PANUKALANG PROYEKTO

Cards (17)

  • Pagpaplano
    Isang magandang panimulang hakbang bago maisakatuparan ang pinakalayunin ng isang aktibidad upang matiyak ang kalinawan at kaayusan nito.
  • Detalyado, tumpak, may pokus
    Katangian ng isang pagpaplano upang hindi malihis ang layunin at paghandaan ng anumang haberya o problemang maaaring dumating.
  • Panukalang proyekto
    Project proposal sa Ingles. Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
  • Ano ang ipinapakita ng panukalang proyekto
    Mga mungkahing aktibidad programa o proyektong makatutulong sa paglutas ng iba't ibang problema ng isang samahan o organisasyon.
  • Sino ang gumagawa ng panukalang proyekto
    Ginagawa ito ng tagapangasiwa ng isang proyekto bago ang itinakdang araw ng pag-iimplementa nito.
  • Pangunahing bahagi ng Panukalang proyekto
    Panimula, katawan, konklusiyon
  • Panimula, mga bahagi
    Pamagat, proponent ng proyekto, kategorya ng proyekto, petsa, rasyonal
  • Pamagat
    Tiyaking malinaw at maikli ito at nilalarawan ang nilalaman ng papel
  • Proponent
    Ang tao o organisasyon na nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang address, email, telepono, at lagda
  • Kategorya
    Ang proyekto ba ay seminar o komperensya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsyerto, o outreach program
  • Petsa
    Gaano katagal ang inaasahang pagpapatupad ng proyekto? Mula anong petsa hanggang anong petsa ito isasakatuparan?
  • Rasyonal
    Ipaliwanag ang konteksto ng proyekto. anong pangyayari ang nagbunsod nito? paano ito naisip ng nagpapanukala ng proyekto? bakit ito lubhang kailangan?
  • Katawan, bahagi
    Deskripsyo, badyet
  • Deskripsyon
    Nagbibigay ng kumpletong detalye tungkol sa mismong proyekto. Ano ang inaasahang output o serbisyo? Ano-ano ang katangian nito? Ano-ano ang materyales o lakas-paggawang kailangan nito?
  • Budget
    Itala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkumpleto ng proyekto.
  • Konklusyon, bahagi
    Benepisyaryo - para kanino ang proyekto.
  • Tips sa pagsulat ng panukalang proyekto
    1. Alamin ang mga bagay na magpapakumbinsi sa nilalapitang opisina
    2. Bigyang diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto.
    3. Tiyaking malinaw makatotohanan at makatwiran ang budget sa gagawang panukalang proyekto.
    4. Alalahaning nakaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi ng panukalang proyekto (magin maingat sa mga salitang gagamitin)