2ndQ - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Cards (53)

  • Sa proseso ng pagsasarili’t paglaya sa matagal nang namamayaning impluwensyang Kanluranin sa iba’t ibang larangan, partikular sa edukasyon, malaking papel ang ginampanan ng mga perspektibong inihain nina Virgilio G. Enriquez (Sikolohiyang Pilipino), Prospero R. Covar (Pilipinolohiya), at Zeus A. Salazar (Pantayong Pananaw) sa pagtataas ng diskursong nagmumula at may pagpapahalaga sa karanasan ng bansang Pilipinas.
  • Virgilio G. Enriquez (Nobyembre 24, 1942Agosto 31, 1994)
    • Ama ng Sikolohiyang Pilipino
  • Ang Sikolohiyang Pilipino (SP) ay ipinanganak mula sa karanasan, kamalayan, at oryentasyon ng mga Filipino na nakabatay at nakakabit sa pagkakaugat sa wika at kulturang Filipino.
  • Prospero R. Covar (Setyembre 7, 1934Kasalukuyan)
    • Ama ng Pilipinolohiya
  • Ang paglikha at pagbalangkas ng kaalaman tungkol sa bansa na mula sa loob, na taliwas sa pagbasa ng mga Kanluranin na mula sa labas, ang isa sa pinakamahalagang punto ng Pilipinolohiya (Mendoza, 2002). Ayon kay Salazar, naiiba ito sa higit na popular na “Philippine Studies” sapagkat ang huli – bagamat isang malawak na diskurso tungkol sa bansa – ay nakatuon lamang sa Pilipinas bilang bahagi ng “area studies” na tumutugon sa pangangailangan ng mga Kanluranin.
  • Zeus A. Salazar (Abril 29, 1934Kasalukuyan)
    • Tagapagtaguyod ng Pantayong Pananaw
  • Ang Pantayong Pananaw ay isang paraan ng pagkilala sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Sinasabing ito ay ang panloob na ugnayan at pagkakaugnay ng mga katangian, pagpapahalaga, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-uugali, at karanasan ng isang buong kultura. Ibig sabihin, ito ay ganap na nauunawaan sa isang wika bilang isang paraan ng pagdama batay sa kung ano ang nakabalot at ipinahayag sa pamamagitan ng wika (Salazar, Z. A., 2015).
  • Ano ang Pantayong Pananaw?
    Ipinaliliwanag nito ang pagkakaiba ng mga punto de bista, i.e., pananaw bilang lapit na ginamit ng mga naunang nagsagawa ng paglilinang sa pag-alam at pag-aaral sa kabihasnan at pangkalinangang pambansa ng Pilipinas.
  • Ano ang Pantayong Pananaw?
    Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin (values), kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan."
  • Filipinolohiya
    Batay kay Prof. Gandhi Cardenas
    Disiplinadong karunungan batay sa siyentipikong pananaliksik sa pinagmulan, kalikasan, kaugnay na mga wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon, at iba pang batis ng karunungan ng Pilipinas.
  • Punan ang venn diagram
    A) Sikolohiyang Pilipino
    B) Pantayong Pananaw
    C) Pilipinolohiya
    D) Filipinolohiya
  • Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba
    Kung titingnan, nagtatagpo sa maraming aspeto ang apat na konseptong nabanggit sa taas na masasabing mga pangunahing diskursong dapat nauunawaan sa pagpapaunlad ng kalinangang Filipino. Lahat ito ay nagsusulong ng pag-unawa na nanggagaling sa loob at bumabangga sa malalim na nakaugat na impluwensyang Kanluranin. Malinaw ang pagsusulong ng pagpapaunlad ng kamalayang makabansa sa punto-de-bistang nagmumula sa pag-unawa sa ugnayan ng sariling wika, kultura, lipunan, at sarili – at para sa kapwa Filipino.
  • Panahon ng mga Espanyol
    • 333 Taon Namalagi ang mga Espanyol sa Bansa (1565-1898).
    • Bumalewala sa konseptong pagkatao at pagkabaan ng mga Pilipinong tinaguriang Indio o Katutubo. Walang kabuluhan ang kalayaan sapagkat hindi ito nakatutugon sa mga pangangailangan.
  • Gobyernong Praylokrasya
    • (Pawang mga prayle o kagustuhan ng mga prayle) Paring regular at sekular ang panuntunan sa pamamahala ng mga bagay-bagay na pantao sa buong kapuluan—liban sa dulong silangan ng Mindanaw na matibay ang komunidad ng Muslim sa bisa ng relihiyong Islam.
  • Gobyernong Praylokrasya
    • Pinagsasamantalahan ang mga likas na yaman ng Islas Maniolas.
    • Malupit sa mga Indio ang gobyernong ito; itinuturing nilang mga alipin ang mga ito at walang karapatan.
    Islas Maniolas
    Unang pangalan ng lupaing Pilipinas.
    Claudio Ptolemy
    Griyegong topograpista na naglagay ng pangalan ng bansa sa globo.
