesar.
  • matapos mabalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mapaslang si Julius Caesar. Sa
    pagkakabuo ng Second Triumvirate ay natalo nila ang kawal nina Brutus at Cassius.
    Subalit, naging magkaribal sina Mark Anthony at Octavius. Sa mga panahong iyon,
    asawa ni Mark Anthony si Cleopatra at sila ay namuno sa Egypt. Nakasagupa at natalo
    ni Octavius ang hukbong pandagat nina Mark Anthony at Cleopatra sa labanan sa
    Actium noong 31 BCE.
    Ang tagumpay ni Octavius sa Actium ay nagbigay-daan sa mahabang panahon
    ng kaayusan, katahimikan at matatatag na pamahalaan sa Roman Empire.
  • Ano ang tinatawag na Pax Romana at kailan ito naganap?

    Ang Pax Romana ay naganap mula 27 BCE hanggang 180 CE.
  • Ano ang naging epekto ng tagumpay ni Octavius sa Actium?

    Nagdulot ito ng 45 taon ng mahusay at matalinong pamamahala sa Roman Empire.
  • Paano nakatulong ang Pax Romana sa pag-unlad ng sining at panitikan?

    Napanatili nito ang katahimikan at kasaganaan ng Roman Empire.
  • Ano ang tawag sa pinagsanib na kulturang Griyego at Romano?
    Itinuturing itong kulturang klasiko.
  • Ano ang naging kalagayan ng mga daan at karagatan sa panahon ng Pax Romana?

    Naging ligtas ang mga daan at karagatan mula sa mga tulisan at pirata.
  • Ano ang naging epekto ng Pax Romana sa kalakalan ng Rome?

    Naging masigla ang kalakalan na nag-uugnay sa Rome sa iba't ibang bahagi ng Asya.
  • Ano ang ibinigay na titulong Augustus kay Octavius?

    Ang titulong Augustus ay nangangahulugang Kapitapitagan.
  • Ano ang mga titulong ibinigay kay Octavius bukod sa Augustus?

    Imperatur, Princep, at Emperador.
  • Ano ang mga hakbang na isinagawa ni Octavius sa kanyang pamamahala?

    Naghirang siya ng mga tapat na tao, pinalakas ang hukbong militar, at pinalago ang kalakalan.
  • Ano ang ginawa ni Octavius sa sistema ng pagbubuwis?

    Inalis niya ang sistema ng pagbubuwis.
  • Ano ang itinaguyod ni Octavius sa larangan ng pagsasaka?

    Itinaguyod niya ang sistema ng pagsasaka.
  • Ano ang naging pamana ni Octavius sa mga tao pagkatapos ng kanyang pagkamatay?

    Hindi malilimutan ng mga tao ang kanyang mga pagbabago sa Rome.
  • Ilan ang mga emperador na sumunod kay Octavius?

    Marami pang sumunod na emperador ng Rome.
  • Ano ang panahon ng Pax Romana sa konteksto ng Roman Empire?

    Isang panahon ng katayugan ng kabihasnang Griyego-Romano.
  • Ano ang mga pagbabago na ginawa ng mga pinuno ng Roman Empire?

    Maraming pagbabago ang nakapagdulot ng kabutihan sa mga tao.