Kahulugan, Kasaysayan, at Proseso ng Pagsasalin

    Cards (21)

    • Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo.
      Eugene Nida
    • Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita
      Theodore Savory
    • Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika
      Mildred Larson
    • Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitán ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.
      Peter Newmark
    • Nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang pagsalin
      translatio
    • Isang matandang kawikaang Italiano ang nangangahulugang “tagasalin, taksil"
      traduttore, traditore
    • Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapuwa’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.
      Paciano Mercado Rizal
    • gawaing sumasaklaw sa paghahanap na katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda
      Imitasyon o panggagaya
    • ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maaari itong mangahulugan ng pagsasapanahon
      Reproduksyon o muling-pagbuo
    • Ang unang aklat na nailimbag, ang __ (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika.
      Doctrina Cristiana
    • Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong __ noong Panahon ng mga Español mula wikang Español tungong mga katutubong wika (hal., Tagalog, Cebuano, Kapampangan, etc.) sa layuning indoktrinahan ang mga Pilipino
      moral o relihiyoso
    • Maraming naisaling klasiko noong panahon ng amerkiano
      Rolando Tinio
    • Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles
      Panahon ng Amerikano
    • Ang pagsasalin daw ay __ dahil sa pinagdaraanan nitong proseso.
      agham
    • Ang pagsasalin naman daw ay __ dahil sa ginagawa ditong muling paglikha.
      sining
    • Ayon kina Minako O’Hagan (2002), ang __ ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa.
      lokalisasyon
    • isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil sa matindi at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong mundo(Almario,2016).
      aralin sa pagsasalin (translation studies)
    • Proseso ng Pagsasalin
      1. Paghahanda sa Pagsasalin
      2. Aktuwal na Pagsasalin
      3. Pagsusuri ng salin
    • Patakaran Bilinggwal
      Pagsasalin ng mga materyales pampaaralan gaya aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa.
    • Aktuwal na Pagsasalin
      • Ang gawaing ito ay malimit na depende sa tagasalin—sa kaniyang layunin—na depende rin sa kaniyang kaalamang pangwika, sa ninanais niyang epektong pampanitikan, sa kaniyang paboritong salita, sa kaniyang mood hábang nagsasalin.
      • Paghahanap ng salita na pantumbas sa insinaling salita
    • Pagsusuri ng Salin
      Napakalaking tulong ang intelihente at masinsinang pagsuri sa mga salin tungo sa inaasam nating paglusog ng pambansang pagsasalin.