ito ang paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Pag-aanunsiyo
ito ang pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo.
Tatlong Uri ng Pag-Aanunsiyo:
Bandwagon - pagpapakita ng dami ng mga tao na tumatangkilik sa mga produkto or serbisyo.
Testimonial - pag-e-endorso ng mga produkto na mga kilalang personalidad upang hikayatin ang mga tao na gamitin at bilhin ang isang produkto.
Brand Names - ang pagpapakilala ng mga produkto batay sa katangian at kabutihang dulot ng paggamit at pagpili nito..
> Batay sa Engel'sLawofConsumption ni ErnstEngel, malaking porsyento ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Presyo
ito ang halaga na katumbas ng isang produkto or serbisyo.
Anim na Salik ng Pagkonsumo:
Pag-Aanunsiyo
Pagpapahalaga ng Tao
Pangagaya
Kita
Okasyon
Presyo
Apat na Uri ng Pakonsumo:
Produktibo
Tuwiran
Mapanganib
Maaksaya
Law of Variety
isinasaad ng batas na ito na higit ang kasiyahan ng tao sa pagkonsumo sa iba't ibang klase ng produkto kaysa sa paggamit ng iisang produkto.
Law of Imitation
isinasaad sa batas na ito na nasisiyahan ang tao kapag nagagaya nila ang ibang tao.
Law of Harmony
ayon sa batas na ito, ang tao ay kumokonsumo ng mga magkokomplementaryong produkto upang higit na magtamo ng kasiyahan.
LawofEconomicOrder
ayon sa batas na ito, mas higit ang kasiyahan ng tao kapag nabibigyang halaga ang mga pangunahing pangangailangan kaysa sa luho.
LawofDiminishingUtility
pinapaliwanag sa batas na ito na unti-unting bumababa ang kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo ng sunod-sunod ng iisang produkto.
Utility
Ito ang kasiyahang natatamo ng tao sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo.
Dalawang uri ng Utility:
Total utility - ang kabuuang kasiyahan ng tao.
Marginal utility - ang karagdagang kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo ng produkto.
PovertyStandard
ang mga taong kabilang dito ay umaasa sa mga tulong, donasyon, at limos upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
DecencyStandard
ang tinatanggap na kita ng mga tao sa grupong ito ay mas mataas na magagamit nila sa pagpili ng mga uri ng produkto na makakatugon sa kanilang pangangailangan.
BareLivingStandard
ang kinikita ng mga tao na kabilang dito ay sapat lamang upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
Comfort Standard
komportable ang buhay ng mga tao kabilang sa klasipikasyong ito.