FIL

Cards (19)

  • Ano ang layunin ng pag-aaral ng kultura?

    Ang layunin ay maunawaan ang kultura at ang mga katangian nito.
  • Ano ang kahulugan ng kultura ayon kay Salazar?

    Walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang saligan at kaluluwa.
  • Ano ang sinabi ni Edward Burnett Taylor tungkol sa kultura?

    Ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw na kinabibilangan ng kaalaman, paniniwala, sining, at moral na kaugalian.
  • Ano ang katumbas ng salitang "kultura" ayon sa pinag-aralan?

    Katumbas ito ng salitang "kalinangan" na may salitang ugat na linang.
  • Ano ang papel ng kultura sa paghubog ng tao ayon kay Timbreza?

    Ang kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali, at gawain ng tao.
  • Ano ang ibig sabihin ng enculturation?

    Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi ito ng sariling kultura.
  • Ano ang kahulugan ng socialization sa konteksto ng kultura?

    Isang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at kultural na aspeto ng buhay.
  • Ano ang mga katangian ng kultura?

    • Natutunan
    • Ibinahagi
    • Naaadapt
    • Dinamiko (patuloy na pagbabago)
  • Ano ang tinutukoy na "valyu" sa manifestasyon ng kultura?

    Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuong ugaliin.
  • Ano ang pagkakaiba ng materyal at di-materyal na bagay sa kultura?

    Ang materyal na bagay ay mga pisikal na bagay, habang ang di-materyal na bagay ay binubuo ng norms, valyu, paniniwala, at wika.
  • Ano ang mga tungkulin ng kultura ng isang pangkat?

    1. Nagbibigay ng paraan upang makibagay sa kapaligiran.
    2. Nagiging tsanel para sa interaksyon ng mga miyembro.
    3. Nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng kultura sa bawat lipunan.
  • Ano ang tinatawag na Universal Pattern of Culture?

    Ang kaisahan ng mga kulturang masasalamin sa bawat lipunan.
  • Ano ang mga halimbawa ng Universal Pattern of Culture ayon kay Winskerna?

    Wika at pananalita, materyal na kultura, at mga kinasanayang pag-uugali.
  • Ano ang mga alternatibo sa kultura?

    • Kaugaliang sinusunod ng lipunan
    • Mga hindi sinusunod na tinatawag na alternatibo
    • Pagbibigay ng mga pagpipilian na nagdudulot ng kasiyahan
  • Ano ang etnosentrismo sa agham panlipunan?

    Ang paglalapat ng sariling kultura bilang batayan upang hatulan ang ibang kultura.
  • Ano ang cultural relativism?

    Ang hindi paghuhusga sa isang kultura ayon sa sariling pamantayan.
  • Ano ang xenocentrism?

    Ang pagnanais na makisali sa mga elemento ng kultura ng iba kaysa sa sariling kultura.
  • Ano ang pagkakaiba ng individualist at collectivist na katangiang komunikatibo ayon kay Hofstede?

    Ang individualist ay walang pakialam sa damdamin ng iba, habang ang collectivist ay mahalaga ang damdamin ng iba.
  • Ano ang pagkakaiba ng allocentric at idiocentric na katangiang komunikatibo ayon kay Triandis?

    Ang allocentric ay iniisip na mahalaga ang iba, habang ang idiocentric ay sarili lamang ang mahalaga.