posisyong papel & replektibong sanaysay

Cards (13)

  •  Ang sanaysay ayon kay Francis Bacon ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay bulay at komentaryo sa buhay.
  • Ayon naman kay Paquito Badayos ang sanaysay ay naglalahad ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan.
  • “Ang sanaysay ay salaysay ng mga taong sanay sa pagsasalaysay” - alejandro abadilla
  • 2 uri ng sanaysay
    • pormal - tinatawag ding impersonal o siyentipiko, ito ay binabasa upang makakuha ng impormasyon, nag lalarawan
    • di pormal - tinatawag ding pamilyar o personal na nag papamalas ng katauhan ng may akda
  • bahagi ng sanaysay
    • panimula - mahikayat o mapukaw ang mga mambabasa
    • katawan - pinakanilalaman ng may akda na siyang makatotohanan
    • wakas - pangkalahatang impresyon
  •  Repleksyon- ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw
  • Sanaysay- isang komposisyon na naglalaman ng pananaw ng may-akda, dito naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin at saloobin sa mga mambabasa.
  •  Replektibong Sanaysay- uri ng akademikong sulatin na kinapapalooban ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
  • Ang POSISYONG PAPEL ay mahalagang gawaing pasulat, ito ay isang sanaysay na naglalaman ng paninindigan patungkol sa mahahalagang isyu, batas, akademya, pulitika at iba pang larangan.
  • posisyong papel - Ito rin ay nanghihikayat sa mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain.
  • Ang POSISYONG PAPEL ay isang sulating nagpapahayag ng sariling OPINYON patungkol sa isang ARGUMENTO. Nangangailangan ito ng pagsasagawa ng PANANALIKSIK sa pangangalap ng mga IMPORMASYONG magbibigay KATUNAYAN o patotoo sa napiling POSISYON. Ang mga impormasyong ito ang magsisilbing KATIBAYAN o EBIDENSYA sa PAHAYAG NG TESIS o sentrong ideya ng papel.
  • Ayon kay Jocson et al. (2005) ang posisyong papel ay tinatawag din na pangangatwiran, pakikipagtalo o argumentasyon
  • Ayon kay Grace Fleming, sumulat ng artikulong “How to write an Argumentative Essay”, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon.