Kakayahang Komunikatibo

Cards (33)

  • Kakayahang unawain ang mensahe o kahulugan ng anumang sitwasyong komunikatibo sa pamamagitan ng pagkilala sa mga salik o elementong sangkot dito
    Kakayahang Sosyolinggwistik
  • Tumutukoy sa lugar o pook kung saan nangyari ang usapan o pag-uusap 

    Setting
  • Sino-sino ang nag-uusap o pagtukoy kung sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap

    Participant
  • Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap, na ang ibig sabihin ay kung paano nagsimula ang usapan

    Ends
  • Pagtukoy sa kung paano ang daloy o “takbo” ng usapan

    Act Sequence
  • Pagtukoy sa tono ng kausap, pormal ba o di- pormal, seryoso ba o hindi; tumutukoy rin ito sa paraan ng pag-uusap at mga salitang ginagamit sa usapan

    Keys
  • Anong midyum o tsanel ang ginamit, pasalita ba o pasulat, telepono ba o hindi, sulat ba ito, text message o telegrama.

    Instrumentalities
  • Ano ang paksa ng usapan, marami at malawak ba ang kaalaman ng mga nag-uusap sa pinag-uusapan

    Norms
  • Anong uri ng diskurso ang ginagamit, naglalarawan lang ba o nagbibigay ng impormasyon, nagsasalaysay ba o nangangatwiran na parang nagtatalo.

    Genre
  • Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagtukoy kung naisakatuparan ang layunin ng pakikipagtalastasan.
    Kakayahang Diskorsal
  • Nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo. 

    Canary at Cody (2000)
  • Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
    Pakikibagay (Adaptability)
  • May kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
    Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
  • Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
    Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)
  • Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
    Pagkapukaw ng Damdamin (Empathy)
  • Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.
    Bisa (Effectiveness)
  • Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pang-uusap, o sa taong kausap.
    Kaangkupan (Appropriateness)
  • Kung ang isang tao may may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng mensahe na sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
    Kakayahang Pragmatik
  • Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig.
    Kakayahang Pragmatik
  • Nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
    Kakayahang Pragmatik
  • Ito ay kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
    Kakayahang Istratejik
  • Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag- unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.
    Kakayahang Gramatikal/Istruktural
  • Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.

    Kakayahang Gramatikal
  • Sangay ng lingwistika na tumutukoy sa maagham na pag-aaral ng tunog ng isang wika. Dito din pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.
    Ponolohiya
  • Tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog ng isang wika (Phoneme) “phone” tunog at “eme” – makabuluhan.
    Ponema
  • Binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/, /y/ 

    Ponemang Katinig
  • Ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. 

    Ponemang Patinig
  • Ang ponemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.

    Cubar (1994)
  • Ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan.
    Morpolohiya
  • Pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang pinakamaliit nay unit ng isang salita ay nangangahulugang hindi na maaari pang hatiin sa mas maliit na anyo nang hindi masisira ang kahulugan nito.

    Morpema
  • Ang sintaksis ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ng mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap. May mga tuntunin sa gramatika na nagtatakda kung paano pagsamahin ang mga morpema at ang mga salita para makapagpahayag ng isang tiyak na pagpapakahulugan. 

    Sintaksis
  • Nauukol din sa pag-aaral ng pagkakaugnay ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Ang pagsasaayos ng mga salita upang makbuo ng parirala, sugnay at pangungusap ang pokus ng sintaks.

    Sintaksis o Palaugnayan
  • Sa payak na pagpapakahulugan ang semantika ay pag-aaral ng kahulugan ng isang salita gaya ng mga parirala at mga pangungusap. Ito ay maaaring pagpapakahulugan sa mga salita, pananda, at mga simbolo. Samakatuwid, ang semantika ay pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika na ginamit sa pangungusap o pahayag. 

    Semantika