dayalek: ito ang barayti ng wikang gingamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng mga lalawigan, rehiyon, o bayan.
rehiyonalnadayalek: Wika sa isang lugar na, sa loob ng maraming taon ay kinakitaan ng pagkakaiba ng bigkas at anyo ng salita. (Tagalog Bulacan, Tagalog Pampanga, Tagalog Manila)
sosyal na dayalek: Pagkakaiba ng gamit ng wika batay sa antas ng pamumuhay o uri ng grupong nagsasalita. (Conyo, bertaglish, Engalog, Taglish)
idyolek: ito ang kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika kahit na may sariling dayalek. indibidwal na paraan o istilo ng paggamit ng wika.
register: uri ng wikang gingamit depende sa sitwasyon at kausap gaya ng mga bata, titser, atbp.
jargon: patikular na gamit ng wika sa isang larangan.
pidgin: ay usbong na bagong wika o tinatawag sa ingles na "nobody's native language" o katutubong wikang hindi pag-aari ninuman. nangyayari ito kapag may dalawang taong iba ang wika at gustong makipagsalamuha.
creole: ay naging likas na wika o unang wika ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin.
sosyolek: barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas sa panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
antas ng wika: pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal, balbal
pambansa: pook na sentro ng kalakalan.
opisyal na pahayag ng pamahalaan.
wika na itinuturo sa paaralan.
aklat pambarila.
pampanitikan: pinakamataas na antas ng wika, masinang na salita, tayutay o idyoma.
lalawiganin: partikular na pook, madalas nagagamit ng mga taong taal tagapagsalita ng wika kung sila ay nagkakatipon malayo sa kanilang lalawigan.
kolokyal: pang araw-araw na salita. pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita.
balbal: Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang pangkat ay magkaroon ng sariling kodigo o codes.