NARATIBO

Cards (27)

  • Tekstong naratibo :pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod suno mula sa simula hanggang katapusan
  • Mga elemento ng tekstong naratibo
    1. Tauhan
    2. Tagpuan at panahon
    3. Banghay
    4. Paksa o tema
  • Tauhan : lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan
  • Ekspositori : tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan
  • Dramatiko : kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag
  • Tauhang bilog : maaaring magbago ang karakter ng tauhan mula simula hanggang sa dulo
  • Tauhang lapad : kung hindi nagbago ang karakter ng tauhan mula simula hanggang sa matapos ang kuwento
  • Tagpuan : saan naganap ang mga pangyayari sa akda
  • Panahon : oras , petsa , tao at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahan
  • Banghay : tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang linaw ang temang taglay ng akda
  • Analepsis : ( flashback ) dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas
  • Prolepsis : ( Flashforward) dito naman ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap
  • Ellipsis : may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama
  • Paksa o tema : sentral ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo
  • Paksa o tema : mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa
  • Ibat ibang pamamaraan sa narasyon
    1. Diyalogo
    2. Foreshadowing
    3. Plot twist
    4. Ellipsis
    5. Comic book death
    6. Reverse chronology
    7. In media res
  • Diyalogo : paggamit ng direktang paguusap ng tauhan
  • Foreshadowing : pagbibigay ng clue sa puwedeng maging takbo ng kuwento
  • Plot twist ; kabigla biglang pagbabago sa takbo ng kuwento na hindi inaasahan ng mambabasa
  • Ellipsis : pag aalis ng ilang bahagi upang magisip ang mga mambabasa
  • Comic book death : pinalalabas na patay na ang mga mahahalang tauhan ngunit nabubuhay sa dulo
  • Reverse Chronology : baliktad na pamamaraan dahil nagsisimula sa wakas patungong simula ang takbo ng kuwento
  • In media res : nagsisimula sa gitna ang takbo ng kuwento sa pamamagitan ng flashback
  • Deus ex machine : tinatawag din god from the machine
  • Deus ex machine : ito ay ang pagbabago sa problema sa kuwento na tila ba wala na solusyon ngunit nareresolba dahil sa di inaasahang tauhan o bagay o pangyayari na hindi naman nabanggit sa umpisa ng kuwento
  • Tunggalian : komplikasyon o problema sa kuwento nagsisilbing batayan ng pagbabago ng mga disposisyon sa loob ng kuwento
  • Resolusyon: kinalabasan o kinahantungan ng tunggalian o komplikasyon sa kuwento