Mga Uri ng Komunikasyon

Cards (14)

  • Dalawang Uri ng Komunikasyon
    • Berbal na komunikasyon
    • Di-berbal na komunikasyon
  • Di-berbal na komunikasyon - ito ay papgpapalitan ng mensahe na ang daluyan ay hindi lamang sa pasalita o sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na inaangkop sa mensahe.
  • Mga Anyo ng Di-berbal na Komunikasyon
    • Kinesika
    • Proksemika
    • Pandama o paghawak
    • Paralanguage
    • Katahimikan o kawalang-kibo
    • Chronemics
    • Iconics/simbolo
    • Colorics/kulay
    • Objectics
    • Vocalics
  • Kinesika - tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan, kabilang na ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng ga kamay at tindig ng katawan.
  • Oculesics - isa itong uri ng komunikasyon na tumutukoy sa paggamit o paggalaw ng mga mata.
  • Proksemika - tumutukoy sa distansya sa pakikipag-usap. Ang distansya sa pagitan ng nag-uusap ay nagbabago depende sa natamo nitong ugnayan sa kausap.
  • Pandama o Paghawak - tinuturing na pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan.
  • Paralanguage - tumutukoy sa tono ng tinig, kalidad at bilis ng pagsasalita. Maaaring magbago ang mensahe o nais sabihin sa kung paanong paraan nagsalita ang tao.
  • Katahimikan o Kawalang-kibo - lubhang makahulugan ito kahit karaniwan itong ginagawa upang makapag-isip o mapaghandaan ang sasabihin. Ngunit maari din itong magparating ng sama ng loob o tampo.
  • Chronemics - ito ay pag-aaral na tumutukoy sa oras.
  • Iconics - ito ay pag-aaral na tumutukoy sa simbolo o icons na nagbibigay ng malinaw na mensahe.
  • Colorics - ang mga kulay ay maaari ring magbigay ng mensahe at kahulugan tulad na lang kadalasan ng kulay puti bilang simbolo ng kalinisan.
  • Objectics - tumutukoy sa paggamit ng mga kagamitan o bagay para magbigay ng mensahe.
  • Vocalics - tumutukoy ito sa mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita, katulad ng pagsutsot at buntonghininga.