BAHAGI NG PANALITA (PANGNGALAN)

Cards (34)

  • Ito ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, at iba pa.
    Pangngalan
  • Ang (Pantangi) at (Pambalana) ay ang dalawang uri ng Pangngalan.
  • Tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
    Pantangi
  • Karaniwang o pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
    Pambalana
  • “Anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito ay isang PANGNGALAN o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng TUNGKULIN NG PANGNGALAN”
  • Pambalana sa Dalawa:
    • Tahas
    • Basal
  • Panlasak sa Dalawa:
    • Palansak
    • Di-Palansak
  • (Tahas): pangngalan kung tumutukoy sa bagay na materyal
  • (Basal): pangngalan kung ay tinutukoy ay hindi materyal kundi diwa o kaisipan
  • Pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
    Palansak
  • Bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.
    Di-Palansak
  • Kayarian ng Pangngalan:
    • Payak
    • Maylapi
    • Inuulit
    • Tambalan
  • Ito ay salitang-ugat lamang.
    [halimbawa:]
    asin, balak, bunga, diwa

    Payak
  • Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.
    [halimbawa:]
    kaklase, pagbasa, kabuhayan, dinuguan

    Maylapi
  • Ito ay binubuo ng mga salitang ugat na inuulit. [halimbawa:] bali-balita sali-salita sama-sama 

    Inuulit
  • Ito ay pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita. [halimbawa:] balikbayan alay-kapwa dalagang-bukid
    Tambalan
  • Kailanan ng Pangngalan:
    • Pananda
    • Paglalapi
    • Pang-uring Panlarawan
    • Pang-uring Pamilang
  • ISAHAN: ang, si, kay, ni
    MARAMIHAN: ang mga, sina, kina, nina

    Pananda
  • DALAWAHAN: magkapatid MARAMIHAN: magkakapatid 

    Paglalapi
  • ISAHAN: masustansyang gulay MARAMIHAN: masusustansyang gulay 

    Pang-uring Panlarawan
  • ISAHAN: isang kaibigan DALAWAHANG: dalawang kaibigan
    MARAMIHAN: tatlong kaibigan

    Pang-uring Pamilang
  • Uri ng Kasariang Pangngalan:
    • Tiyak ang Kasarian
    • Di-Tiyak ang Kasarian
  • Ang dalawang uri ng Tiyak ang Kasarian ay ang (pambabae) at (panlalaki).
  • Kaukulan ng Pangngalan:
    • Kaukulan
    • Kaukulang Palagyo
  • Ito ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap

    Kaukulan
  • Ito ay palagyo kung ginamit sa simuno, pamuno sa simuno, pangngalang pantawag, o kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno.
    Kaukulang Palagyo
  • Batay sa gamit, maaaring mauri ito sa (kaukulang palagyo) o (kaukulang palayon).
  • Ang mga 'nilikha' ay ipinagkatiwala sa atin ng Maykapal.
    Simuno o Paksa
  • Si Rizal, ang 'bayani', ay Dakilang Malayo.
    Pamuno sa Simuno
  • Si Mabini ay dakilang 'lumpo'.
    Kaganapang Pansimuno
  • 'Carisa', alagaan mo si 'Caloy'.
    Panawag
  • Ang dalang iyon ay si Alice, ang 'pinsan' ko.
    Pamuno sa Kaganapang Pansimuno.
  • Nagpapakita ng pagmamay-ari. [halimbawa:] Ang mga anak nina Toglai at Togliban ay naninirahan sa iba’t ibang panig ng Mindanao Kay Pamulac Manobo ang Sibulan
    Kaukulang Paari
  • Ginagamit ito bilang tuwirang layon. [halimbawa:] Nagtayo siya ng pamayanan sa Sibulan Kumain siya ng masaganang pananghalian
    Kaukulang Paukol o Palayon