Kasaysayan ng El Filibusterismo

Cards (23)

  • Sino ang may akda ng nobelang El Filibusterismo?
    Si Rizal
  • Kailan sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?
    Noong 1887
  • Saan sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng El Filibusterismo?
    Sa Calamba
  • Saan ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng El Filibusterismo?
    Sa Madrid, Paris, at Brussels
  • Kailan natapos ni Rizal ang manuskripto ng El Filibusterismo?
    Noong Marso 29, 1891
  • Saan natapos ni Rizal ang manuskripto ng El Filibusterismo?
    Sa Biarritz
  • Bakit nagtungo si Rizal sa Ghent noong Hulyo 5, 1891?
    Upang ipalimbag ang nobela at iwasan si Suzanne Jacoby
  • Ano ang dahilan kung bakit si Rizal ay tumira sa tahanan nina Suzanne sa Brussels?
    Dahil sa mataas na uri ng pamumuhay sa Paris
  • Sino ang mga nakilala ni Rizal sa Unibersidad ng Ghent?
    Sina Jose Alejandro at Edilberto Evangelista
  • Bakit nagdesisyon si Rizal na umupa ng maliit na silid kasama si Alejandro?
    Dahil sa mababang halaga ng upa nito upang makapagtipid
  • Saan ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo noong Setyembre 18, 1891?
    Sa F. Meyer Van, Loo Press
  • Bakit pinili ni Rizal ang F. Meyer Van, Loo Press para sa pagpapalimbag ng kanyang nobela?
    Dahil sa pinakamababang halaga at maaaring bayaran ng hulugan
  • Ano ang nangyari sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo matapos ang kakulangan sa pondo ni Rizal?
    Natikil ang pagpapalimbag
  • Ano ang mga pinagbilhan ni Rizal upang makakuha ng pondo para sa pagpapalimbag?
    Mga alahas at kopya ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morgan
  • Sino ang nagpadala ng pera kay Rizal upang makatulong sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo?
    Si Valentin Ventura
  • Ano ang ginawa ni Rizal matapos malimbag ang nobela?
    Nagpadala ng dalawang kopya kina Basa at Sixto Lopez
  • Ano ang ipinadala ni Rizal kay Valentin Ventura bilang tanda ng pasasalamat?
    Ang orihinal na manuskripto na may dedikasyon at lagda
  • Sino-sino ang mga kaibigan ni Rizal na tumanggap ng kopya ng El Filibusterismo?
    Sina Blumentritt, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena, at iba pa
  • Ano ang naging reaksyon ng mga tao sa nobelang El Filibusterismo?
    Hinahangaan ito sa loob at labas ng Pilipinas
  • Anong pahayagan ang naglathala ng papuri ukol sa El Filibusterismo?
    La Publicidad
  • Saan inilathala ang El Filibusterismo nang kabanata-kabanata noong Oktubre 1891?
    Sa El Nuevo Regimen
  • Ano ang totoong pangalan ni Jose Rizal?

    Jose Rizal Mercado y Alonzo Realonda
  • Ano ang kahulugan ng El Filibusterismo?

    Ang Paghahari ng Kasakiman