Filipino Tekstong Impormatibo

Cards (40)

  • Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa
  • Layunin ng may-akda – Tumutukoy ito sa dahilan kung bakit isinulat ang teksto. Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay magbigay ng impormasyon, magpaliwanag, o magturo tungkol sa isang tiyak na paksa nang walang layuning manghikayat o magbigay ng sariling opinyon.
  • Pangunahing Ideya – Ito ang sentral na ideya o mensahe ng buong teksto. Karaniwan itong matatagpuan sa unang bahagi ng teksto, ngunit maaari rin itong lumitaw sa ibang bahagi depende sa estruktura
    1. Pantulong na Kaisipan (Supporting Details) – Tumutulong ang mga ito upang palawakin at suportahan ang pangunahing ideya. Nagbibigay ito ng mga detalye, paliwanag, halimbawa, o estadistika na nagbibigay-linaw sa impormasyon.
    • Halimbawa: Ang mga uri ng polusyon tulad ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa ay nagdudulot ng mga sakit at pagkasira ng kapaligiran.
    1. Paglalahad ng mga Impormasyon – Naglalaman ito ng mga datos at impormasyong makatotohanan at mapagkakatiwalaan. Maaaring ito ay mga resulta ng pananaliksik, eksperimento, o iba pang mapagkukunang maaasahan.
    • Halimbawa: Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), higit sa 7 milyong tao ang namamatay bawat taon dahil sa mga sakit na dulot ng polusyon sa hangin.
  • Mga Larawan, Graph, o Talahanayan – Karaniwang ginagamit ito upang magbigay ng visual na representasyon ng impormasyon. Nakakatulong ito upang mas maging malinaw at madaling maunawaan ang mga datos.
  • Paggamit ng mga Pormal na Wika – Dahil ang layunin ng tekstong impormatibo ay magbigay ng tamang impormasyon, ang mga salitang ginagamit dito ay pormal, tiyak, at direktang nagbibigay ng kahulugan.
  • Ang estruktura ng tekstong impormasyonal ay tumutukoy sa paraan kung paano inayos o isinulat ang impormasyon upang maging malinaw , tumpak, sistematiko at madaling maunawaan. Narito ang mga karaniwang estruktura na ginagamit sa tekstong impormasyonal:
    1. Paghahambing at Pagkokontrast 
    • Halimbawa: Ang solar energy at wind energy ay parehong malinis na pinagkukunan ng enerhiya, ngunit ang solar energy ay mas mainam sa mga lugar na may matinding sikat ng araw, samantalang ang wind energy ay mas epektibo sa mga lugar na mahangin.
    1. Problema at Solusyon 
    • Halimbawa: Ang kakulangan sa suplay ng tubig ay maaaring solusyunan sa pamamagitan ng pag-iimbak ng tubig-ulan at pagtitipid sa paggamit nito.
    1. Kronolohikal o Sekwensyal 
    • Halimbawa: Sa taong 1898, idineklara ang kalayaan ng Pilipinas. Sumunod dito ang pagtatatag ng unang republika.
    1. Paglalarawan o Deskriptibo
    • Halimbawa: Ang bulkang Mayon ay kilala sa buong mundo dahil sa halos perpekto nitong hugis apa.
           Ang estrukturang ito ay tumutulong upang madaling maunawaan ng mga mambabasa ang impormasyon at maipakita ang lohikal na daloy ng ideya.
  • Deskripsyon ng Produkto 
    Ang Deskripsyon ng Produkto  ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga target na awdiyens o mamimili.
  • Ano ang mga katangian ng deskripsyon ng produkto?
    Tiyak, wasto at makatotohanan; madaling maunawaan
  • Bakit mahalaga na tiyak at wasto ang deskripsyon ng produkto?
    Upang masiguro ang katotohanan ng mga katangiang inilalahad
  • Ano ang ibig sabihin ng "madaling maunawaan" sa konteksto ng deskripsyon ng produkto?
    Ito ay nangangahulugang ang deskripsyon ay binubuo ng detalyadong impormasyon na madaling maunawaan ng mga mamimili
  • Paano nakatutulong ang deskripsyon ng produkto sa mga mamimili?
    Nakatutulong ito upang mailahad ang mga katangian at limitasyon ng produkto at kung paano ito gagamitin nang tama
  • Ano ang karaniwang haba ng deskripsyon ng produkto?
    Karaniwan, ito ay isang maikling talata lamang.
  • Paano maaaring isulat ang deskripsyon ng produkto sa online stores?
    Maaaring gumamit ng bulleted lists sa pagsulat ng deskripsiyon
  • Ano ang mga elemento na dapat isama sa deskripsyon ng produkto?
    Mga tiyak na katangian, wastong impormasyon, at mga limitasyon
  • Impormasyonal na Brochure
    Ang impormasyonal na brochure ay isang nakatiklop na dokumento o pahayagan na nagbibigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa isang partikular na produkto, serbisyo, brand, programa, o lugar. Karaniwan itong ginagamit kapag nag-aadvertise ng isang bagay.
