AP konsepto Ng imperyalismo at kolonyalismo

Cards (59)

  • Sino ang nakakuha ng trading posts sa Calicut noong 1500?

    Si Pedro Alvares Cabral
  • Bakit nakuha ni Pedro Alvares Cabral ang trading posts sa Calicut?

    Kapalit ng pakikipag-alyansa laban sa mga kalaban ng hari ng Cochin
  • Sino ang hinirang na Viceroy ng India noong 1505?
    Si Francisco de Almeida
  • Ano ang sakop ng teritoryo ni Francisco de Almeida bilang Viceroy ng India?

    Lahat ng teritoryo ng kaharian sa Silangan ng Cape of Good Hope
  • Anong misyon ang ibinigay kay Ferdinand Magellan ng hari ng Espanya?

    Upang tumuklas ng ruta patungong Silangan
  • Ano ang ginawa ni Ferdinand Magellan noong 1519?

    Tumulak siya mula Seville, Spain at tinawid ang Karagatang Atlantic
  • Ano ang tawag sa lugar na tinawid ni Magellan sa Timog Amerika?
    Strait of Magellan
  • Ano ang nangyari sa ekspedisyon ni Magellan noong 1521?

    Nakarating sila sa Pilipinas ngunit napatay si Magellan
  • Ano ang itinuturing na kauna-unahang paglalayag paikot ng mundo?
    Ang ekspedisyon ni Magellan
  • Ano ang tuwiran o direktang kolonyalismo?

    • Direktang kontrol ng pamahalaan, ekonomiya, at kultura
    • Pagtatalaga ng mga dayuhang opisyal
    • Pagpapatupad ng mga batas ng kolonyal na kapangyarihan
  • Ano ang mga pakinabang at hamon ng tuwiran o direktang kolonyalismo?
    Pakinabang:
    • Direktang kontrol sa kalakalan at likas na yaman
    Hamon:
    • Malaking gastusin para mapanatili ang kontrol
    • Banggaan ng mga kultura at pagwasak ng mga kultura
  • Ano ang di-direktang kolonyalismo?

    • Pangangalaga sa tradisyon at pakikipagtulungan sa mga lokal na pinuno
    • Pinapayagan ang lokal na pamumuno basta't sumusunod sa utos ng kolonyal na kapangyarihan
  • Ano ang mga pakinabang at hamon ng di-direktang kolonyalismo?

    Pakinabang:
    • Mas magaan ang gastusin
    • Nagagamit ang kaalaman ng mga lokal na pinuno
    Hamon:
    • Maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan
  • Ano ang Unang Yugto ng Imperyalismo (1500 – 1760)?

    • Napangibabawan ng mercantilist doctrine
    • Nakatuon sa mas epektibong pamamahala sa mga katutubong populasyon
  • Ano ang merkantilismo?

    Isang sistemang pang-ekonomiya na nakaugat sa paniniwala na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa yaman ng kaban nito
  • Ano ang mga mahahalagang ideya at kaganapan sa Unang Yugto ng Imperyalismo?

    • Pagpaparami ng mga kolonya para sa access sa likas-yaman
    • Pag-okupa sa mga teritoryo para sa mamahaling metal, alipin, at produkto ng tropiko
  • Ano ang naging epekto ng pagpapalakas ng hukbong pandagat sa Unang Yugto ng Imperyalismo?

    • Nagbigay kakayahan sa mga mananakop na protektahan ang kanilang interes
    • Nagpabilis ng komunikasyon at pagpapadala ng puwersang military
  • Ano ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo (1760-1870)?

    • Pinaigting na pagtatayo ng imperyo ng mga kanluranin
    • Nagsimula ang industrial revolution sa Great Britain
  • Ano ang ibig sabihin ng Industrial Revolution?

    Ang pagsisimula ng paggamit ng makinarya para sa mass production
  • Ano ang mga kinakailangan sa mass production sa panahon ng Industrial Revolution?

    • Malalaking suplay ng mga sangkap o hilaw na materyales
    • Mataas na pangangailangan sa pabrika
  • Ano ang naging epekto ng kapitalismo sa kolonyalismo?

    • Nagdulot ng pagbabago sa sistema ng pag-aari ng lupa
    • Nagbigay ng supply ng mga manggagawa sa pamamagitan ng sapilitang paggawa at manggagawang suweldohan
  • Ano ang White Man’s Burden’s Theory?

