kakayahang linguistiko

Cards (66)

  • Ano ang ibig sabihin ng kakayahang komunikatibo?
    Sumasaklaw ito sa kasanayang nakatuon sa mga tuntunin at dapat iasal sa paggamit ng wika.
  • Ano ang pananaw ni Chomsky tungkol sa kakayahang komunikatibo?
    Hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.
  • Ano ang Languange Acquisition Device o LAD ayon kay Chomsky?

    Isinilang ang tao na may LAD na responsable sa natural na paggamit ng wika.
  • Ano ang mga pangunahing katangian ng Language Acquisition Device (LAD)?
    • May sariling kakayahan ang mga bata na matutunan ang wika.
    • Likas sa atin ang pagkatuto ng wika.
    • Nagbunsad sa konsepto ng Universal Grammar.
  • Ano ang mga dapat alamin ng tao sa paggamit ng wika?

    Tamang ayos ng sasabihin, dapat sabihin, dapat pag-usapan, saan sasabihin, paano sasabihin, kanino lamang pwedeng sabihin.
  • Ano ang kakayahang lingguwistiko ayon kay Chomsky?
    Ito ay ang natural na kaalaman ng tao sa sistema ng kanyang wika, dahilan kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa.
  • Ano ang pundasyon ng generative grammar ayon kay Chomsky?

    • Ang generative grammar ay nangangahulugang "lumikha" o "bumuo".
    • Ito ay isang sistema ng isang wika.
  • Ano ang ponolohikal na tumutukoy sa wika?
    Tumutukoy ito sa pamilyaridad ng tunog ng wika.
  • Ano ang ponema?
    Makabuluhang yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan kapag pinagsama-sama upang makabuo ng salita.
  • Ano ang dalawang mahalagang uri ng ponema?
    1. Ponemang Segmental
    2. Ponemang Suprasegmental
  • Ano ang ponemang segmental?
    Tumutukoy ito sa indibwal na tunog ng wikang Filipino.
  • Ilan ang mga patinig sa Filipino?
    May limang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
  • Ilan ang mga katinig sa Filipino?
    May labinanim na katinig sa Filipino: /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, h, s, ŋ, l, r, w, y/.
  • Ano ang diptonggo?
    Mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at malapatinig na /w/ at /y/.
  • Ano ang klaster o kambal katinig?
    Dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng isang tunog.
  • Ano ang mga pares minimal?
    Pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
  • Ano ang ponemang suprasegmental at ang mga bahagi nito?
    • Ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan.
    • Mga bahagi:
    1. Diin
    2. Tono
    3. Antala
    4. Haba
  • Ano ang diin sa ponemang suprasegmental?
    Ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
  • Ano ang tono sa ponemang suprasegmental?
    Taas-baba na inuukol sa pagbibigkas ng pantig ng isang salita.
  • Ano ang antala sa ponemang suprasegmental?

    Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
  • Ano ang haba sa ponemang suprasegmental?

    Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.
  • Ano ang morpema?
    Maliit na yunit ng wika na may kahulugan.
  • Ano ang pangngalan?
    Naglalarawan ng pangalan ng tao, bagay, hayop, at pook.
  • Ano ang panghalip?
    Pamalit o panghahali sa pangngalan.
  • Ano ang pandiwa?
    Naglalarawan ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat ng mga salita.
  • Ano ang pang-uri?
    Nagpapakita ng turing o naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
  • Ano ang pang-abay?
    Naglalahad ng turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
  • Ano ang mga salitang pangkayarian at ang kanilang mga uri?
    1. Pangatnig
    2. Pang-angkop
    3. Pang-ukol
  • Ano ang pantukoy?
    Salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.
  • Ano ang pangawing o pangawil?
    Salitang nag-uugnay ng paksa o simuno at panaguri.
  • Ano ang mga tuntunin sa pagbaybay ng mga salita?
    1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat.
    2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga.
    3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga.
  • Ano ang pagpapalit ng D at R?
    Ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y.
  • Ano ang limang tiyak na paggamit ng "Nang"?
    1. Kasingkahulugan ng "noong"
    2. Kasingkahulugan ng "upang" o "para"
    3. Katumbas ng pinagsamang "na" at "ng"
    4. Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano
    5. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita
  • Ano ang wastong gamit ng gitling (-)?
    Ginagamit sa inuulit na salita, isahang pantig na tunog, paghihiwalay ng katinig at patinig, at iba pa.
  • Ano ang ibig sabihin ng kakayahang komunikatibo?
    Ito ay sumasaklaw sa kasanayang nakatuon sa mga tuntunin at dapat iasal sa paggamit ng wika.
  • Ano ang pananaw ni Chomsky tungkol sa kakayahang komunikatibo?
    Hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.
  • Ano ang Languange Acquisition Device o LAD ayon kay Chomsky?
    Isinilang ang tao na may LAD na responsable sa natural na paggamit ng wika.
  • Ano ang pundasyon ng generative grammar ayon kay Chomsky?
    • Ang kakayahang lingguwistiko.
    • Ang konsepto ng paglikha o pagbibigay ng sistema ng isang wika.
  • Ano ang ponolohikal na tumutukoy sa wika?
    Tumutukoy ito sa pamilyaridad ng tunog ng wika.
  • Ano ang ponema?
    Makabuluhang yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan kapag pinagsama-sama upang makabuo ng salita.