Panulaang Filipino

Cards (109)

  • Ano ang kahulugan ng panitikan?
    Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasan kaugnay ng damdamin.
  • Ano ang mga anyo ng panitikan?
    • Tuluyan o Prosa
    • Panulaan
  • Ano ang tuluyan o prosa?
    Ito ay nabubuo sa malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.
  • Ano ang mga halimbawa ng tuluyan o prosa?
    • Maikling Kwento
    • Nobela
    • Dula
    • Alamat
    • Pabula
    • Talambuhay
    • Sanaysay
    • Balita
    • Editoryal
  • Ano ang panulaan?
    Ito’y nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-samang maanyong salita sa mga taludtud.
  • Ano ang mga halimbawa ng panulaan?
    • Tulang liriko o Tulang pandamdamin
    • Tulang pasalaysay
    • Tulang pantanghalan o padula
    • Patnigan (Joustic poetry)
  • Ano ang tulang liriko o tulang pandamdamin?
    Ito’y nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, at damdaming maaaring madama ng may-akda o ibang tao.
  • Ano ang mga uri ng tulang liriko?
    1. Awit/kanta
    2. Soneto
    3. Oda
    4. Elehiya
    5. Dalit
    6. Pasyon
    7. Pastoral
  • Ano ang soneto?
    Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay at may 14 na taludtud.
  • Ano ang nilalaman ng oda?
    Ito ay pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
  • Ano ang elehiya?
    Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
  • Ano ang dalit?
    Ito ay tulang nagpaparangal sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
  • Ano ang pasyon?
    Ito ay aklat na naglalarawan ng pasakit at pagdurusa ni Hesukristo.
  • Ano ang pastoral?

    Ito ay naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.
  • Ano ang mga uri ng tulang pasalaysay?
    1. Epiko
    2. Awit
    3. Korido
    4. Balad
  • Ano ang epiko?

    Ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan.
  • Ano ang awit sa konteksto ng tulang pasalaysay?
    Ang mga awit ay may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pakikipagsapalaran.
  • Ano ang korido?
    Ito ay may sukat na walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
  • Ano ang balad?
    Ito ay may himig na awit at inaawit habang may nagsasayaw.
  • Ano ang mga uri ng tulang pantanghalan o padula?
    1. Panubong
    2. Zarzuela
    3. Moro-Moro
    4. Senakulo
    5. Tibag
    6. Panunuluyan
  • Ano ang panubong?
    Ito ay mahabang tula ng pagpaparangal o paghahandog sa isang taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan.
  • Ano ang zarzuela?
    Ito ay dulang musical na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman, at poot.
  • Ano ang moro-moro?
    Ito ay nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristyano at di-Kristyano.
  • Ano ang senakulo?
    Ito ay pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni Hesus.
  • Ano ang tibag?
    Ito ay ang paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus na pinagpakuan ni Hesus.
  • Ano ang panunuluyan?
    Ito ay nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang ang sanggol na si Jesus.
  • Ano ang mga elemento ng tula?
    1. Sukat
    2. Saknong
    3. Tugma
    4. Talinhaga
    5. Kariktan
    6. Persona
    7. Tono o Indayog
  • Ano ang sukat sa tula?
    Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
  • Ano ang saknong?
    Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
  • Ano ang tugma sa tula?
    May tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang bawat taludtod ay magkasing-tunog.
  • Ano ang talinhaga?
    Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.
  • Ano ang kariktan sa tula?
    Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa.
  • Ano ang persona sa tula?

    Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
  • Ano ang tono o indayog sa tula?
    Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.
  • Ano ang mga anyo ng tula?
    1. Malayang taludturan
    2. Tradisyonal
    3. Blanko berso
    4. Walang sukat na may tugma
  • Ano ang malayang taludturan?
    Ito ay walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo.
  • Ano ang tradisyonal na tula?
    Ito ay may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita.
  • Ano ang blanko berso?
    Ito ay mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog.
  • Ano ang walang sukat na may tugma?
    Ito ay mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog.
  • Ano ang kasaysayan ng panulaang Pilipino sa panahon ng pananakop ng Kastila?
    • Mga unang makatang Tagalog
    • Tomas Pinpin
    • Fernando Bagongbanta
    • Pedro Suarez Osorio
    • Philipe de Jesus