  • Giyerang Pilipino-Espanyol
    • 1896, nakilala ang Sigaw ng Pugadlawin, nanalo ang mga Katipunan. Ideneklara ang Kalayaan sa Kawit, Cavite noong taong 1898.
    Konstitusyong Malolos
    • Malinaw na panandang bato sa kasaysayan na nagtampok sa katangiang estado ng Pilipinas. Ang mga elemento ng estado ay taumbayan, teritoryo, gobyerno, at kasarinlan.
  • Panahon ng mga Amerikano
    Edukasyon
    • Ingles ang midyum ng pagtuturo sa edukasyong itinataguyod ng Amerika sa Pilipinas. Lumilitaw na mga intelektwal na idyot yaong nakapagkamit ng mga diploma sa tersiyaryong antas ng edukasyon, sapagkat marurunong sila sa napiling disiplina na walang kamuwangan sa tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino—batay sa siyentipikong pananaw.
  • Panahon ng mga Hapones
    Gobyernong Papet
    • Walang saysay ang Konstitusyon at Kalayaan. Halos mga dayuhan ang kumukuha ng mga likas na yaman ng bansa.
  • Pagkatao ng Lipunang Pilipino
    • Ang pagkatao ng mga nilalang sa lipunang Pilipino ay may dalawang sangkap: katauhang biyolohikal at katauhang kultural. Sa una, pagkain ang nagpapanatili sa pisikal na anyo ng tao. Sa ikalawa, talino ang sumusustento sa kalikasang tao (rasyonal)—ang talino ay may hibo ng mga kauring kamalayan o class consciousness.
  • Sama-samang diwa o pag-iisip ng mga mamamayan sa lipunan ang kamalayang panlipunan. Mabuti at masama ang kilatis ng kamalayang sosyal, ayon sa kagalingang panlipunan. Mabuti ang diwang nakalilinang sa pagkatao o katauhang kultural. Masama ang isipang nakapipinsala sa pag-unlad ng pagkatao.
  • Sa sosyedad nalilinang ang pagkatao. Sa araw-araw na salimuhaan ng talino ng mga Pilipino, sa hatak ng pangangailangang mabuhay na iba't-iba ang sitwasyon. Napupulpol ng bait ang nakasusing sensibilidad sa sarili ng pagkatao. Ito ang dinamismo ng kultura. Ang bait/katinuan na angkin ng isip ay nasasalang sa komprontasyon sa mga akitan, pingkian, at pagbabago ng kalidad ng talino—sa salimuhaan ng mga Pilipino sa lipunan.
  • Isinilang ang mga Pilipino sa isang sistemang kultural na umiinog sa kasaysayan. Nakatimo sa isip ng sambayanan ang sagisag, mga tradisyon, kaugalian, pananaw sa buhay, at mga pagpapahalagang pantao. Ito ang kalinangan ng bayan. Sa kalinangan ng bayan, masasalamin ang angking katauhan o identidad ng mga mamamayang namumuhay sa lipunan.
  • Wikang Filipino ang pangunahing sumasalamin sa pagkataong Pilipino. Sa wika ng bayan sumisibol at nalilinang ang talino ng sambayanang nakabigkis sa pambansang patrimonya.
  • Produkto o bunga ng karunungan ang talino. Wisyo ang pinong anyo ng talino. Gumagana ang wisyo sa hamon ng mga pangangailangan sa pamumuhay ng lipunan. Diyalektikal ang kalikasan ng talino: likha ng karunungan at nababago ng karunungan; umuunlad ang karunungan sa tumatalas na talino.
  • Ayon sa mga kaalaman at impormasyon sa antropolohiya, napukaw ang talino ng mga mababangis na taong-bundok o taong-gubat, na ninuno ng lahing kayumanggi, nang pagkiskisin nila ang dalawang batong lumikha ng apoy. Ang sitwasyon ng pagkiskisan sa dalawang bato ay akto ng paggawa: apoy ang nalikha.
  • Sa antropolohiyang pag-aaral hinggil sa tao, malinaw ang kabatirang naging tao ang bakulaw sa pamamagitan ng paggawa. Naghunos ang hayop sa pagiging tao. Tinatayang 250,000 hanggang 500,000 taon, sumaklaw sa panahong Paleolitiko, ang nilakaran sa kasaysayan sa antas-antas na pag-unlad o pagbabago sa anyo’t katangian ng Homo Erectus Pilipinensis. Ninuno ng lahing kayumanggi na namuhay sa Islas Maniolas, sinauna o orihinal na pangalan o tatak sa heograpiya ng kapuluan sa sinaunang mapa ng mundo o globo.
  • Ang galaw ng mga kamay sa pagkikiskisan ng dalawang bato ay sitwasyon ng paggawa—apoy ang nalikha. Sa bisa ng paglikha ng apoy sa paggawa, nabago nang nabago ang pamumuhay ng sinaunang mga nilalang sa Islas Maniolas. Sa patuloy o walang humpay na katangian ng paggawa, naghunos ang hayop (bakulaw) na naging tao. Sa tugunan ng paggawa at natural na kapaligiran, may nalilikha, at nalilinang naman ng lakas ng katawan ang talino sa isip.
