Globalisasyon L2

Cards (51)

  • globalisasyon - ang proseso ng internasyonal na integrasyon bunga ng pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya, at iba pang mga aspeto ng kultura
  • ang paglago ng teknolohiya - isa sa mga pangunahing salik ng globalisasyon
  • Bagaman sinasabi ng marami na ang globalisasyon ay nagsimula lamang sa modernong panahon, ipinalalagay ng iba na ito ay nagsimula na bago pa man ang tinatawag na European Age of Discovery at mga paglalakbay (voyage) sa New World.
  • Noong 2000, kinilala ng International Monetary Fund ang apat na mga pangunahing aspeto ng globalisasyon.
  • apat na mga pangunahing aspeto ng globalisasyon:
    1.) kalakalan at mga transaksiyon
    2.) kapital at paggalaw ng pamumuhunan (investment movement)
    3.) migrasyon at paggalaw ng mga tao
    4.) ang diseminasyon ng kaalaman
  • Ayon kay Roland Robertson — isa sa mga nagpasimula sa teorya ng globalisasyon: "Ang globalisasyon ay isang pinabilis na kompresyon ng kontemporaryong mundo at pagpapatindi sa kamalayan sa mundo bilang iisang entidad o bagay (singular entity)..."
  • Ipinaliwanag ng publikasyon ng United Nations na Human Development Report 1999 ang ganito: "Lalong lumalim ang ugnayan sa buhay ng mga tao sa palibot ng daigdig, mas puno ng buhay, mas malapit higit kailanman. Nagbukas ito ng maraming oportunidad, ano pa at nagbibigay ng bagong pagkakataon para sa kapaki-pakinabang at maging ng mga nakasasamanf mga pagbabago."
  • Ronald Robertson - isa sa mga sosyolohistang unang naglabas ng teorya ukol sa globalisasyon
  • Ronald Robertson - unang gumamit ng terminong globalization
  • Unang Yugto: Ang Pag-usbong o Germinal Phase - Europa (1400-1750) - ang simula ng mga internasyonal na relasyong pangkalakalan sa Europa
  • Sa unang yugto,
    • ang mga simbahan ay itinuturing na global o pang-internasyonal,
    • dumating ang tinatawag na Enlightenment,
    • kumalat ang mga ideya tungol sa pag-unlad,
    • nagkaroon ng paglaganap ng humanismo at pagkamakasarili (individualism),
    • at ginamit ang Gregorian calendar ng halos lahat ng bansa sa Kanluran
  • Ikalawang Yugto: Ang Pagsisimula o Incipient Phase - Europa (1750-1825) - biglaang pagkiling tungo sa idea ng walang isang estado (homogeneous, unitary state)
  • Sa ikalawang yugto, ang mga pormal na relasyong internasyonal ay nagpasimulang magkaroon ng anyo
  • Ikatlong Yugto: Ang Take-off Phase (1875-1925) - ang mga ideya ukol sa katanggap-tanggap na pambansang lipunan (acceptable national society) ay lumitaw
  • Sa ikatlong yugto, nagkaroon ng dagliang pagtaas sa bilang at bilis ng komunikasyong global
  • Sa ikatlong yugto, nagkaroon ng mga pandaigdigang kompetisyon, gaya ng Olympics at Nobel Prize
  • Sa ikatlong yugto, naganap ang pagpapatupad ng world time
  • Sa ikatlong yugto, sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig
  • Sa ikatlong yugto, nabuo ang League of Nations
  • Ikaapat na Yugto: Ang Pakikibaka para sa Dominasyon (1925-1969) - ang mga alitan at digmaang may kaugnayan sa marurupok o tuntunin ng prosesong globalisasyon ay naganap sa may dulo ng yugtong ito
  • Sa ikaapat na yugto, nagkaroon ng mga global o internasyonal na hindi pagkakaunawaan o hindi pagkakasundo
  • Sa ikaapat na yugto, lumitaw ang mga isyu ukol sa Holocaust, bombang atomiko, at United Nations
