Tula at collocation

Cards (29)

  • Ano ang ibig sabihin ng collocation?
    Pagbuo ng isang salita sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang salita na maaaring may bagong kahulugan o literal.
  • Ano ang TAMBALANG DI-GANAP?
    Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
  • Ano ang halimbawa ng TAMBALANG DI-GANAP?
    Halimbawa: sulat-kamay, damong-dagat, lutong-bahay, bayad-utang.
  • Ano ang TAMBALANG GANAP?
    Kapag nagbago ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
  • Ano ang halimbawa ng TAMBALANG GANAP?
    Halimbawa: anak-araw, hampaslupa, bahaghari, pusong mamon.
  • Ano ang tula?
    Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
  • Ano ang mga elemento ng tula?
    1. Sukat
    2. Tugma
    3. Kariktan
    4. Talinghaga
  • Ano ang SUKAT sa tula?
    Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
  • Ano ang halimbawa ng SUKAT na may wawaluhing pantig?
    Is/da ko Ma/ri/ve/les Na/sa lo/ob ang ka/lis/kis.
  • Ano ang halimbawa ng SUKAT na may lalabindalawahing pantig?
    A/ko'y mag/sa/sa/kang ba/ya/ni ng/bu/kid.
  • Ano ang halimbawa ng SUKAT na may lalabing-animing pantig?
    San/da/ta'y a/ra/ro ma/ta/pang/sa/i/nit.
  • Ano ang TUGMA sa tula?
    Isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa, tumutukoy sa magkakasintunog na huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod.
  • Ano ang halimbawa ng TUGMA sa patinig?

    Mahirap sumaya, taong may sala, kapagka ang tao sa saya'y nagawi.
  • Ano ang halimbawa ng TUGMA sa katinig?
    Malungkot balikan ang taong lumipas, nang siya sa sinta ay kinapos-palad.
  • Ano ang KARIKTAN sa tula?
    Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa.
  • Ano ang halimbawa ng KARIKTAN?
    Maganda - marikit, maliit - munti, sumayaw - indayog.
  • Ano ang TALINGHAGA sa tula?
    Kinakailangan ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
  • Ano ang TAYUTAY?
    Sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
  • Ano ang mga uri ng TAYUTAY?
    1. Pagtutulad (simile)
    2. Pagwawangis (metaphor)
    3. Pagsasatao (personification)
    4. Pagmamalabis (hyperbole)
    5. Pagtawag (apostrophe)
  • Ano ang Pagtutulad (simile)?
    Isang di-tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang pananda.
  • Ano ang halimbawa ng Pagtutulad (simile)?
    Parang kidlat siya sa bilis sa takbuhan.
  • Ano ang Pagwawangis (metaphor)?
    Isang tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay at hindi gumagamit ng mga pananda.
  • Ano ang halimbawa ng Pagwawangis (metaphor)?
    Siya ay kidlat kung tumakbo.
  • Ano ang Pagsasatao (personification)?
    Ginagamit ito upang bigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos na tao.
  • Ano ang halimbawa ng Pagsasatao (personification)?
    Sumasayaw ang mga punongkahoy.
  • Ano ang Pagmamalabis (hyperbole)?
    Lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung pagkasusuriin.
  • Ano ang halimbawa ng Pagmamalabis (hyperbole)?
    Bumaha ng pagkain sa kaarawan ni Kapitan kahapon.
  • Ano ang Pagtaawag (apostrophe)?
    Isang pakiusap o panawagan sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
  • Ano ang halimbawa ng Pagtaawag (apostrophe)?
    Oh tadhana! Pag-ibig na tunay sa aki'y ibigay na.