  • Ang pagtugon ng talino sa paggawa sa udyok ng gusto o naisin ay bugso ng kalayaan sa akit ng pangangailangan. Ideomotor o pwersa ng kalayaan ang talinong gumagawa/lumilikha. Ang paggawa ay gintong mohon sa kasaysayan ng sibilisasyong Pilipino. Walang sibilisasyon kung walang paggawa.
  • Punan ang hinahanap
    A) dugo
    B) narahuyo
    C) talino
    D) paggawa
    E) isip
    F) pita
    G) ginto
  • Kinategorya ng mga sosyologo ang talino sa kaisipang burgis at kaisipang proletaryo o anakpawis. Ang kaisipan o talino ng mga uring burgis: kapitalista-komprador, burukrasiya kapitalista, at petiburgis ay nasasapian ng pilosopiyang idealismo at metapisikal. Sa kaisipang idealista, ideya ang saligan ng katotohanan kaugnay ng mga bagay-bagay na may buhay o walang buhay.
  • Sa kabilang banda, ang kaisipan ng uring proletaryo o anakpawis ay nakabatay sa materyal na realidad ng buhay na sinasalamin lamang ng mga ideya. Sa pagsipat ng talinong proletaryo sa mga abstrakto o kongkretong mga bagay, pawang historikal—diyalektikal—historikal—materyalismo ang pilosopiyang nakatanglaw sa katalinuhan.
  • Permanente sa talinong burgis ang mga bagay-bagay kaugnay ng buhay. Sa talinong proletaryo, nagbabago sa esensiya at anyo ang mga bagay-bagay, sampu ng talino o karunungan. Ang reyalidad ng nagbabagong mga bagay ay tandisang kumikilos sa diyalektikal na proseso: nag-aakitan, nagsasanib, nagpipingkian, at nagbabago.
  • Sa hatak ng pangangailangan, nagkakaugnayan ang mga makauring talino sa lipunang Pilipino. May pamamaraan ang talino na tumutugon sa akit ng pangangailangan, gusto, at layunin na pawang kaakibat ng pamumuhay sa lipunan. Ang kilatis ng talino na humalubilo at umaatupag sa mga bagay-bagay kaugnay ng pamumuhay ay tinatawag na ideolohiya.
  • Ang ideolohiya na kapamaraanan ng isip na saligan ng talinong umaatupag o lumulutas sa mga usaping pangkaranungan ay makikilatis sa uri sa pamamagitan ng katanungang: "Para kanino ang talino?" Natutukoy, samakatwid, ang talino ng uri ng pagkatao sa disposisyon o pagpapasya na umaayon sa kapakanan o kabutihan ng uri ng mga pagkatao sa lipunan. Ang talinong burgis ay nakaayon at nangangalaga sa interes at kagalingan ng uring burgesya. Gayundin, sa talinong proletaryado na kumakalinga sa kapakanan ng uring anakpawis.
  • Ang makauring talino ay matatagpuan sa mga batas, patakaran, sulating pansikhayan o diskurso, literatura, at ibang likhang sining, at sa karaniwang araw-araw na mga gawain sa iba't ibang larangan ng pamumuhay sa lipunan. Nag-aakitan at nagpipingkian ang mga makauring talino sa pabrika (kapitalista vs. manggagawa), pagsasaka (propitaryo vs. magsasaka), sa gobyerno (namumuno vs. mamamayan), at iba pa.
  • Sa tagisan ng talino o tunggaliang ideolohikal—hatid ng kapakanan o kagalingang makauri—karaniwang nagbubundulan ang mga emosyon. May mga pagkakataong nakukubabawan ng pagkahayop ang pagkatao—lalo na sa pingkian ng kapangyarihan na iginigiit ng karapatan—sa gayon, humahantong sa karahasan ang gilgilan ng mga makauring talino.
  • Sa agham ng karunungan o epistemolohiya, ang walang humpay na dinamikong galaw ng talino ay tinatawag na sikohistorya. Nakakulapol sa talino ang mga motibo at intensyon. May anyo at kulay ang mga talino ayon sa makauring pananaw at paninindigan.
  • Ang mga aparato ng ideolohiya ay pawang mga institusyong panlipunan na nagdidirehe sa mga kagawian o aktitud (kusang reaksyon ng isip sa mga bagay-bagay na may buhay o wala).
  • Ang mga kagawian ay likas na nasasaniban ng motibo at intensiyon. Sabihin pa, mga aparato ng ideolohiya ang obhetibong lunsaran, daluyan, at buweltahan ng umiiral na talino sa antas ng kultura ng bayan. Mayroong tagapaghatid at may tagatanggap sa mga produktong pangkultura (mga ideya, batas, aliwan, atbp.) na pinaiinog ng mga isip sa dinamismo ng kultura.
  • Sistema ng paglinang sa talino ang edukasyon. Isa itong unti-unti at antas-antas na proseso sa pedagohiya o pagtuturo at pag-aaral. Nakaprograma sa paaralan o akademya ang paglinang sa talino, agham, at sining bilang timbulan ng pedagohiya.