Araling Panlipunan

Subdecks (1)

Cards (65)

  • Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa kanluran ng Europe Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea.
  • Napoleon Bonaparte ang unang taong maging Presidente ng Italia noong 1802 hanggang 1805
  • Tulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng mga bulubundukin at ilang kapatagan. Isa sa mahalagang kapatagan ay ang Latium.
  • Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagan ng Latium.
  • mayroong nagsasabing ang ilang kapatagan sa LAtium ay dito umusbong ang lungsod ng Rome.
  • masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog TIber na nag-uugnay dito at sa mediterranean sea.
  • Ang masaganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.
  • Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin.
  • Ang Latin ay isang sangay na wikang nagbibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain.
  • Ayon sa matandang alamat, ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus
  • Habang ang kambal ay sanggol pa lamang, ipinaanod sila ng kanilang amain sa Tiber River dahil sa takot angkinin nito ang trono, di matapos ay inaruga ang kambal ng babaeng lobo.
  • Ang mga Romano ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome.
  • Ang mga Etruscan ay magaling sa sining, musika at sayaw, arkitektura, gawaing metal at kalakalan.
  • Tinuruan ng mga Etruscan ang mga Romano ukol sa pagpapatayo ng gusaling may mga arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanzo, pagagawa ng mga sandata pagtatanim ng ubas at paggawa ng alak.
  • Ayon sa tradisyon, pinaalis ng Romano ang punong Etruscan at nagtayo ng sariling republika.
  • Ang republika ay isang pamamahalang walang hari
  • Noong 509 BCE namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan.
  • Pagkatapos maitaboy ni Lucius Junius Brutus ang haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang republika na tumagal mula 509 BCE hanggang 31 BCE
  • Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang katulad ng hari at nanunungkulan lamang sa iisang taon.
  • Republika lamang ang tawag sa pangalan ng pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga Maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at lahat ng kasapi sa senado.
  • Plebian ang tawag sa mga taong kapos sa buhay at kasapi sa Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang mga plebian at hindi rin makakapag asaw ng patrician.
  • kontribusyon ng kabihasnang romano:

    Batas, Panitikan, Inhenyeriya, Arkitektura, Pananamit
  • Batas: ang kahalagahan ng Twelve Tables ay katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician man o plebian. Ito ay ginagamit upang tantiyahin ang isang krimen at ang kaukulang parusa. nakasaad dito ang karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.
  • Arkitektura: Ang mga Romano ang tumuklas ng simento, sila rin ay marunong gumamit ng stucco o isang uri ng plaster na ginagamit sa pader. iba pang kabilang sa arkitektura ng mga romano ay ang kanilang arko, aqueduct, basilica, isang bulawagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng mga Assembly, ang Forum na sentro ng lungdos, at Colloseum, isang amphitheater para sa labanan ng mga gladiator
  • Pananamit: tunic ay isang kasuotang panglalaki pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lalabas ng bahay. Ang stola naman ay kasuotang pambabae na pambahay na hanggang talampakan at paila na isinusuot sa ibabaw ng stola
  • Dahil sa pangaabuso ng impluwensya ng mga patrician, nagtangkang umalis at gumawa ng sariling lungsod ang mga plebian, at dahil dito, nagkaroon ang mga plebian ng dalawang mahistrado o tribune na nagtatanggol ng kanilang karapatan.
  • ang isang tribune ay mayroong karapatang humadlang sa mga hakbang sa senado na may kaugnayan sa mga plebian, kung nais hadlangan ng tribune ang isang batas, dapat nitong isigaw ang salitang latin na Veto o tutol ako.
  • noon 451 BCE nasulat ang mga batas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rosta ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12 Tables ang kauna-unahang batas na naisulat sa Rome na naging ugat ng Batas Roman.
  • sa pamamagitan ng 12 tables, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebian, at nagkaroon na rin sila ng karapatan na makapagasawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging kasapi ng senado.
  • Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy dahil sa sunod-sunod na digmaan mula pa noong 490 BCE.
  • Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy. Nagwagi ang greece dahil sa tinulungan si Haring Pyrrhus ng kaniyang pinsan na si Alexander the Great.
  • Isa pang dahilan kung bakit nanalo ang greece laban sa rome ay dahil gumamit sila ng mga elepante na kinatatakutan ng mga romano.
  • bagamat nanalo si Haring Pyrrhus, ang kaniyang pagka panalo ay tinatawag na Pyrric Victory.
  • Ang Pyrric victory ay a victory that is not worth winning because so much is lost to achieve it.