Limang Pananagutan ng mga mamimili

Cards (6)

  • Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili.
    • Mapanuring kamalayan
    • Pagkilos
    • Pagmamalasakit na Panlipunan
    • Kamalayan sa Kapaligiran
    • Pagkakaisa
  • Mapanuring kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
  •  Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
  • Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan.
  • Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
  • Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.