Cards (45)

  • Ang filipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita, “filipino" at "lohiya " (logos) na ang ibig sabihin ay pag-aaral ng wikang filipino.
  • Ang filipinolohoya ay sistematikong pag-aaral ng pilipinong kaisipan, kultura at lipunan.
  • Itinuturing na anak ng kultura ang wika o lenguwaheng ginagamit.
  • Filipino ang nagbibigay diwa at saloobin sa isang kultura.
  • Prospero Covar - Ama ng Filipinolohiya
  • Prospero Covar isa sa tatlong namumuno ng indigenization movements.
  • Ang filipinolohiya ay isang sistematikong pag-aaral upang palitawin ang pagka-pilipino sa iba’t ibang larangan.
    • Pilipinong kaisipan
    • Pilipinong kultura
    • Pilipinong lipunan
  • Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga katutubong filipino – ito ang mga basihan ng homonisasyon o pagkatao.
  • Maaaring ang mga ito ay hawig sa iba pang lahi, ngunit ang pilipino, bilang isang pang-uri ng iba’t ibang sangkap ay may sariling hekusyon, estetika, at kaayusan. Ang mga ito ang nagging pananda ng pagiging makabansa at isang lahi.
  • Kastila at Amerikano - sila ay may ambag sa akademikong disiplina sa pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit may roong maayos at magandang edukasyon sa bansa. Subalit, kabalikat nito, naging isip-kolonyal ang mga filipino kung saan ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa ay mala kanluranin samantalang taga silangan sila.
  • Pinalaganap nila (Kastila at Amerikano) unibersalismo kung saan ang ethnic, parochial, at provincial ng bansa ay unti-unti ng nawawala o napapalitan. Subalit, kailangan din ng pilipinolohiya ang akademikong disiplina upang mapalaya ang pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito.
  • Ang teorya sa filipinolohiya ay nagbabalangkas ng mga datos upang magbigay liwanag sa pag-unawa ng tatlong larangan. Samakatuwid, pawang datos ang nagdidikta ng metodo sa pag-aaral nito.
  • Ang dating philippine studies ay walang pantayong pananaw dahil ito ay nakatuon sa mga banyaga o sa mga naturingang pilipino na nanaliksik ayon din sa pananaw ng mga banyaga.
  • Nag-ugat ang mga pananaw ng mga pilipino sa mga katutubong kamulatan at kamalayan upang mabuo ang makabansang kabihasnan at hindi laman upang pag-aralan ang mga nangyari sa mga pilipino at pilipinas.
  • 1935 konstitusyon - nabanggit ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
  • Nakasaad sa artikulo 14 seksyon 3 (1935) na "ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."
  • Nobyembre 13, 1936 - itinatag ni pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa.
  • Ama ng wikang pambansa - Manuel Luis Molina Quezon
  • Tungkulin ng Surian
    • Ang Surian ng Wikang Pambansa ay may tungkulin na magsagawa ng pananaliksik, magbigay ng gabay, at bumuo ng mga alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa.
  • Jaime de Veyra, tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral at napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
  • 1937 – Inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan sa pagpili ng wikang pambansa.
  • 1940 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinugang Tagalog-Ingles at Balarila. Nagsimula ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng paaralan sa buong bansa.
  • 1959 – Kagawaran ng Edukasyon, Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.
  • 1973 – Ayon sa Saligang Batas, itinakda ang panibagong tawag sa wikang pambansa ay Filipino.
  • Filipino
    • Ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika sa bansang Pilipinas (ang Ingles ang isa pa – ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang wikang ginagamit ng mga Pilipino).
    • Isa itong pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog.
  • Kultura
    • Ang pagsalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining, at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
  • Filipino ang pambansang linggwá franka, wikang sekretarya, wika sa opisyal na komunikasyon, at opisyal na wikang panturo.
  • Kaugnayan ng Filipino sa Kultura
    • Itinuturing na anak ng kultura ang wika o lenguwaheng ginagamit.
    • Nagbibigay diwa at saloobin sa isang kultura.
    • Nag-uugnay sa mga tao.
    • Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura.
    • Ang wika ay ang susi sa tagumpay ng pag-usbong ng isang lahi sa paglikha at pagpapanatili ng kultura.
