Kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa ng Pilipinas

Cards (47)

  • ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming jalekto o wikain
  • tumagal ng mahigit tatlong daan at tatlumpu ang ating pagkakaalipin dahil sa walang wikang nauunawaan at ginagamit na nakararaming Pilipino
  • ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay naasalamin sa mga batas, kautusan, proklama at kautusan na ipinalabas ng iba't ibang tanggapang pampamahalaan
  • 1935 seksyon 3 artikulo 14
    • gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa katutubong wika
  • 1936(Oktubre 27)
    • Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon
    • Mensahe sa Asemblea Nasyonal sa paglikha ng isang Surian ng Wikang pambansa
  • 1936(Nobyembre 13)
    • Pagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.184
    • Kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang pambansa
  • Tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa
    1. Pag-aaral ng pangunahing wika na gumagamit ng may kalahating milyong Pilipino lamang
    2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing jalekto;
    3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortografriyang Pilipino;
    4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa ,(a) Pinakamaunlad at pinakamayaman na panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
  • 1937(Enero 12)
    • Hinirang ni Pangulong M.L.Q ang bubuo sa S.W.P.
    • Seksyon 1, Batas Komonwelt bilang 184, sa pagkakausog ng Batas Komonwelt bilang 333
  • Nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:
    • Jaime C. Veyra (Visayang Samar)[Tagpangulo]
    • Cecilio Lopez (Tagalog)[Kalihim at Punong Tagapagpaganap]
    • Santiago A. Fonacier (Ilokano) [Kagawad]
    • Filemon Sotto (Visayang Hiligaynon)[Kagawad]
    • Casimiro F. Perfecto (Bikol)[Kagawad]
    • Hadji Butu (Muslim)[Kagawad]
  • Hindi siya nakaganap sa kaniyang tungkulin bilang kagawad ng S.W.P.
    dahil sa pagpanaw
    Hadji Butu
  • Hindi siya nakaganap sa kaniyang tungkulin bilang kagawad dahil sa may kapansanan
    Filemon Sotto
  • Iba pang Kagawad na nahirang:
    • Lope K. Santos (Tagalog)
    • Jose I. Zulueta (Pangasinan)
    • Zoilo Hilario (Kapampangan)
    • Isidro Abad (Visayang Cebu)
  • Ipinalit kay Lope K. Santos si Inigo Ed. Regalado nung siya ay nagbitiw
  • 1937(Nobyembre 9)
    • Bunga ng Batas Komonwelt Blg. 184
    • Ang Tagalog ang halos tumutugon sa hinihingi ng batas na ito
  • 1937(Disyembre 30)
    • Sa pamamagitan ng Kautusang tagapagpaganap Blg.134
    • Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog
  • Kahawig ng Tagalog ang ibang mga wika:
    • 59.6% Kapampangan
    • 48.2% Cebuano
    • 46.6% Hiligaynon
    • 39.5% Bikol
    • 31.3% Ilokano,atbp
  • Ang wikang pambansa ay nagtataglay ng humigit-kumulang na salitang hiram:
    • 5,000 sa Kastila
    • 1500 sa Ingles
    • 1500 sa Intsik
    • 3000 sa Malay
  • 1940(Abril 1)
    • Kautusang Tagapagpaganap Blg.263
    • pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa
    • Hunyo 19, 1940 nang nagsimulang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa mga paaralan
  • 1940(Abril 12)
    • Kallihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan
    • sinundan ng isan sirkular, Blg. 26, serye 1940 ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvavdor
  • 1940(Hunyo 7)
    • Batas Komonwelt Blg.570
    • Ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang ofisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940)
  • 1954(Marso 26)
    • Pangulong Ramon Magsaysay
    • Proklama Blg.12
    • Linggo ng Wikang Pambansa simulla sa Marso 29 hanggang Abril 4
    • Araw ni Balagtas (Abril 2)
  • 1955(Set. 23)
