Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasang nagtatakda ng angking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wikang
hindi lamang daluyan kundi higit pa rito ay tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng
alinmang kultura Salazar, Zeus A. mula sa aklat ni Pamela Constantino (1996). Dagdag
pa ni Salazar na walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang saligan at kaluluwa na
siyang bumubuo, humuhubog, at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.