  • Ikalimang Yugto: Ang Kawalan ng Katiyakan o Uncertainty Phase (1969-1992) - nagkaroon ng pandaigdigang kamalayan sa mundo bilang isang komunidad
  • Sa ikalimang yugto, ang mundo mismo ay hindi nakatitiyak tungkol sa kaniyang hinaharap na direksiyon
  • Ilan sa bumubuo sa ikalimang yugto ay ang paggalugad ng kalawakan (space exploration), post-materialist values, mga pang-internasyonal na komunidad (world community), mga relasyong internasyonal, mga global na problemang pangkapaligiran, at global na mass media sa pamamagitan ng space technology (satellite television, at iba pa)
  • Ang mga laranang tumanggap sa unang yugto ng globalisasyon ay ang Simbahang Katoliko, mga konsepto ng katarungan at sangkatauhan, kalendaryong unibersal, global na paggalugad, at kolonyalismo
  • Ang mga larangang tumanggap sa ikalawang yugto ay ang paglitaw ng mga estadong-bansa (nation-states), mga diplomatikong relasyon sa pagitan ng mga estadong-bansa, mga internasyonal na kasunduan, mga unang non-European countries, at mga unang ideya tungkol sa nasyonalismo at unibersalismo
  • Sa ikatlong yugto, ang globalisasyon ay isang konseptuwalisasyon ng mundo sa larangan ng apat na globalizing reference point: ang estadong-bansa (nation-state), ang indibidwal, ang isang internasyonal na lipunan, at isang maskulinong sangkatauhan (single masculine humanity)
  • Sa ikaapat na yugto umiral ang mga ito: League of Nations at United Nations, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Cold War, pagkabuo ng mga krimen ukol sa digmaan, mga krimen laban sa sangkatauhan, at unibersal na bantang nukleyar ng bombang atomiko
  • politikal na globalisasyon - tumutukoy sa akumulasyon o pagtitipon ng kapangyarihan sa isang internasyonal na gobyerno
  • ang pangunahing layunin ng United Nations - pagkamit ng kapayapaan sa pagitan ng iba't-ibang bansa, pagsasama-sama ng mga bansa at pag-unlad
  • Binubuo ng 193 miyembrong estado (2019) ang United Nations
  • United Nations - isang magandang halimbawa ng isang diplomatikong global na pamayanan (diplomatic global village)
  • pang-ekonomikong globalisasyon - lumitaw bilang isang resulta ng pagsasama-sama ng ekonomiya sa buong mundo sa pamamagitan ng malayang daloy ng kapital, kalakal, teknolohiya, at mga kasanayan
  • foreign investment - hindi lamang nagpapabuti sa pagkakataon sa trabaho, nagpapataas din ito ng eksport na maaaring magpabuti sa gross domestic product (GDP) ng bansa
  • sirkulasyon o pagpapalitan ng mga kultura - nagbibigay-daan sa mga indibidwal upang sumalo o makibahagi sa pinalawak na panlipunang relasyon na tumatawid sa nasyonal at rehiyonal na mga hangganan
  • gobyerno - natural na nakatutok sa pagprotekta sa mga interes ng kani-kaniyang nasasakupang mga mamamayan at sa pagpapalawak ng kani-kaniyang pang-ekonomiyang aktibidad upang mas mapahusay ang buhay ng mga nasasakupan lalo na sa hinaharap
  • gobyerno - pinoprotektahan ang lipunan mula sa panghihimasok ng iba pang mga bansa
  • gobyerno - pinoprotektahan ang mga miyembro ng lipunan sa kapighatian, opresyon o pang-aapi, at kawalan ng katarungan ng bawat isa
  • gobyerno - nagtatayo, nagtatatag, at nagpapanatili ng pisikal o birtuwal na impraestruktura at plataporma na sumusuporta sa kapakanan ng publiko