    Ang impormasyonal na brochure ay nakatutulong upang mas maunawaan at mapalakas ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa isang partikular na bagay. Mahalaga ang tamang pagkakasunod-sunod at balanse ng mga elemento tulad ng teksto at imahe para maging madaling basahin at maunawaan ang nilalaman nito.
  • Ano ang talumpati?
    Isang uri ng pagsasalita na naglalayong magbigay ng mensahe, kaisipan, o opinyon.
  • Ano ang layunin ng talumpati?
    Magbigay ng mensahe, kaisipan, o opinyon sa mga tagapakinig.
  • Saan karaniwang ginagamit ang talumpati?
    Sa pulitika, edukasyon, relihiyon, at iba pa.
  • Anong mga sitwasyon ang karaniwang ginagamit ang talumpati?
    Sa mga seremonya, pagdiriwang, o pulitikal na patalastas.
  • Ano ang katangian ng isang magaling na tagapagsalita?
    May kakayahang mag-udyok, magbigay ng inspirasyon, at humikayat.
  • Paano nakakaapekto ang tamang pagpili ng mga salita sa talumpati?
    Nakakatulong ito sa pag-udyok at paghikayat sa tagapakinig.
  • Ano ang papel ng tono ng pananalita sa talumpati?
    Mahusay na tono ay nakakatulong sa paghatid ng mensahe at damdamin.
  • Ano ang mga pangunahing elemento ng isang talumpati?
    • Mensahe
    • Kaisipan
    • Opinyon
    • Tono ng pananalita
    • Pagpili ng mga salita
  • Transkripsyon ng Talumpati
              Ang transkripsyon ng talumpati ay isang mahalagang dokumentasyon na nagbibigay ng permanenteng rekord ng isang talumpati. Ito ay mahalaga para sa mga layunin tulad ng dokumentasyon, accessibility, pag-aaral, at pagbabahagi ng nilalaman ng isang talumpati.
  • Uri ng Talumpati Ayon Sa Paghahanda
    Ang mga uri ng talumpati ayon sa paghahanda ay daglian or impromptu speech,  maluwag o extemporaneous speech, at pinaghandaan o manuscript speech.
  • Dagli o Impromptu Speech
            Ito ay isang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan. Ito ay isinasagawa nang diretsahan sa harap ng publiko nang hindi nakapaghahanda ng mga kaisipan o impormasyon.
  • Maluwag o Extemporaneous Speech
            Ito ay isang uri ng talumpati na may panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
  • Pinaghandaan o Manuscript or Prepared Speech
            Ito ay isang uri ng talumpati na maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa
  • Siyentipiko at Medikal na teksto
             Ang siyentipiko at medikal na teksto ay mga uri ng sulatin na naglalaman ng impormasyon o kaalaman na may kaugnayan sa agham at medisina. Ang mga ito ay karaniwang teknikal at gumagamit ng espesyal na  bokabularyo upang ipaliwanag ang mga ideya, proseso, o resulta ng mga pag-aaral.
  • Siyentipiko at Medikal na teksto
    1. Siyentipiko na Teksto (Scientific Texts):
    • Naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga pananaliksik, eksperimento, teorya, at mga prinsipyo sa iba't ibang larangan ng agham 
    • Halimbawa: mga journal articles, research papers, at mga ulat ng eksperimento.
    1. Medikal na Teksto (Medical Texts):
    • Nakatuon sa mga paksang may kinalaman sa kalusugan, paggamot, mga sakit, at iba’t ibang proseso sa katawan ng tao.
    • Naglalaman ito ng mga teknikal na termino na may kaugnayan sa medisina, gamot, at klinikal na gawain.
    • Halimbawa: medikal na mga journal, clinical guidelines, case studies, at mga libro ng medisina.
             Ang layunin ng mga ganitong uri ng teksto ay ipaalam, ibahagi ang bagong kaalaman, o magturo ng mga teknikal na kasanayan sa isang tiyak na mambabasa, karaniwang mga eksperto o mga propesyonal sa larangang ito
  • Heograpiya
       Ang heograpiya ay pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinusuri rin ng isang geographer kung paano nakaaapekto ang kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano nakaaapekto ang  lokasyon at lugar sa pamumuhay ng mga tao.
             Ang heograpiya ay itinuturing na isang tekstong impormatibo dahil ito ay naglalaman ng impormasyon at kaalaman na nagpapaliwanag ng mga aspeto ng mundo, kalikasan, at mga tao sa pamamagitan ng paglalarawan at pagsusuri ng iba't ibang lugar.
  • Maikling Kasaysayan ng Heograpiya
             Ang salitang “heograpiya” (geography sa Ingles) ay nagmula sa wikang Griyego. Sa salitang Griyego, ang “geo” ay nangangahulugang mundo o daigdig, at ang “-graphia” ay nangangahulugan na “sumulat o gumuhit”.
             Ang salitang heograpiya ay ginamit ng mga sinaunang tao upang bigyan ng tawag ang kanilang pag-aaral, pagsulat at paggawa ng mapa na nakakatulong sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng kanilang mundong ginagalawan.
  •  Ano ang mga Saklaw ng Heograpiya?
    Ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay nahahati sa dalawang kategorya: Pisikal na Heograpiya (Physical Geography) at Heograpiyang Pantao (Human Geography)