Replektibong sanaysay

Cards (13)

  • Replektibong sanaysay
    Ayon kay Michael Stratford, ito ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon ng pagsasanay
  • Koneksyon ng replektibong sanaysay sa manunulat
    Ito ay nagmumuni sa karanasan ng manunulat. Inilalahad ng replektibong sanaysay ang karanasan ng nagsusulat kasama ang mga katotohanan ng kanyang karanasan na sumasagot sa 5ws 1h.
  • Damdamin o emosyon sa replektibong sanaysay
    Ang damdamin o emosyon ng manunulat ng sanaysay ang pinakamahalagang mabasa at kung paano niya ito nabigyan ng maayos na pag-iisip, pagmumuni, at kung paano natugunan ang karanasang ito
  • Masasabing meditasyon sa buhay ang paggawa ng replektibong sanaysay dahil iniuunawa ng nagsusulat ang kanyang mga karanasan na nakapupulutan ng aral at halaga sa pagdaloy ng buhay.
  • Replektibong sanaysay bilang sining
    Ang replektibong sanaysay ay isang masining na pagsulat na nangangailangan ng sariling perspektibo opinyon at pananaliksik sa paksa
  • Layunin ng replektibong sanaysay
    Maipabatid ang mga nakalap na impormasyon at may lahat ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilagay ang mga batayan at talasanggunian.
  • MAGSURI, MAGPALIWANAG, MAGBIGAY KATWIRAN.
    layunin ng sanaysay na replektibo
  • Kahalagahan ng replektibong sanaysay
    Mahalagang pagsulat ngy replektibong sanaysay sapagkat naitatala nito ang mga importanteng karanasan, mga pagtupad at hindi pagtupad sa mga nararapat na gawin, at mababasa ng ibang tao ang sanaysay na makatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
  • Dalawang uri ng replektibong sanaysay
    Pormal at di-pormal
  • Pormal na replektibong sanaysay 

    Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
  • Impormal na replektibong sanaysay 

    Ito ay nagbibigay diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito'y naglalarawan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro
  • Pangunahing bahagi ng replektibong sanaysay
    Panimula, katawan, konklusiyon
  • Mga dapat tandaan o isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay
    1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o thesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
    2. Isulat ito gamit ang unang panauhan na panghalip
    3. Dapat nakabatay ito sa katotohanan
    4. Gumamit ng pormal na salita sa pagsusulat nito
    5. Gumamit ng tekstong naglalahad
    6. Sundin ang tamang istruktura sa pagsulat
    7. Gawing lohikal lang pagsulat
    8. Paglalarawan ng pandama, paggamit ng damdamin at isip hindi ito masyadong emosyonal at hindi masyadong analytical