Cards (15)

  • Ang Nukleyar na Pamilya ay madalas na naroroon ang ama at ina na gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga anak.
  • Ang Pinalawak o Ekstended na Pamilya ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo't lola, mga magulang, mga anak, at apo sa tuhod.
  • Ang Joint na Pamilya ay pinalawak na nukleyar --- nagsasama ang mga magkakapatid sa isang bubong kasama ang kani-kanilang pamilya.
  • Ang mga pamilyang may solong magulang ay humaharap sa karagdagang hamon sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa anak. Nahahati ang oras ng magulang sa kaniyang anak, trabaho, at iba pang responsibilidad dahil mag-isa niyang tinataguyod ang kaniyang anak.
  • Ang pagmamahal at suporta ay ibinibigay ang walang-kondisyong pagmamahal, pagtanggap, at emosyonal na suporta, na ito ay nagpapaunlad ng pakiramdam ng seguridad, pag-aari, at kagalingan sa lahat ng kasapi ng pamilya.
  • Respeto o Paggalang - Ito ang pagsasaalang-alang sa mga damdamin, kagustuhan, karapatan, o tradisyon ng iba. Tratuhin ang mga miyembro ng pamilya at iba pang mga tao nang may pag-iingat at pagiging magalang.
  • Ang responsibilidad ang nagsisilbing pagkakaroon ng kamalayan na ang iyong mga aksiyon ay may kahihinatnan na mabuti at masama, at iyon ang dahilan kunng bakit dapat ingatan at maging responsable sa iyong mga aksiyon.
  • Mapagbigay o Pagkabukas-palad - Ang pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng iba at pagbabahagi nang hindi umaasa ng anumang kapalit.
  • Ang mga pangako o commitment - ito ang pagtatakda ng mga layunin at pagsisikap na makamit ang mga ito sa mahabang panahon. Italaga ang iyong sarili sa pagtupad ng mga pangako at layunin.
  • Ito ang Kapakumbabaan na pagkilala na walang perpekto, na ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang lakas at kahinaan din.
  • Ang pasasalamat ay pagpapahalaga sa mga pagsisikap at kabutihan ng iba. Ito rin ay ang pagkilala na ang lahat ng mabuti ay galing sa isang mas mataas at mas makapangyarihang nilalang.
  • Katapatan - Ang pagsasabi ng totoo, hindi pagsisinungaling o pagbabago ng mga katotohanan.
  • Pakikipagkaibigan - Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan, pagbibigay ng suporta, pag-imbita ng mga kaarawan, pagbabahagi at pakiramdam na pinahahalagahan tayo ng ibang tao.
  • Ang pasensiya ay pagpapaliban ng mga kasiyahan, upang maunawaan na sa maraming pagkakataon ay kailangang maghintay bago makuha ang pinakahihintay na gantimpala.
  • Blended na Pamilya - Kapag ang mag-asawa ay may mga anak mula sa nakaraang relasyon at nagsama sa isang tahanan, maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagpapahalaga ng mga bata.