Pananaliksik

Cards (14)

  • ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito
  • ayon kay Aquino (1974) ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • ayon kay Manuel at Medel (1976), ang pananaliksik ay isang proesso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan
  • ayon kay Parel (1966) ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin at pangangalap ng datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon
  • Analisis - kinakalap ang iba't ibang uri ng datos at pinag-aaralan upang hanapan ng pattern na maaring magsilbing gabay sa mga susunod pang hakbang
  • aral kaso o case study - inoobserbahan ang mga gawi o pagkilos ng isang subject sa isang sitwasyon o kaligiran. sinisiyasat din ang mga sanhi nito, maging ang maaring tugon o reaksyon sa panibagong kaligiran
  • komparison - dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o subject ang pinag-aaralan dito upang tukuyin ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba
  • korelasyon-prediksyon - sinusuri nito ang mga estadistikal na datos upang maipakita ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa't isa upang mahulaan o mahinuha ang kalalabasan ng mga baryabol sa katulad, kahawig o maging sa isang sitwasyon
  • ebalwasyon - inaalam sa pananaliksik na ito kung nasunod nang wasto ang mga itinalagang pamamaraan kaugnay ng pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay at sinusuri kung nakamit ba ang mga inaasahang bunga
  • disenyo-demonstrasyon - ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa mga tuklas ng nakaraang pananaliksik upang subukin ang baliditi at relayabiliti ng mga iyon
  • sarbey-kwestynoneyr - sa pamamagitan ng isang talatanungan, inaalam at iniinterpret sa pananaliksik na ito ang gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preperensya ng iba't ibang pangkat hinggil sa isang paksa o usapin
  • istatus - masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang mga natatanging katangian at kakayahan
  • konstruksyon ng teorya - ito ay isang pagtatangkang makahanap o makabuo ng mga prinsipyong magpapaliwanang sa pagkabuo, pagkilos, o ang pangkalahatang kalikasan ng mga bagay-bagay
  • trend analisis - hinuhulaan dito ang maaring kahihatnan ng mga bagay-bagay o pangyayari batay sa napansing trend o mga pagbabagong naganap sa mga sitwasyong sangkot sa pag-aaral