Katitikan ng pulong

Subdecks (1)

Cards (34)

  • Ano ang layunin ng katitikan ng pulong?
    Opisyal na recording ng pulong.
  • Ano ang ibig sabihin ng "hindi verbatim" sa konteksto ng katitikan ng pulong?

    Ibig sabihin ay hindi ito isinusulat nang salita sa salita.
  • Ano ang mga katangian ng katitikan ng pulong?
    • Dokumentong pagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
    • Ibinatay sa agendang inihanda ng pinuno ng pulong.
    • Maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter.
    • Dapat maikli at tuwiran.
    • Walang paligay-ligoy, dagdag-bawas, at hindi madrama.
    • Detalyado, nirepaso, at walang bias sa pagsulat.
  • Ano ang nilalaman ng heading sa katitikan ng pulong?
    Naglalaman ito ng pangalan ng kumpanya, petsa, lokasyon, at oras ng pulong.
  • Ano ang nakasaad sa bahagi ng "Mga Kalahok o Dumalo" sa katitikan ng pulong?
    Ang mga pangalan ng mga dumalo at hindi dumalo.
  • Ano ang layunin ng "Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong"?
    Upang makita kung ang nakalipas na katitikan ay nagpapatibay o may mga pagbabago.
  • Ano ang nilalaman ng "Action Items o Usaping Napagkasunduan" sa katitikan ng pulong?
    Dito makikita ang mga mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay at desisyon.
  • Ano ang nilalaman ng "Pabalita o Patalastas" sa katitikan ng pulong?
    Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong.
  • Ano ang nakasaad sa "Iskedyul sa Susunod na Pulong"?

    Itinatala kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
  • Ano ang nilalaman ng bahagi ng "Pagtatapos" sa katitikan ng pulong?

    Inilalagay dito kung anong oras nagwakas ang pulong.
  • Ano ang nakasaad sa bahagi ng "Lagda" sa katitikan ng pulong?
    Ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan at kung kailan ito isinumite.
  • Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?
    1. Kailan ang pagpupulong?
    2. Sino-sino ang mga dumalo?
    3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo?
    4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
    5. Ano ang mga napagpasayahan?
    6. Ano ang mga napagkasunduan?
    7. Kanino nakatalaga ang mga tungkulin at kailan ito dapat maisagawa?
    8. Mayroon bang kasunod na pulong at bakit?
    9. Dapat isulat sa loob ng 48 oras.
    10. Dapat gumamit ng mga positibong salita.
    11. Huwag isama ang impormasyon na nagdudulot ng kahihiyan.
  • Ano ang mga gabay para sa mabisang pagsulat ng katitikan ng pulong?
    1. Ihain ang mga usapin bago ang pulong.
    2. Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong.
    3. Ilatag ang mga usapin o agenda.
    4. Piliin ang pinakamainam na metodo.
    5. Siguraduhin handa ang lahat ng kinakailangan.
    6. Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye.
    7. Itala ang lahat ng kalahok.
    8. Kilalanin ang lahat ng dadalo.
    9. Gawing pamilyar ang sarili sa tanggapan.
    10. Gumawa ng template ng katitikan.
    11. Makinig ng may pag-iingat.
    12. Itala lamang ang katotohanan.
    13. Simple at malinaw ang pagkakasulat.
    14. Maging tiyak.
    15. Itala ang mga mahahalagang mosyon.
    16. Itala ang mga hindi natapos na talakayan.
    17. Linawin ang iyong partisipasyon.
    18. Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye.
    19. Gawin agad pagkatapos ng meeting.
    20. Basahin mabuti bago ipamahagi.
    21. Hingin ang aprubal ng tagapamuno.