Ano ang uri ng pagsulat na masining at may personal na istilo?
Malikhain
Ano ang mga katangian ng malikhain na pagsulat?
Masining, personal na istilo, hindi masyadong pormal, hindi mahigpit sa pagsulat, maaaring magkuwento, magbuod o maglagom, magbahagi ng karanasan, at maaaring likhang isip lamang.
Ano ang mga halimbawa ng malikhain na pagsulat?
Maaaring magkuwento, magbuod o maglagom, at magbahagi ng karanasan.
Ano ang pagkakaiba ng akademik na pagsulat sa malikhain na pagsulat?
Ang akademik na pagsulat ay tiyak at may istandard na tuntunin, pormal, at nakabatay sa mga datos.
Ano ang mga katangian ng akademik na pagsulat?
Tiyak at istandard na tuntuning dapat sundin, pormal, kumbensiyonal, nakabatay sa mga datos, tama ang sipi, pagkilala at pagbaggit, at makatotohanan.
Ano ang mga halimbawa ng akademik na pagsulat?
Sanaysay
Reaksiyong papel
Pamanahong papel
Book report
Tesis
Disertasyon
Ekspositori
Ano ang layunin ng tekstong ekspositori?
Ang tekstong ekspositori ay naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon ukol sa tiyak na paksa.
Saan nagmula ang salitang "ekspositori"?
Mula ito sa Medival Latin na salitang expositorious at sa salitang exposit at exposure.
Ano ang ibig sabihin ng salitang "expound" sa Ingles?