Ang Alternatibong Solusyon o proposisyon ay mga
pahayag na nagbibigay ng mungkahi sa mga suliranin o
pangyayari. May mga pagkakataon na nagpapahayag tayo ng
ating opinyon at nagmumungkahi o nagbibigay-suhestiyon
kaugnay ng paksa o suliraning pinag-uusapan.
Sa mga pahayag na nagsasaad ng mga posibilidad bunga ng
iyong mungkahi o suhestiyon o pananaw, gumagamit tayo ng
mga salitang nagpapakilala ng mga pahayag ng posibilidad.