Dalumat: Uri ng Pananaliksik

    Cards (36)

    • isang sistematikong pag aaral/pag iimbestiga upang maipaliwanag at makapaglatag ng katotohanan sa iba't ibang batis ng kaalaman.
      pananaliksik
    • isinasagawa ito upang bigyang solusyon ang mga kinakaharap nating problemang pang lipunan
      pananaliksik
    • Katangian ng Pananaliksik
      1. sistematik
      2. siyentipiko
      3. emperikal
      4. pormal
      5. kritikal
    • ito ay ang pagkakasunod- sunod ng isang research o pananaliksik
      sistematik
    • ang katangiang ito ay naka-base sa katotohanan/facts
      siyentipiko
    • ito ay ginagamitan ng mga hypotheses o tinatawag nating educated guess
      emperikal
    • ginagamitan ng salitang pormal naka ayon sa ginagawang pananaliksik
      pormal
    • ginagamitan ng malalim na pag- iisip
      kritikal
    • mga uri ng saliksik
      1. IMRD
      2. CRITICAL PAPER
      3. TERM PAPER
      4. POLICY PAPER
    • Ang seksyong ito ay naglalaman ng panimula ng papel. Ito ay nagpapakilala sa paksa at nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral. Karaniwang naglalaman din ito ng isang pahayag ng suliranin at layunin ng pananaliksik
      introduksyon
    • Ito ang seksyon kung saan ipinaliliwanag ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik. Ito ay kinabibilangan ng mga detalye tungkol sa disenyo ng pananaliksik, mga kalahok, instrumentong ginamit, at ang mga hakbang na ginawa upang maiproseso at ma- analisa ang data.
      metodolohiya
    • Ito ay ang seksyon kung saan ipinapakita ang mga resulta ng pananaliksik. Ito ay maaaring maglaman ng mga grapiko, tsart, at mga estadistika upang maipakita ang mga natuklasan ng pag-aaral.
      resulta
    • Ang seksyong ito ay nagbibigay ng interpretasyon at paliwanag tungkol sa mga natuklasan ng pananaliksik. Ito ay naglalaman ng isang pag-uusap tungkol sa mga resulta ng pananaliksik, ang kanilang kahalagahan at kung paano ito nagbabagong muli sa nakaraang mga pag-aaral.
      diskusyon
    • ito ay isang uri ng sulatin na naglalayong suriin, hatulan, at magbigay ng komprehensibong analisis sa isang partikular na teksto, konsepto, pangyayari.
      critical paper
    • Mahalagang piliin ang isang paksa na kawili-wili para sa manunulat at mayroong sapat na impormasyon na magagamit upang maibigay ang isang malawak at malalim na pagsusuri.
      pagpili ng paksa
    • Kinakailangan ng malawak at masusing pagsasaliksik upang magkaroon ng sapat na impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng pagsusuri. Maaaring gamitin ang mga aklat, journal, website, at iba pang sanggunian.
      pagsasaliksik
    • Masusing suriin ang paksa, tukuyin ang mga pangunahing ideya, argumento at pananaw.
      pagsusuri
    • Ipresenta ang pagsusuri sa isang malinaw at lohikal na paraan, kasama ang mga ebidensyang sumusuporta sa mga argumento
      pagsulat
    • Magbigay ng buod ng mga natuklasan at magbigya ng iyong personal na pagsusuri o rekomendasyon
      konklusyon
    • Ito ay isang mas malawak na papel kaysa sa isang research paper at maaaring sumaklaw sa iba't ibang mga paksa o isyu na may kaugnayan sa isang tiyak na asignatura o disiplina
      term paper
    • isang uri ng akademikong papel na naglalayong magbigay ng mga rekomendasyon o panukala tungkol sa isang partikular na isyu sa patakaran o polisiya. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga pamahalaan, organisasyon, o grupo upang magbigay ng mga solusyon o rekomendasyon sa mga suliranin o problema sa patakaran.
      policy paper
    • Malalim na pag iisip at interpretasyon, masusi, masinop, kritikal at analitika
      dalumat
    • paglingon sa mga naglagak na muhon: LOOV pagdadalumat ng salitang LOOB ni jess Santiago
      sama ng loob
      nanloob
      looban
      masamang loob
      lamang loob
    • sakanya nasimula ang kamalayang Pilipinista, at kaakibat nito'y ang

      artikulasyon ng pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng kabansaan
      Dr. Jose Rizal
    • taong [BLANK] pa lamang (isang dekada at dalawang taon bago pasinayaan ang Republika ng Pilipinas sa Malolos), ay naipahayag na ni Rizal kung ano ang dapat na maging tunguhin ng mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas:
      1887
    • Aniya, ang pag-aaral sa Pilipinas ay dapat maging isang pag-aaral....ng kanyang mga anak sa konteksto ng kanyang kaisahan at identidad
      Association Internationale des Philippinistes (INTERNATIONAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINOLOGIST) OR AIP
    • sino ang president at secretary ng association internationale des philippinistes
      President - Ferdinand Bluementrit
      Secretary - Dr. Jose Rizal
    • Ang "sariling" ito ang tinutukoy na "loob" ng lipunan at kalinangang Pilipino.
      Self-understanding at Self-definition
    • sino ang nagsulat ng Sucesos de las Islas Filipinas (The event of the Philippines Island)
      Antonio De Morga (1609)
    • samahan at pahayagan ng mga Propagandistang nagsusulong ng repormang sosyo- politika

      La Solidaridad
    • ayon sakanya ang mga pilipino raw ay tamad dahil nakikita niya itong nakahiga sa puno ng mangga tuwing umaga at kumakain daw ng mga bulok ang mga pilipino katulad nalang ng fermented foods kagaya ng bagoong
      Antonio De Morga
    • sino sino ang miyembro ng La Solidaridad at gumagamit ng trianggulo sa pag recruit
      1. Dr Jose Rizal
      2. Marcelo del Pilar
      3. Graciano Lopez Jaena
    • Sa huli, kinilala niya ang halaga ng "pakikipag-usap" at pakikiisa sa mga kababayan bilang integral na bahagi ng "Sarili." Kung gayon, mababanaag sa mga sinabi ni Rizal sa itaas ang birtud ng katutubong kawikaang "Sa atin manggagaling ang ating ikagagaling; sa atin din magmumula ang ating ikasasama."
      rizal
    • Taong (blank) isang siglo matapos ang naglahong pangarap para sa AIP, nasaksihan ang realisasyon ng adhikain ni Rizal para sa mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas.
      taong 1989
    • Mga Mohon ng talino sa P/Filipino
      1. Dr. Virgilio Enriquez( SIKOLOHIYANG PILIPINO)
      2. Dr. Zeus Salazar (PANTAYONG PANANAW)
      3. Dr. Prospero Covar (PILIPINOLOHIYA)
      4. Rhoderick Nuncio (PANTAWANG PANANAW)
      5. Dr. Lilia Santiago (PANUNURING MALAY SA KASARIAN)
    • saang bansa inilungsad ang association internationale des philippinistes?
      sa bansang france
    See similar decks