Panggalan

Cards (30)

  • Ano ang tinutukoy ng pangngalan?
    Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, lugar, bagay, hayop, pangyayari, at iba pa.
  • Magbigay ng halimbawa ng tao bilang pangngalan.
    Wesley
  • Magbigay ng halimbawa ng lugar bilang pangngalan.
    Cebu
  • Magbigay ng halimbawa ng bagay bilang pangngalan.
    sapatos
  • Magbigay ng halimbawa ng hayop bilang pangngalan.
    ibon
  • Magbigay ng halimbawa ng katangian bilang pangngalan.
    kabaitan
  • Magbigay ng halimbawa ng kalagayan bilang pangngalan.
    paghihirap
  • Magbigay ng halimbawa ng damdamin bilang pangngalan.
    galit
  • Ano ang ibig sabihin ng pangngalan sa makabagong gramatika batay sa istruktural na pagkakabuo?
    Ang pangngalan ay tumutukoy sa anumang pangngalang isinusunod ang panandang kay, kina, ang, ang mga, ng, ng mga, sa, sa mga, si, sina, ni, nina.
  • Ano ang mga uri ng pangngalan ayon sa konsepto?
    1. Ayon sa Konsepto
    2. Ayon sa Kayarian
    3. Ayon sa Katangian
    4. Ayon sa Kasarian
    5. Ayon sa Kailanan
  • Ano ang dalawang uri ng tahas ng pangngalan?
    Palansak at Di-palansak
  • Ano ang ibig sabihin ng palansak na pangngalan?
    Tumutukoy ito sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
  • Magbigay ng halimbawa ng palansak na pangngalan.
    pamilya
  • Ano ang ibig sabihin ng di-palansak na pangngalan?
    Tumutukoy ito sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.
  • Magbigay ng halimbawa ng di-palansak na pangngalan.
    itak
  • Ano ang ibig sabihin ng basal o abstrakto na pangngalan?
    Kapag hindi materyal na bagay ang tinutukoy tulad ng diwa, kaisipan o damdamin.
  • Magbigay ng halimbawa ng basal o abstrakto na pangngalan.
    pag-asa
  • Ano ang ibig sabihin ng payak na pangngalan?
    Pangngalang binubuo ng isang salitang-ugat lamang, walang kasamang panlapi.
  • Magbigay ng halimbawa ng payak na pangngalan.
    tao
  • Ano ang ibig sabihin ng maylapi na pangngalan?
    Binubuo ito ng salitang-ugat at isa o higit pang panlaping makangalan.
  • Magbigay ng halimbawa ng maylapi na pangngalan.
    paaralan
  • Ano ang ibig sabihin ng inuulit na pangngalan?
    Ang pangngalang nasa kayariang ito ay may bahaging inuulit.
  • Magbigay ng halimbawa ng inuulit na pangngalan.
    sabi-sabi
  • Ano ang ibig sabihin ng tambalan na pangngalan?
    Binubuo ito ng dalawang salitang-ugat.
  • Magbigay ng halimbawa ng tambalang pangngalan.
    bahay-kubo
  • Ano ang mga uri ng pangngalan ayon sa kayarian?
    1. Payak
    2. Maylapi
    3. Inuulit
    4. Tambalan
  • Ano ang ibig sabihin ng pambalana na pangngalan?
    Ang pambalana ay pangkalahatang pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pang pangngalan.
  • Magbigay ng halimbawa ng pambalana na pangngalan.
    paaralan
  • Ano ang ibig sabihin ng pantangi na pangngalan?
    Ang pantangi ay tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pang pangngalan.
  • Magbigay ng halimbawa ng pantangi na pangngalan.
    Pisay