Pokus Ng Pandiwa

Cards (43)

  • Ano ang kahulugan ng Pokus ng Pandiwa?
    Ang Pokus ng Pandiwa ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap.
  • Ilan ang mga pokus ng pandiwa?
    May pitong pokus ang pandiwa.
  • Ano ang mga uri ng pokus ng pandiwa?
    1. Tagaganap
    2. Layon
    3. Kaganapan
    4. Tagatanggap
    5. Sanhi
    6. Gamit
    7. Direksyon
  • Ano ang Tagaganap sa pandiwa?
    Ang Aktor-pokus ay kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Tagaganap?
    Ang mga panlaping ginagamit ay mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-, o magpa-.
  • Ano ang halimbawa ng Tagaganap?
    Maglilinis ng bahay si Camille sa linggo.
  • Ano ang Pokus sa Layon?
    Ang Pokus sa Layon ay kapag ang layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa pangungusap.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Pokus sa Layon?
    Ang mga panlaping ginagamit ay -in-, -i-, -ipa-, ma-, na-, o -an.
  • Ano ang halimbawa ng Pokus sa Layon?
    Lutuin mo ang isda na nasa ref.
  • Ano ang Kaganapan Pokus?

    Ang Lokatibong Pokus ay kapag ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Kaganapan Pokus?

    Ang mga panlaping ginagamit ay pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag/an, o in/an.
  • Ano ang halimbawa ng Kaganapan Pokus?

    Pinagdausan ng kasal ang lumang simbahan.
  • Ano ang Tagatanggap Pokus?

    Ang Benepaktibong Pokus ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Tagatanggap Pokus?

    Ang mga panlaping ginagamit ay i-, -in, ipang-, o ipag-.
  • Ano ang halimbawa ng Tagatanggap Pokus?

    Ipinagdiwang nila ang kanyang kapanganakan.
  • Ano ang Gamit Pokus?
    Ang Instrumentong Pokus ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Gamit Pokus?
    Ang mga panlaping ginagamit ay ipang- o maipang-.
  • Ano ang halimbawa ng Gamit Pokus?
    Ipinanghampas nya sa mga estudyante ang mahabang stick.
  • Ano ang Kosatibong-Sanhi Pokus?
    Ang Kosatibong Pokus ay kapag ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Sanhi Pokus?
    Ang mga panlaping ginagamit ay i-, ika-, o ikina-.
  • Ano ang halimbawa ng Sanhi Pokus?
    Ikinatuwa nya ang magandang regalo ng kanyang kapatid.
  • Ano ang Pokus sa Direksyon?
    Ang Pokus sa Direksyon ay kapag ang pandiwa ay tumutukoy sa direksyon o tinutungo ng kilos.
  • Ano ang mga panlaping ginagamit sa Pokus sa Direksyon?
    Ang mga panlaping ginagamit ay -an, -han, -in, o -hin.
  • Ano ang halimbawa ng Pokus sa Direksyon?
    Pinasyalan namin ang parke.
  • Ano ang Kaganapan ng Pandiwa?
    • Relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap
    • May pitong kaganapan ng pandiwa:
    1. Kaganapang tagaganap
    2. Kaganapang layon
    3. Kaganapang tagatanggap
    4. Kaganapang ganapan
    5. Kaganapang kagamitan
    6. Kaganapang direksyunal
    7. Kaganapang sanhi
  • Ano ang Kaganapang Tagaganap?
    Ito ang bahagi ng panaguri na gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
  • Ano ang pananda na ginagamit sa Kaganapang Tagaganap?
    Ang pananda na ginagamit dito ay ni o ng.
  • Ano ang halimbawa ng Kaganapang Tagaganap?
    Ikinatuwa ng mga Pilipino ang pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe.
  • Ano ang Kaganapang Layon?
    Ito ang bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy ng pandiwa.
  • Ano ang pananda na ginagamit sa Kaganapang Layon?

    Ang panandang ginagamit dito ay ng.
  • Ano ang halimbawa ng Kaganapang Layon?
    Si Juan ay bibili ng iPhone sa mall.
  • Ano ang Kaganapang Tagatanggap?
    Bahagi ito ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa.
  • Ano ang pananda na ginagamit sa Kaganapang Tagatanggap?
    Kalimitan ditong ginagamit ang panandang para sa o para kay.
  • Ano ang halimbawa ng Kaganapang Tagatanggap?
    Nagbigay ng donasyon ang GMA para sa mga nasalanta ng malakas na lindol.
  • Ano ang Kaganapang Ganapan?
    Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
  • Ano ang pananda na ginagamit sa Kaganapang Ganapan?
    Panandang sa ang ginagamit dito.
  • Ano ang halimbawa ng Kaganapang Ganapan?
    Nanonood ng sine si Lara sa mall.
  • Ano ang Kaganapang Kagamitan?
    Nagsasaad ang bahaging ito ng panaguri ng bagay o instrumentong ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa.
  • Ano ang pananda na ginagamit sa Kaganapang Kagamitan?
    Ginagamitan ito ng panandang sa pamamagitan ng.
  • Ano ang halimbawa ng Kaganapang Kagamitan?
    Nilinis niya ang mga kalat sa pamamagitan ng walis at pandakot.