PERFECT NA TAO SI MAAM JHAMIL

Cards (38)

  • Ano ang Tanggol Wika?

    Alyansa ng mga dalubiwika, guro, mag-aaral, at iba pang nagmamahal sa wika na nagtataguyod ng patuloy na pagyabong ng wikang Filipino.
  • Ano ang layunin ng Makawikang organisasyon?

    Nagsusulong at nagtatanggol ng paggamit at pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba't ibang aspeto ng buhay at edukasyon.
  • Ano ang Posisyong Papel?

    Isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninindigan sa isang napapanahong isyu.
  • Ano ang International standards?

    Mga pamantayang kinikilala at sinusunod ng iba't ibang bansa upang magkaisa.
  • Ano ang labor mobility?

    Kakayahan ng mga manggagawa na makahanap at makakuha ng trabaho sa iba't ibang lugar o bansa.
  • Ano ang ASEAN integration?

    Pagsasama-sama ng mga bansang kasapi ng ASEAN upang magkaisa.
  • Ano ang CHED Memorandum Order?

    Mga patakaran o kautusan mula sa Commission on Higher Education.
  • Ano ang Temporary Restraining Order (TRO)?

    Isang kautusan mula sa hukuman na pansamantalang pinipigilan ang pagpapatupad ng isang patakaran, habang di pa natatapos ang paglilitis.
  • Ano ang disiplina sa konteksto ng pag-aaral?

    Sangay ng kaalaman o pag-aaral na may espesyalisadong paksa o larangan, tulad ng Filipino at Panitikan.
  • Ano ang dunong bayan?

    Mga kaalamang lokal at karanasan na nagmula sa pamayanan at kultura ng mga Pilipino.
  • Ano ang intelektwalisasyon?

    Ang proseso ng pagpapataas ng antas ng kaalaman at kasanayan sa isang partikular na wika o larangan.
  • Ano ang mga hamon ng K to 12 na nauugnay sa asignaturang Filipino at Panitikan?

    • Pagtanggal ng Asignaturang Filipino at Panitikan
  • Kailan nabuo ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)?

    Noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University Manila.
  • Ano ang naging resulta ng pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013?

    Nagresulta ito sa paglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) upang ipahinto ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
  • Ano ang mga posisyong papel ng iba't ibang institusyon tungkol sa wikang Filipino?

    1. De La Salle University: "Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano."
    2. Ateneo de Manila University: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipino sa CHED Memorandum Order No. 20.
    3. University of the Philippines, Diliman: "Susi ng Kaalamang Bayan."
    4. Polytechnic University of the Philippines: Posisyon ng Kagawaran ng Filipinolohiya.
  • Sino si David Michael M. San Juan?

    Siya ang pangunahing tagapagsalita at isa sa mga nagtatag ng "Tanggol Wika."
  • Ano ang kontribusyon ni Dr. Bienvenido Lumbera sa Tanggol Wika?

    Siya ay Pambansang Alagad ng Sining at aktibong miyembro ng "Tanggol Wika."
  • Ano ang papel ni Rolando Tolentino sa kilusang Tanggol Wika?

    Siya ay kritiko sa larangan ng pelikula at panitikan at masigasig na nagtuturo at nagsusulong ng paggamit ng Filipino sa akademya.
  • Ano ang larangan ni Dr. Danilo Arao?

    Kilala siya sa larangan ng journalism at media studies.
  • Ano ang kontribusyon ni Dr. Zeus Salazar sa Tanggol Wika?

    Siya ay isang kilalang historian at cultural anthropologist na nagtaguyod ng Pilipinolohiya.
  • Ano ang papel ni Dr. Ferdinand Llanes sa Tanggol Wika?

    Siya ay guro sa Unibersidad ng Pilipinas at manunulat at historian.
  • Ano ang kilalang papel ni Dr. Prospero De Vera?

    Mas kilala siya bilang isang opisyal ng gobyerno.
  • Ano ang mga isyu na nagdudulot ng pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa Filipino?

    • Ang mga gadyet at midya na ang pangunahing wika ay Ingles ay nagdudulot ng kakulangan sa kaalaman ng kabataan sa sariling wika.
  • Ano ang mga hakbang na itinataguyod ng pamahalaan para sa wika?