    • Proklama Blg.12 Serye ng 1954
    • Inilipat ang Linggo ng wikang pambansa sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto
    • Kaarawan ni Quezon (Agosto 19)
  • 1959(Agosto 13)
    • Kalihim Jose E. Romero ng DepEd
    • Pangkagawaran Blg.7
    • PILIPINO ang tawag sa Wikang Pambansa
  • 1967(Okt. 24)
    • Pangulong Marcos
    • Kautusang Tagapagpaganap (Blg.96)
    • Lahat ng gusali, edifisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangngalanan na sa Pilipino
  • 1968( Marso 27)
    • Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas
    • Memorandum Sirkular Blg.172 ay nagbibigay diin sa Kautusang tagapagpaganap Blg.96
    • letterhead ay dapat nakasulat sa Pilipino
  • 1968(Agosto 5)
    • Memorandum Sirkular Blg.199
    • Seminar sa Pilipino
  • 1968(Agosto 6)
    • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
    • Gamitin ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan sa lahat
  • 1969(Agosto 7)
    • Memorandum Blg.277
    • Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda bumabago sa Memorandum Sirkular Blg.199
    • Nag-iimbita na dumalo sa seminar
  • 1970(Agosto 17)
    • Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor
    • Memorandum Sirkular Blg.384
    • pumili ng mga tauhan na mamamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng parte ng pamahalaan
  • 1971(Marso 4)
    • Memoranum Sirkular Blg.443 ni Alejandro Melchor
    • palatuntunan sa alaala ng ika-183 aniversaryo ng kapnganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar noong Abril 2, 1971
  • 1971(Marso 16)
    • Nilagdaan ni Marcos ang kautusang tagapagpaganap Blg.304
    • Nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin niya sa S.W.P.
  • 1971( Hulyo 29)
    • Memorandum Sirkular Blg. 488
    • magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang pambansa (Agosto 13 - 19)
  • 1972(Disyembre 1)
    • Nilagdaan ni Marcos ang Kautusang Panlahat Blg.17 na nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at mga pahayagan
  • 1972(Disyembre)
    • Pangulong Ferdinand E. Marcos
    • Atas ng Pangulo Blg.73
    • nag-aatas sa S.W.P na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may 50,000 mamamayan
  • 1973
    • Saligang Batas, Artikulo 16 Seksyon 3
    • Ipahayag ang Wikang Opisyal sa Ingles at Pilipino
    • Kung magkaroon ng hidwaan ay Ingles ang mananalig
    • Ang Pambansang Asembleo ay dapat gumawa ng hakbang sa pagpapaunlad sa pormal na uri ng panlahat Wikang Pambansa na makikilalang Filipino
  • 1974(Hunyo 19)
    • Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura
    • Kautusang Pangkawaran Blg.25
    • edukasyong bilinggwal
  • 1978(Hulyo 21)
    • Ministro ng Edukasyon at Kultrua Juan L. Manuel
    • Kautusang Pangministri Blg.22
    • Pagsama ng Filipino sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasaang antas
    • Pagsasanay sa mga guro
  • 1986(Agosto 12)
    • Pangulong Corazon C. Aquino
    • Proklamasyon Blg.19
    • Gumawa ng nakapahalagang papel na nagpasiklab sa Kapangyariang bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan
  • 1987(Pebrero 2)
    • Pinagtibay ang Bagong Konstitusyonn ng Pilipinas. Sa artikulo 14, SEksyon 6-9:
    • Seksyon 6: Wikang Pambansa=Filipino
    • Seksyon 7: wikang ofisyal ng Pilipinas=Filipino at habang wala pang nakasaad sa batas ay Ingles
    • Seksyon 8: Dapat na isalin sa Filipino at Ingles, wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila ang konstitusyon ito
    • Seksyon 9: MAgtatag ng isang KOmisyon ng Wikang Pambansa
  • 1987
    Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan
    • Kautusan Bilang 52
    • Paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas