Aralin 7: Gamit ng Wika (CILPEE)

Cards (19)

  • Wika
    Midyum na ginagamit sa komunikasyon; instrumento ng paghahatiran ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap.
  • May mga gamit ng wika na ayon sa intensiyon ng nagsasalita.
  • Mga Gamit ng Wika (CILPEE)
    1. Conative
    2. Informative
    3. Labeling
    4. Phatic
    5. Emotive
    6. Expressive
  • Conative
    Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos, ________ ang gamit natin ng wika. Nakikita rin ang ________ na gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.
  • Informative
    Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin, informative ang gamit natin ng wika.
  • Informative
    • Madalas na nakaririnig at nakababasa tayo ng mga pahayag na nagbibigay ng impormasyon. Sa panonood natin ng balita sa telebisyon o sa pakikinig sa radyo, iba’t ibang impormasyon ang nakukuha natin tungkol sa mga pangyayari at mangyayari sa ating bansa.
  • Informative
    • Maraming impormasyon din tayong nakukuha sa pagbabasa ng mga pahayagan, magasin, at iba pang babasahing nagbibigay sa atin ng mga karagdagang kaalaman. Kahit sa mga simpleng pakikipag-usap o pakikipagkwentuhan natin sa ibang tao, maaari din tayo makakuha ng mga impormasyon. Tayo man ay nagbabahagi rin sa iba ng mga impormasyong alam natin.
  • Labeling
    • Gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.
    • Maaaring nakabatay sa ugali, pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa.
    • Ito rin ay naaayon sa pagkakakilala natin sa isang tao o kung paano natin sila sinusuri.
  • Maging magalang tayo sa gamit na conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin nating tama at totoo ang gamit natin ng informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o label sa ating kapwa na maaaring makasakit ng damdamin.
  • Tama o Mali: Malaya nating nagagamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon at intensiyon. - Tama
  • Tama o Mali: Dapat gamitin ang wika sa mabuti at mapagsamantalang paraan. - Mali
  • Tukuyin kung ang mga sumusunod na halimbawa ay pasok sa Conative, Informative, o Labeling:
    1. “Bawal tumawid, may namatay na rito.” - Conative
    2. Mga pahayagan, magasin, balita sa telebisyon, at pakikinig sa radyo - Informative
    3. “Huwag po ninyong kalilimutang isulat ang aking pangalan sa inyong balota!” - Conative
    4. “Pedrong tangkad” - Labeling
    5. "Pilosopo Tasyo" at "Sisang Baliw" (Jose Rizal) - Labeling
  • Tukuyin kung ang mga sumusunod na halimbawa ay pasok sa Conative, Informative, o Labeling:
    6. Pagbibigay ng datos at kaalaman - Informative
    7. “Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!” - Conative
    8. “Kuya Guard,” “Ate Xerox,” “Manong/Manang Jani" - Labeling
    9. "Gaganapin ang eleksyong pagkapangulo sa Estados Unidos sa Nobyembre 5, 2024." - Informative
    10. “Magtulungan po tayo para sa pag-unlad ng ating bayan." - Conative
  • Phatic
    Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito.
  • Phatic
    • Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng “Kumain ka na?”; mga pahayag na nagpapatibay ng relasyon sa ating kapwa gaya ng “Natutuwa talaga ako sa’yo!”; at mga ekspresyon na pagbati gaya ng “Magandang umaga!” o pagpapaalam gaya ng “Diyan na muna kayo, uuwi na ako” ay phatic na gamit ng wika.
    • Karaniwang maiikli ang usapang phatic.
    • Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.
    • Bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic; ang iba pang pag-uusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit ng wika.
  • Emotive
    • Mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot, at awa.
    • Sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap.
    • Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika.
  • Expressive
    • Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit nating wika.
    • Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba.
    • Ang expressive na gamit ng wika ay nakatutulong sa ating upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayundin ang pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapwa.
  • Tukuyin kung ang mga sumusunod na halimbawa ay pasok sa Phatic, Emotive, o Expressive:
    1. “Kumusta ka?” - Phatic
    2. “Paboritong-paborito ko pa naman sila.” - Expressive
    3. “Sana maging ligtas ang iyong paglalakbay.” - Phatic
    4. “Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.” - Emotive
    5. “Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay.” - Emotive
  • Tukuyin kung ang mga sumusunod na halimbawa ay pasok sa Phatic, Emotive, o Expressive:
    6. “…kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na ‘yan.” - Expressive
    7. “Natutuwa talaga ako sa’yo!” - Phatic
    8. “Diyan na muna kayo, uuwi na ako." - Phatic
    9. “Nalulungkot talaga ako sa nangyayari ngayon.” - Emotive
    10. “Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig ‘yan.” - Expressive