Ano ang mga dahilan kung bakit tumataas ang demand?
Kapag tumaas ang kita, lumaki ang populasyon, nagustuhan ng tao ang produkto, may okasyon, bumaba ang presyo ng kabagay nitong produkto, tumaas ang presyo ng kahalili nitong produkto, o may inaasahang kalamidad o pagtaas ng presyo.
Ano ang mga dahilan kung bakit bumababa ang demand?
Kapag bumaba ang kita, lumiit ang populasyon, hindi nagustuhan ng tao ang produkto, wala nang okasyon, tumaas ang presyo ng kabagay nitong produkto, bumaba ang presyo ng kahalili nitong produkto, o may inaasahan o ekspektasyon.
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang ipagbili ng tindera o prodyuser sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon.
Ang Supply Function ay equation na nagpapakita ng ugnayan ng presyo (P) at quantity supplied (Qs), na sa matematikal na paglalarawan ay Qs = f(P) ceteris paribus.
Ano ang epekto ng pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon sa supply?
Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik, nangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser.