BAHAGI NG PANALITA (PANGHALIP)

Cards (23)

  • Ang (Panghalip) ay salita o katagang panghalili sa pangngalan.
  • Mga uri ng Panghalip:
    • Panghalip Panao
    • Panghalip Pamatlig
    • Panghalip na Pananong
    • Panghalip na Panaklaw
  • (Panghalip Panao): Panghalip na panghalili sa ngalan ng tao.
  • (Panghalip Pamatlig): Panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, atbp. na itinuturo o inihihimaton.
  • (Panghalip na Panananong): Panghalip na panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atbp., na ginagamit sa pagtatanong.
  • (Panghalip na Panaklaw): Panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.
  • Taong nagsasalita o kumakausap. [halimbawa:] ako, ko, akin, tayo, natin, atin, kami, namin, amin
    Unang Panauhan
  • Tumutukoy sa taong kinakausap. [halimbawa:] ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo
    Ikalawang Panauhan
  • Tumutukoy sa taong pinag-uusapan o malayo sa kumakausap. [halimbawa:] siya, niya, kaniya, kanila
    Ikatlong Panauhan
  • (Paturol): ire, ito, iyan, iyon
  • (Paari): nito/nire, niyan, niyon, noon
  • (Patulad): ganito, ganire, ganiyan, ganoon, gayon
  • (Paukol): dito, dine, diyan, doon
  • (Pahimaton): heto, ito, yaan, hayun, ayun
  • Kailanan ng Panghalip:
    • (ISAHAN): ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya
    • (DALAWAHAN): kata, kita
    • (MARAMIHAN): kami, naming, atin, natin, tayo, amin, kayo, ninyo, sila, inyo, nila, kanila
  • Gamit ng Panghalip:
    • Simuno o Paksa sa Pangungusap
    • Kaganapang Pansimuno
    • Panghalili sa Pariralang Pang-ukol
  • Ito ay ang panghalip na pinag-uusapan [halimbawa:] Siya ay malinis at maingat sa katawan Ito ay yaring Pilipino.
    Simuno o Paksa sa Pangungusap
  • Panghalip na tumutukoy sa panaguri ito at ang simuno ay iisa lamang at walang pandiwa sa pangungusap nakikita pagkatapos ng “ay” [halimbawa:] Ang tagapag-alaga ng inyong kalusugan ay kayo. Ang yaring Pilipino ay ito.
    Kaganapang Pansimuno
  • Pinapangunahan ng pang-ukol “na” at “sa” at samakatuwid ay nagsasaad ng lunan. [halimbawa:] Ang klima sa pook na ito ay mabuti sa kalusugan. Ang klima rito ay mabuti sa kalusugan.
    Panghalili sa Pariralang Pang-ukol
  • Kaukulan ng Panghalip:
    • Paukol
    • Palagyo
    • Paari
    • Kung ito ay ginagamit na paksa [halimbawa:] Ako ay tumutulong sa biktima ng sakuna.
    • Kung ito ay ginagamit na kaganapang pansimuno [halimbawa:] Ang tagapamahala ng donasyon ay siya.
    Palagyo
  • Nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi kasama ang pangalan [halimbawa:] Kanila ang toldang ginamit sa evacuation center 

    Paari
  • Ang panghalip kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o layon ng pang-ukol. [halimbawa:] Bibigyan ko ang mga nasalanta ng damit 

    Paukol