ang produksiyon ay isang proseso ng pagbabago sa anyo at gamit ng mga likas na yaman sa pamamagitan ng paggawa (labor) at capital upang makalikha ng produkto
Ano ang tawag sa sistemang dinadaanan ng lahat ng naprosesong produkto?
Produksiyon
Ano ang layunin ng produksiyon?
Upang baguhin ang anyo at gamit ng mga likas na yaman sa pamamagitan ng paggawa at capital
Paano nagiging mas madaling magamit ang mga yaman dahil sa produksiyon?
Dahil sa proseso ng produksiyon, nagiging naaayon ang mga yaman sa pangangailangan ng mga tao
Ano ang kahalagahan ng produksiyon sa ekonomiya ng isang bansa?
Nakasalalay ang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo
Nagagawa ang mga produkto nang maramihan at mabilis
Nakakatulong sa pag-ikot ng salapi sa ekonomiya
Sukatan ng kaunlaran ng isang bansa
Ano ang isang sukatan ng kaunlaran ng isang bansa ayon sa produksiyon?
Ang dami ng mga produkto o production output
Ano ang palatandaan na masagana sa likas na yaman ang isang bansa?
Ang kakayahan na makalikha ng mga naprosesong produkto
Paano maaaring masukat ang kakayahan ng isang bansa sa produksiyon?
Sa halaga ng mga likas na yaman at produkto bago at matapos ang produksiyon
Ano ang ambag ng produksiyon sa mga manggagawa?
Nagbibigay ng suweldo sa mga manggagawa
Ang suweldo ay ginagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan
Nakakatulong sa pagpapaunlad ng pagkonsumo at ekonomiya