Pick-up lines

Cards (4)

  • Alam mo ba?

    May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. .
  • Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito'y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy, at masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkakaibigan magkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga Facebook wall, sa Twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil nga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
  • Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandali lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot. BOOM! ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni Boy Pick-up o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong segment. Naging matunog din ito lalo na nang gamitin ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati: at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever
  • HALIMBAWA
    KUNG ASUKAL KA, AKO NAMAN AY SAGO. WALA AKONG KUWENTA KUNG WALA ANG TAMIS MO. -MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, STUPID IS FOREVER KAPAG NAMATAY NA AKO, HUWAG NA HUWAG KANG PUPUNTA SA LIBINGAN KO, BAКА TUMIBOK ULIT ANG PUSO KO. -MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, STUPID IS FOREVER