    • Paniniwala na ang pagpapalaganap ng sibilisasyon ng mga kanluranin ang kanilang pinakamahalagang misyon
    • Kaakibat ang pananaw kung paano maging sibilisado batay sa kanilang sibilisasyon
  • Ano ang mga manipulasyon ng White Man’s Burden?

    • Pagtuturo ng Kristyanismo
    • Pagpapalaganap ng kanilang mga paniniwala sa pamahalaan, batas, edukasyon, at wika
  • Ano ang bagong imperyalismo (1875 – 1914)?
    • Protectorate: Bansa na pinamumunuan ang sarili ngunit nasa ilalim ng control ng mas makapangyarihang bansa
    • Sphere of influence: Makapangyarihang bansa na nakakakuha ng mga karapatan sa ilang bahagi ng isang bansa
  • Ano ang mga benepisyo ng tren sa panahon ng bagong imperyalismo?

    • Nagpatibay ng control sa mga kolonya
    • Nagpabilis ng komunikasyon at pagpapadala ng puwersang military
  • Ano ang mga sanhi ng tunggalian ng mga bansa sa bagong imperyalismo?

    • Pagpapaligsahan sa okupasyon at pagkontrol ng mga teritoryo
    • Pag-angat ng mga bansa na may kakayahang hamunin ang Great Britain
  • Ano ang tinutukoy na "sphere of influence" sa konteksto ng imperyalismo?

    Isang uri ng imperyalismo kung saan ang isang makapangyarihang bansa ay nakakakuha ng mga karapatan at pribilehiyo sa ilang bahagi ng isang bansa o rehiyon.
  • Paano nakukuha ng isang makapangyarihang bansa ang mga karapatan sa isang rehiyon?

    Batay ito sa mga kasunduan at concessions na makukuha mula sa bansa.
  • Ano ang pagkakaiba ng "sphere of influence" sa mga naunang panahon ng imperyalismo?

    Naiiba ito dahil sa pagsali ng mga bagong manlalaro tulad ng Germany, Estados Unidos, Italya, at Hapon.
  • Ano ang mga anyo ng tunggalian ng mga bansa sa konteksto ng imperyalismo?

    • Pagpapaligsahan ng mga bansa na okupahin at kontrolin ang mga teritoryo.
    • Pag-angat ng mga bansa na may kakayahang hamunin ang Great Britain.
    • Pag-uunahan sa pagtatayo ng mga hukbong pandagat.
  • Ano ang mga barkong pandimaan na ginamit sa imperyalismo?

    Ang mga barkong pandimaan ay steam powered na nagbigay kakayahang maglayag sa anumang bahagi ng mundo.
  • Ano ang mga malalakas na estado sa Timog-Silangang Asya noong 1600s?

    Ang Vietnam at Ayutthaya (sinaunang siyudad sa Thailand).
  • Ano ang pagkakaiba ng Siam at Burma sa kanilang relasyon?

    Magkaaway ang Burma at Siam, ngunit magkapareho ang kanilang relihiyon, pamahalaan, at estruktura ng lipunan.
  • Bakit mas bukas ang Siam sa mga bagong ideya kumpara sa Burma?
    Dahil sa kanilang pananaw na ang Buddhismo ay monarkiya na nagbubuklod sa bansa at nagsusulong ng pagkakaisa.
  • Ano ang mga pangunahing katangian ng sistemang panlipunan sa Siam?

    • Nagbigay ng pagkakataon sa iba't ibang uri na umangat sa lipunan.
    • Bukas sa mga migrante, kabilang ang mga Chinese.
  • Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?

    Ang pagpapalawak ng ibang bansa sa pamamagitan ng pag-angkin o pananakop ng ibang teritoryo.
  • Ano ang pinagmulan ng salitang "kolonya"?

    Ang kolonya ay nagmula sa salitang "colonus" na ang ibig sabihin ay magsasaka.
  • Ano ang ibig sabihin ng imperyalismo?

    Isang uri ng di-tuwiran o di-direktang pamamaraan ng paghahari o pagkontrol sa isang teritoryo ng isang makapangyarihang bansa.
  • Ano ang pinagmulan ng salitang "imperium"?

    Galing ito sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay command.
  • Ano ang mga anyo ng imperyalismo?
    • Economic imperialism: Kontrol ng ekonomiya at politika ng isang underdeveloped na bansa.
    • Cultural imperialism: Pagpangibabaw ng kultura ng isang dominanteng bansa sa mas mahina.