Filpan

Subdecks (1)

Cards (45)

  • Ano ang kahulugan ng liham?

    Ang liham ay pagpapalitan ng sulat at mensahe na naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa.
  • Para saan ang pagsusulat ng liham?
    Para sa sariling kadahilanan o para sa trabaho.
  • Ano ang mga bahagi ng liham?
    • Pamuhatan: Pinagmulan ng liham at petsa.
    • Bating Panimula: Pangalan ng susulatan, nagtatapos sa kuwit.
    • Katawan ng Liham: Tunay na dahilan ng pagsulat.
    • Bating Pangwakas: Huling bati ng sumulat, nagtatapos sa kuwit.
    • Lagda: Pangalan ng sumulat, maaaring unang pangalan o palayaw.
  • Ano ang nakasaad sa pamuhatan ng liham?

    Ang pinagmulan ng liham at ang petsa kung kailan ito isinulat.
  • Ano ang nakasaad sa bating panimula ng liham?

    Ang pangalan ng susulatan na nagtatapos sa kuwit.
  • Ano ang nilalaman ng katawan ng liham?

    Ang tunay na dahilan ng pagsulat at ang nais iparating ng sumulat.
  • Ano ang nakasaad sa bating pangwakas ng liham?

    Ang huling bati ng sumulat na nagtatapos din sa kuwit.
  • Ano ang nakasaad sa lagda ng liham?

    Ang pangalan ng sumulat, maaaring unang pangalan o palayaw.
  • Ano ang iba't ibang uri ng liham?
    • Liham Pagbati: Para sa pagbati sa tagumpay.
    • Liham Tagubilin: Nagmumungkahi ng mga gawain.
    • Liham Paanyaya: Paanyaya sa isang okasyon.
    • Liham Kahilingan: Humihingi ng isang bagay.
    • Liham Pasasalamat: Pasasalamat sa tulong.
    • Liham Pagsang-ayon: Pagsang-ayon sa isang panukala.
    • Liham Pagtanggi: Pagtanggi sa isang paanyaya o kahilingan.
    • Liham Pag-uulat: Nagsasaad ng katayuan ng proyekto.
    • Liham Pagsubaybay: Alamin ang kalagayan ng naunang liham.
    • Liham Kahilingan ng Mapapasukan: Aplikasyon para sa trabaho.
    • Liham Paghirang: Nagtatalaga sa isang kawani.
    • Liham Pagtatanong: Nangangailangan ng tuwirang sagot.
    • Liham Pagbibitiw: Nagsasaad ng pagbibitiw sa trabaho.
    • Liham Pagpapakilala: Nagpapakilala sa isang tao.
  • Ano ang layunin ng liham pag-uulat?

    Ito ay nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan.
  • Ano ang nilalaman ng liham kahilingan ng mapapasukan?

    Ang liham na ito ay naglalaman ng aplikasyon para sa trabaho at pagkakasunod-sunod ng ideya.
  • Ano ang layunin ng liham pagbibitiw?

    Ito ay nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawani sa pagtatrabaho.
  • Ano ang layunin ng liham pagpapakilala?

    Ito ay nagpapakilala sa isang tao na nagsasadya sa isang tanggapan.
  • Ano ang layunin ng liham na nakapaloob sa nilalaman ng liham?

    Ang layunin ay makihikayat ng magandang impresyon.
  • Ano ang dapat tukuyin sa liham na ito?
    Ang posisyong inaaplayan at kahandaan sa pakikipanayam.
  • Ano ang liham Paghirang (Appointment Letter)?

    • Nagtatalaga sa isang kawani sa tungkulin
    • Nagbabago ng katungkulan
    • Nagbibigay ng promosyon para sa kabutihan ng paglilingkod
  • Ano ang nilalaman ng Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)?

    • Nangangailangan ng tuwirang sagot
    • Nais malaman ang impormasyon o paliwanag
  • Ano ang Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)?

    • Nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawani
    • Dahil sa mabigat na kadahilanan
  • Ano ang layunin ng Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)?

    • Nagpapakilala sa isang tao
    • Upang makilala ng kakausaping opisyal
  • Ano ang Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)?

    • Nagpapahayag ng pakikiisa sa damdamin
    • Hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila
  • Ano ang nilalaman ng Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)?

    • Ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, o kamag-anak
    • Naglalaman ng pakikiramay at tulong sa biktima
  • Ano ang Liham Panawagan (Letter of Appeal)?

    • Nagsasaad ng kahilingan o pakiusap
    • Para sa pagpapatupad ng kautusan o patakaran
  • Ano ang Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)?

    • Nagpapatunay na ang isang empleyado ay dumalo sa opisyal na gawain
    • Nilalagdaan ng mga opisyal ng tanggapan
  • Ano ang layunin ng panakip na liham at resume?

    Ang layunin ay maglaman ng kahilingan ng aplikante sa trabahong ninanais.
  • Ano ang nilalaman ng resume?

    • Tala ng mga personal na detalye
    • Mga nagawang trabaho at tagumpay