Egypt ay isa sa mga pinakaunang kabihasnan sa daigdig
ang axum ay isa din sa mga pinakaunang kabihasnan sa daigdig
ang axum sa kasalukuyan ay tinatawag na ethiopia sa silangang africa
ang ethiopia o axum sa silangang africa ay napatanyag dahil sa naging sentro ito ng kalakalan.
Binibisita din ang ethiopia o axum ng mga mangangalakal mula sa persia at arabia, May mga estado rin umusbong sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay bunga ng kanilang pakikipagkalakalan hanggang sa lugar ng Sahara.
nakatulong sa kanilang pamumuhay ang kanilang pakikipag kalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Dahil dito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong african
nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka
ang pangunahing pangkabuhayan sa Mesoamerica ay ang pagsasaka
ang mga sakahan ay matatagpuan sa bahaging gitna at timog ng Mesoamerica na nabubuo ng maliliit na pamayanang agrikultural.
Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan, ito ay ang Maya, Aztec, at kabihasnang inca
Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of the Sun, Pyramid of Kukulcan, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito.
Sa kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, magkakaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya.
dahil sa magkaugnay na kultura at kasaysayan ng mga pulo Pacific at timog-silangang asya, ang mga Austonesian ay nandayuhan at naninirahan sa dalawang rehiyon na ito.
Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig
Ang Austronesian ang pinaka malaking pamilya ng wika sa buong daigdig.
sarilingkatangian at kakayahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba't ibang isla at kontinente.
nakaimpluwensya rin ang America at Africa sa mga mamayanan na naninirahan sa mga isla Pacific.
Kabihasnang Maya (250 C.E. - 900 C.E.)
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.
Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan.
Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o "tunaynalalaki"
Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya.
Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito.
Matatandaan na sinaunang Kabihasnang Olmec ang kabihasnang Aztec.
ang pamumuhay at paniniwala ng sa bahagi ring ito umusbong ang mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec.
hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo.
Kinontrol rin ng kabihasnang aztec ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.
Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo
Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.
Ang salitang Aztec ay nangangahulugang "isang nagmula sa Aztlan" isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.