    • Artikulo XIV, Seksiyon: Itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng opisyal.
    • Executive Order No. 335 ng dating Pangulong Corazon C. Aquino: Lahat ng mga kagawaran ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para magamit ang Filipino.
  • Ano ang nilalaman ng "12 Reasons to Save the National Language" ni G. David Michael M. San Juan?

    Itinatampok ang kahalagahan ng paggamit ng Filipino bilang wika ng pagtuturo sa kolehiyo.
  • Ano ang mga nilalaman ng "12 Reasons to Save the National Language"?
    • Artículo XIV Seksyon 6
    • Epektibong paggamit ng Filipino bilang wikang panturo
    • ASEAN integration at pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura.
    • Filipino at Panitikan ay kabilang sa College Readiness Standard ng CHED.
    • Filipino bilang wikang pandaigdigang itinuturo at pinag-aaralan sa mahigit 80 institusyon at unibersidad sa ibang bansa.
  • Ano ang pangarap ni Virgilio S. Almario para sa wikang Filipino?

    Ang paggamit ng Filipino ay dapat masiguro sa araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
  • Ano ang batis ng impormasyon?

    Pinanggagalingan ng mga katunayan at datos.
  • Ano ang mga kategorya ng batis ng impormasyon?
    • Primarya
    • Sekondarya
  • Ano ang primaryang batis?

    Orihinal na pahayag, direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo, etc.
  • Ano ang mga halimbawa ng primaryang batis?

    1. Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao: Pagtatanong-tanong, Pakikipagkuwentuhan, Panayam o interbyu, Umpukan, Pagbabahay-bahay.
    2. Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel: Awtobiyograpiya, Talaarawan, Sulat sa koreo at email, Tesis at disertasyon, Sarbey, Artikulo sa journal, Balita sa diyaryo, radio, at telebisyon, Mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno, Orihinal na dokumento, Talumpati at pananalita, Larawan at iba pang biswal na grapika.
    3. Mula sa iba pang batis: Harapan o online na survey, Artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, Nakarecord na audio at video, Mga blog sa internet, Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya, Mga likhang sining.
  • Ano ang layunin ng paggamit ng primaryang batis?

    Upang makakuha ng orihinal na impormasyon mula sa mga direktang pinagkukunan.
  • Ano ang sekundaryang batis?

    Interpretasyon, opinyon, at kritisismo mula sa indibidwal na hindi direktang nakaranas, nakaobserba, o nagsaliksik sa isang paksa o phenomena.
  • Ano ang mga halimbawa ng sekundaryang batis?

    • Ilang artikulo sa dyaryo at magasin
    • Encyclopedia
    • Teksbuk
    • Manwal at gabay na aklat
    • Diksyonaryo at Tesoro
    • Kritisismo
    • Komentaryo
    • Sanaysay
    • Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
    • Abstrak
    • Mga kagamitan sa pagtuturo (ppt)
    • Sabi-sabi
  • Ano ang mga pamamaraan ng pagkalap ng datos?
    1. Eksperimento - kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik.
    2. Interbyu - interaksyon sa pagitan ng mananaliksik at tagapag bahagi.
    3. Focus Group Discussion (FGD) - Semi-estrukturadong talakayan.
  • Ano ang mga aspeto ng ugnayan ng impormasyon na maaaring palitawin?

    • Pagkakatulad at pagkakaiba
    • Iba’t ibang anggulo at anyo/mukha
  • Ano ang semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni Spradley (1979)?

    • Istriktong paglalakip (strict inclusion)
    • Espasyal (spatial) o Pagbibigay-katuwiran (rationale)
    • Sanhi – bunga/kinalabasan (cause – effect)
    • Lugar ng isang kilos (place of action)
    • Gamit (function)
    • Paraan – kinayarian (means – end)
    • Pagkakasunod – sunod (sequence)
    • Atribusyon (attribution)
  • Ano ang gabay sa pagbubuod ng impormasyon?

    1. Basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga susing salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema.
    2. Ankop na elemento at estruktura ng buod.
    3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, ang coding ay isang mabisang paraan.
    4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.