Pangatnig

    Cards (20)

    • Ano ang pangatnig?
      Ang pangatnig ay mga salita o lipon ng mga salita na ginagamit sa pag-ugnay ng mga kaisipan.
    • Ano ang mga uri ng pangatnig at ang kanilang mga gamit?
      1. Panimbang: Pinagsasama ang magkakaugnay na kaisipan.
      2. Paninsay: Ginagamit sa magkasalungat na kaisipan.
      3. Pananhi: Nagbibigay ng sanhi o dahilan.
      4. Pamukod: Paghihiwalay ng mga kaisipan.
      5. Panubali: Nagpapakita ng pag-aalinlangan.
      6. Panulad: Naghahambing ng mga kaisipan.
      7. Panapos: Nagsasabi ng nalalapit na katapusan.
      8. Panlilinaw: Nagpapaliwanag ng bahagi o kabuoan.
      9. Pamanggit: Gumagaya sa pananaw ng iba.
    • Ano ang halimbawa ng panimbang na pangatnig?
      At, saka, pati, kaya, anupat.
    • Paano ginagamit ang panimbang na pangatnig?
      Pinagsasama nito ang mga kaisipang magkakaugnay o sumusuporta sa isa't isa.
    • Ano ang halimbawa ng paninsay na pangatnig?
      Ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit.
    • Ano ang gamit ng paninsay na pangatnig?
      Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang kaisipan ay magkasalungat.
    • Ano ang halimbawa ng pananhi na pangatnig?
      Dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
    • Ano ang layunin ng pananhi na pangatnig?
      Nagbibigay ito ng sanhi o dahilan.
    • Ano ang halimbawa ng pamukod na pangatnig?
      O, ni, maging, man.
    • Paano ginagamit ang pamukod na pangatnig?
      Ginagamit ito sa pag-iisa-isa o paghihiwalay ng mga kaisipan.
    • Ano ang halimbawa ng panubali na pangatnig?
      Kung, kapag, pag sakali, sana.
    • Ano ang layunin ng panubali na pangatnig?
      Ito ay nagpapakita ng pag-aalinlangan o kawalang-katiyakan.
    • Ano ang halimbawa ng panulad na pangatnig?
      Kung sino, siyang, kung ano, siya rin, kung gaano, siya rin.
    • Ano ang gamit ng panulad na pangatnig?
      Naghahambing ito ng mga kaisipan.
    • Ano ang halimbawa ng panapos na pangatnig?
      Upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
    • Ano ang layunin ng panapos na pangatnig?
      Nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita.
    • Ano ang halimbawa ng panlilinaw na pangatnig?
      Kung kaya, kung gayon, o kaya.
    • Ano ang gamit ng panlilinaw na pangatnig?
      Ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuoan ng isang banggit.
    • Ano ang halimbawa ng pamanggit na pangatnig?
      Daw, raw, sa ganang akin/iya, o di umano.
    • Ano ang layunin ng pamanggit na pangatnig?
      Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba.
    See similar decks