Ang Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Cards (31)

  • Ano ang ibig sabihin ng imperyalismo?
    Pag-iimpluwensiya ng malaking bansa sa mas mahinang bansa
  • Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?
    Pag-kontrol ng malaking bansa sa isang mas mahinang bansa
  • Ano ang mga uri ng imperyalismo?
    • Protektorado
    • Concession
    • Economic imperialism
    • Kolonyalismo
    • Sphere of influence
    • Pananakop
  • Ano ang protektorado?
    Isang bansa na pinamununuan ang sarili subalit nananatili sa kontrol ng mas makapangyarihang bansa
  • Ano ang ibig sabihin ng concession sa konteksto ng imperyalismo?

    Pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa
  • Ano ang layunin ng economic imperialism?
    Palaguin at pagyamanin ang kita ng isang makapangyarihang bansa
  • Ano ang kahulugan ng sphere of influence?
    Karapatan at pribilehiyo ng makapangyarihang bansa sa ilang bahagi ng isang bansa o rehiyon
  • Ano ang ibig sabihin ng pananaw ng imperyalismo?
    Paghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa
  • Sino ang tinaguriang discoverer ng New World?
    Christopher Columbus
  • Kanino ipinangalan ang Amerika?
    Amerigo Vespucci
  • Sino ang naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon?
    Prinsipe Henry
  • Sino ang Portugese na nakarating sa Cape of Good Hope?
    Bartholomew Dias
  • Sino ang nakarating sa Calicut, India?
    Vasco da Gama
  • Ano ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluran na magtungo sa Asya?
    • Krusada
    • Paglalakbay ni Marco Polo
    • Renaissance
    • Pagbagsak ng Constantinople
    • Merkantilismo
  • Ano ang layunin ng Krusada?
    Upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel
  • Sino si Marco Polo at ano ang kanyang kontribusyon?
    Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na nanirahan sa China
  • Ano ang Renaissance?
    Muling pagkamulat sa kulturang klasikal ng Greece at Rome
  • Ano ang naging epekto ng pagbagsak ng Constantinople?
    Nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patunong India at China
  • Ano ang merkantilismo?
    Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-lipan ng mahahalagang metal
  • Sino si Ferdinand Magellan?
    Isang Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya
  • Ano ang ginawa ni Pope Alexander VI sa tunggalian ng Spain at Portugal?
    Nagtakda ng line of demarcation
  • Ano ang mga katangian ng ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin?
    • Tunggaliang politikal
    • Dahilang ideolohiya
    • Pangangailangang pang-ekonomiya
    • Pag-unlad ng teknolohiya
  • Anong panahon ang tinutukoy sa huling kalahating bahagi ng ika-19 na siglo?
    Panahon ng “high imperialism”
  • Ano ang nasyonalismo sa konteksto ng imperyalismo?
    Damdamin na nag-udyok sa mga Europeo na magkaroon ng malawak na kapangyarihan
  • Ano ang epekto ng Rebolusyong Industriyal sa imperyalismo?
    Nag-udyok sa mga Europeo na magpalawak ng teritoryo para sa hilaw na materyal
  • Ano ang Social Darwinism?
    Paniniwalang ang mga Kanluranin ay may mas mataas na karunungan sa pamamahala
  • Ano ang White Man’s Burden?
    Paniniwalang obligasyong tulungan ng lahing puti ang mga kayumanggi, itim, at dilaw
  • Ano ang Manifest Destiny?
    Paniniwala ng US na nakatadhana at may basbas ng langit na palawakin ang mga bansa
  • Ano ang mabuting at hindi mabuting epekto ng imperyalismo?
    Mabuting Epekto:
    • Sistema ng edukasyon
    • Pagtatayo ng imprastraktura
    • Panibagong sistema ng pagtatanim
    • Modernisasyon

    Hindi Mabuting Epekto:
    • Pang-aabuse at Pang-aalipin
    • Pagkamkam ng mga likas na yaman
    • Pagkakahati ng mga teritoryo
    • Pagbabago ng kultura
  • Paano naiwasan ng Thailang ang kolonisasyon ng mga Europeo?
    • Kawalan ng interes ng mga Europeo sa lokasyong heograpikal ng Thailand
    • Pagsisikap ni Haring Chulalongkorn na magkaroon ng modernisasyon
  • Ano ang buffer zone?
    Teritoryo o bansa sa pagitan ng dalawang bansa na maaaring may alitan