  • Pebrero 28, 2001 - Iniharap ni Prop. Gandhi Cardenas (dating tagapagpangulo ng Kagawaran ng Filipinolohiya) sa tulong ni Prop. Bayani Abadilla ang Filipinolohiya bilang programang pang-akademika sa PUP university curriculum evaluation committee.
  • Taong-aralan 2001-2002 (unang semestre) binuksan ang programmang AB Filipinolohiya bilang programang pang-akademiko at tumatanggap na ng mga mag-aaral. Sa taong din ito pinalitan ang kagawaran ng filipino ng katawagang kagawaran ng filipinolohiya.
  • Kahulugan ng AB Filipinolohiya ayon kay Prop. Gandhi Cardenas
    ➢ Nakatuon sa pagkakadalubhasa sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang filipino, gayundin sa holistikong pag-uugnay nito sa ibang batis ng karunungan pilipino na bumubukal sa panitikan, kultura, kasaysayan, antropolohiya, agham, sikolohiya at iba pang disiplina na nangangahulugan ng pagtataglay nito ng interdisiplinaryong paraan ng pag-aaral.
  • AB Filipino-lohiya (Bilang programang pang-akademiko)Tumutugon sa :
    • Pagpapataas ng pagkilala at pagpapahalaga sa pagka-Pilipino
    Pakikisangkot sa pagtatatag ng isang lipunang makabansa, malaya, maunlad makatao at maka-diyos (sa panahon ng sibilisasyong cyberspace)
    Pagkakamit sa karunungan sa dalawang wika Filipino at Ingles
    • (mula sa ABF Kurikulun TA 2001-02)
  • Mula kay apigo (bunga ng pagtatangkang Dumugtong sa pagpalalim ng fililpinolohiya)Kahulugan
    agham na nakatuon sa pag-aaral ng pilipinong kalinangan at karanasan na kinapapalooban ng pilipinong pag-iisip, pilipinong kultura at pilipinong lipunan tungo sa pagbuo ng karunungan at kabihasnan na mula tungo at para sa pilipino
    ❖ Bilang disiplina at larangan ay nagsiislbing kasangkapan, tagapagtago o imbakan at daluyan nito ang wikang filipino na maituturing na siyang pinakanukleyo nito
  • Mula kay apigo (bunga ng pagtatangkang Dumugtong sa pagpalalim ng fililpinolohiya)
    ❖ pag-aaral sa filipino na tao at filipino na (mga wika) at sa ugnayan ng dalawang ito na tinatawag na lipunang pilipino na kinapapalooban ng kultura, pulitika at ekonomiyang pilipino sa pamamgitan ng marami at iba-ibang larangan o displina hal, agham at sining.
  • Ayon kay Ernesto Constantino
    • Natural
    • Buhay
    • Daynamiko
    • Egalitarian
    • Demokratiko yunipaying
    • De hure at de fakto
  • Filipinolohiya - ayon kay ni Covar, ito ay “sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan upang palitawin ang pagkaPilipino.” Lahat ng tao ay may kaisipan, kultura, at lipunan: mga ugat na basihan ng pagkatao. Ang laman ng 3 malalaking antas ng karunungan ng Pilipinolohiya ay bunga ng Pilipinong pag-iisip at karanasan.
  • Ayon kay Salazar, Filipinolohiya ay ang pag-aaral ng Kapilipinuhan, pagkaPilipino at mga anyo’t paraan ng pagpapakaPilipino.”
  • Mga Larangan ng P/Filipinolohiya
    Para kay Covar
    • Wika, sikolohiya, pilosopiya, relihiyon, musika, pagguhit, eskultura, sayaw, arkitektura, drama, panitikan, at pelikula.
    Para kay Salazar
    • Maaaring isama ang larangan ng agham, teknolohiya, politika, komersyo, pamamahala, ekonomiya, at iba pa, basta ito ay may kinalaman sa mga Pilipino, pagkapilipino, at mga anyo’t paraan ng pagpapakapilipino.
  • Larangang kaisipan
    • katawang panlabas - nasasalamin sa mukha ang kaluluwa. hal, malapad ang noo - matalino.
    • panloob - hal. pusong mamon, pusong bato
    • lalim - relasyon ng budhi at kaluluwa. nagbibigay ng direksyon ang budhi sa kaluluwa. kapagtaliwas ang kaluluwa ng tao sa kanyang kinalalagyan, magiging gulo ang pag-uuglali ng tao.
  • Antismo (Isabelo De los Reyes) paniniwala sa mga anito.