Kahulugan ng Demand

Cards (18)

  • demand
    • tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng isang mamimili sa isang takdang presyo
    • ito ang iyong kagustuhan na bumili ng isang produkto, batay sa kung ano ang presyo nito, at kung magkano ang iyong kayang bilhin.
  • Malapit ang ugnayan ng demand sa suplay kaya naman bawat negosyo ay gumugugol ng malaking halaga upang malaman ng tiyak kung gaano kalaki ang magiging demand para sa produktong kanilang ipoprodukto. Kung sila ay magkamali sa pagtantiya sa laki ng demand, hindi nila magagamit ang pagkakataon upang kumita ng mas malaki o kaya naman ay maaari silang malugi sa negosyo. 
  • Batas ng Demand
    • ang demand para sa isang produkto at ang presyo nito ay inversely proportional o mayroong magkasalungat na ugnayan sa isa't isa
    • Ayon sa Batas ng Demand, tuwing tumataas ang presyo ng bibilihin, bababa ang demand. Kung bababa naman ang presyo, tataas ang demand
    • Makikita ang paggalaw ng Batas ng Demand sa pang-araw araw na pamumuhay.
    • binabalangkas ang ang relasyon sa pagitan ng presyo at demand para sa isang produkto
    • Ipinapakita nito ang epekto ng pagbabago ng presyo ng isang produkto batay sa laki ng demand para rito.
  • Tatlong Konsepto ng Demand
    • demand schedule
    • demand curve
    • demand function
  • Demand Schedule
    • talaan na nagpakita ng dami ng produktong mabibili sa isang partikular na presyo
    • Ipinapakita nito kung paano nagbabago ang demand habang nagbabago ang presyo nito batay sa Batas ng Demand
  • Halimbawa ng Demand Schedule
    A) Presyo ng Produkto
    B) Dami ng Demand
    C) Punto
  • Demand Curve
    • Ang kurba ng demand (demand curve) ay isang graphic representation ng ugnayan ng presyo ng demand sa produkto
    • Inilarawan ito bilang isang downward slope
    • ito ay batay sa demand schedule
    • ang presyo ng produkto ay nasa y-axis at ang laki ng demand naman ay palaging nasa x-axis.
  • Kurba ng Demand (Demand Curve)
    A) Presyo ng Produkto
    B) Laki ng Demand
  • Paglipat ng Demand Curve
    • Nangyayari kapag may pagbabago sa mga salik maliban sa presyo
    • Pagtaas ng Demand
    • Pagbaba ng Demand
  • Pagtaas ng Demand
    Lumilipat sa kanan ang kurba
  • Pagbaba ng Demand
    Lumilipat sa kaliwa ang kurba
  • DEMAND FUNCTION
    Matematikong paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demanded
  • Paliwanag sa Salungat na Ugnayan ng Presyo at Quantity Demanded
    1. Substitution Effect
    2. Income Effect
  • SUBSTITUTION EFFECT
    • Kapag tumaas ang presyo ng produkto o serbisyo, ang mga mamamayan o mamimili ay humhanap ng mga maaring ipalit dito na mas mura
    • Ito ang maaaring dahilan upang bumaba ang isang produkto o serbisyo.
  • INCOME EFFECT
    • Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto o serbisyo ay bumababa ang kakayahan at kahandaan ng isang mamimili na makabili nito.
    • Ngunit kapag bumaba naman ang presyo tumataas ang kakayahan ng mamimili na bumili nag marami.
  • Demand Function
    • QD=QD=abPa-bP
    • QD = Quantity Demanded (dependent variable)
    • P = Presyo (Independent Variable)
    • a = intercept (bilang ng QD kung ang presyo ay zero)
    • b = Slope (magpapakita ng pagbabago ng QD sa bawat pisong pagbabago ng presyo)
  • CETERIS PARIBUS
    All else remains the same
  • Dalawa ang pangunahing kasangkapan na ginagamit ng mga ekonomista upang matukoy ang ugnayan ng demand at presyo:
    • demand schedule
    • demand curve.