Dignidad

Cards (11)

  • Ano ang pinagmulan ng salitang "dignidad"?
    Galing ito sa salitang "Dignitas" mula sa "DIGNUS".
  • Ano ang kahulugan ng dignidad?
    Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa.
  • Sino-sino ang may dignidad?
    Lahat ng tao, anu man ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan.
  • Ano ang epekto ng dignidad sa karapatan ng tao?
    Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit sa ibang tao.
  • Ano ang nakatuon sa pagkapantay-pantay ng tao?
    Ang pagkapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa dignidad bilang tao at karapatan na dumadaloy mula rito.
  • Ano ang mga katangian ng tao na makakapagbukod-tangi?
    • Isip na nagbibigay kakayahan umunawa ng konsepto
    • Mangatwiran
    • Magmunimuni
    • Pumili ng malaya
  • Ano ang likas na kakayahan ng tao ayon sa dignidad?
    May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili.
  • Bakit hindi nagagamit ng ilang tao ang kanilang kakayahan?
    Dahil sa pagiging bukod-tangi, ang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad.
  • Ano ang mga obligasyon ng bawat tao ayon sa dignidad?
    1. Igagalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa
    2. Isasaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
    3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais mong gawin nilang pakikitungo sa iyo
  • Ano ang dapat pahalagahan ng tao ayon sa dignidad?
    Pahalagahan mo ang tao bilang tao.
  • Kailan ibinibigay ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
    Ibinibigay hanggat siya ay nabubuhay.