Cards (56)

  • Noong Pebrero 28, 2001, iniharap ni Prop. Gandhi Cardenas (dating tagapangulo ng Kagawaran ng Filipinolohiya) sa tulong ni Prop. Bayani Abadilla ang Filipinolohiya bilang programang pang-akademiko sa PUP University Curriculum Evaluation Committee.
  • Taong-aralan 2001-2002 (unang semestre) binuksan ang programang AB Filipinolohiya bilang programang pang-akademiko at tumanggap na ng mga mag-aaral.
  • Sa taon ding ito (2001-2002) pinalitan ang kagarawan ng Filipino ng katawagang Kagawaran ng Filipinolohiya.
  • Bilang programa (AB Filipinolohiya) ay inilarawan ito bilang isang apat na taong akademikong programa na papanday sa potensyal na talino ng mga estudyante sa mga karunungang makakamit sa Filipinolohiya.
  • Sinasaklaw ng kurso (AB Filipinolohiya) ang wika, panitikan at kultura o Pambansang kabihasnan sa pangkalahatan.
  • Ang wika, panitikan, at kultura ang bumubuo sa Pambansang Kabihasnan.
  • Ang panitikan ay salamin ng kultura at lahi.
  • Pambansang Kabihasnan ay ito ang natural na mayroon o mga katangiang tinataglay ng ating bansa.
  • Ang pambansang kaunlaran ay hindi lamang nakasalalay sa pera na mayroon ang isang bansa dahil maaari din nating ituring na kayamanan itong mga wika, panitikan, at kultura na mayroon tayo. Kaya ang layunin ay maipaunawa at ipaalala na mayaman tayo sa wika, panitikan, at kultura.
  • (AB Filipinolohiya) Nakatuon sa pagkamalikhain (creativity) at sikhayan (scholarly works) ang lalim at lawak ng mga pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon/disiplinang pagtuturo o pedagohiya at kahusayan sa industriyang komunikasyon.
  • Kapag sinabing malikhain, hindi ibig sabihin nito ang pagiging magaling sa pag-drawing. Dahil sa Filipinolohiya, tayo ay may pagkakataon na magsusuri ng mga artikulo, magbigay ng opinyon sa mga bagy na nanyayari sa ating paligid, doon makikita ang ating pagkamalikhain.
  • Ang FIlipinolohiya ay sikhayan dahil makakagawa tayo dito ng mga artikulo, research. Ang mga ito ay maituturing na mga gawaing pang-akademiko na may kinalaman sa asignaturang Filipinolohiya. Amg mga artikulong ito din ay isang paraan ng pakikipagkomunikasyon.
  • Ang layunin ng Filipinolohiya ay malinang ang kahusayan sa pakikipagkomunikasyon na magagamit natin sa hinaharap.
  • (AB Filipinolohiya) Pinahahalagahan ng pinaunlad na kurso ang kasalukuyang tunguhin ng elektronikong edukasyon o cyber-culture sa daigdig kaugnay ng kapakanang Pambansa at kagalingang Pambayan.
  • Elektronikong edukasyon ang gagamitin upang mapalaganap ang Filipinolohiya lalo na sa panahon ng pandemya.
  • TATLONG URI NG PANITIKAN: Pasalindila, Pasalinsulat, Pasalintroniko.
  • Lipunang Makabansa – layunin ng Filipinolohiya n a makabuo o makalikha ng mag-aaral na kung saan may sapat na pagmamahal sa bayan o pagiging makabansa. Ang paggamit ng sariling wika ay nagpapakita ng pagka-makabansa at nagpaptaas ng pagkilala at pagkakaroon ng pusong makabayan.
  • Lipunang Malaya – dapat ginagamit ang ating kalayaan sa tama ay makaktulong din sa pambansang kaunlaran. Kung mababwasan ang bilang ng mga kabataang mapapariwara ay makakatulong na sa bayan. Gamitin ang kalayaan para sa ikauunlad ng bansa, halimbawa, pagboto ng tama. Ang kalayaan sa paggamit ng wikang Filipino ay hindi dapat ikinakahiya. Dahil lahat ng wika ay pantay-pantay dahil may iba’t iba silang estruktura.
  • Huwag sayangin ang ating kalayaan sa paggamit ng wikang Filipino dahil iyon nga ang pinupunto ng Filipinolohiya, ang pagmamahal sa wikang Pambansa.
  • Lipunang Maunlad – kung ang isang tao ay maunlad, hindi lamang siya o ang pamilya ang nakikinabang, ang buong bansa din. Kung mapapunlad natin ang ating sdarili, matitiyak na mapapaunlad din ang ating bansa at sisimulan ito sa pag-aaral ng mabuti dahil hindi nga lahat nabibigyan ng pagkaktaon makapag-aral.
  • (Lipunang Maunlad) Pagkakamit sa karunungan sa dalawang wika Filipino at Ingles (mula sa ABF Kurikulum TA 2001-02)
  • Ang Filipinolohiya ay pinagsamang Filipino at lohiya. Kung saan ang ibig sabihin ng lohiya ay pag-aaral, at sa ang Filipino naman ay tumutukoy sa wikang Filipino at pagiging Pilipino.
  • ang Filipinolohiya ay ang maka-agham na pag-aaral sa wikang Filipino. Ito ay maka-agham dahil ito ay sistematiko.
  • Ayon kay Prof. Cardenas, ang Filipinolohiya ay disiplina ng karunungan na nakasalig sa makaagham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan, at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino.
  • (Filipinolohiya) Nililinang din nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan.
  • (Filipinohohiya) Nakatuon din ito sa pagkakadalubhasa sa pagtuturo at pagkatuto ng Wikang Filipino na bumubukal sa panitikan, kultura, kasaysayan, antropolohiya, agham, sikolohiya at iba pang disiplina na nangangahulugan ng pagtataglay nito ng interdisiplinaryong paraan ng pag-aaral. (DALUBWIKA, P.5, 2001)
  • (Filipinolohiya) Mula naman kay Prof. Apigo, ito ay agham na nakatuon sa pag-aaral ng Pilipinong kalinangan at karanasan na kinapapalooban ng Pilipinong pag-iisip, Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan tungo sa pagbuo ng karunungan at kabihasnan na tungo at para sa Pilipino.
  • (Filipinolohiya) Bilang disiplina at larangan ay nagsisilbing kasangkapan, tagapagtago o imbakan at daluyan. Ang Wikang Filipino ang maituturing na siyang pinakanukleyo nito.
  • Matutukoy ang karunungan o talino ng sambayanang Pilipino mula sa sinaunang sibilisasyon.
  • Sa tala ng kasaysayan, nagsimula ang talino ng Pilipino noong panahon ng Plestosin, 250,000 – taon bago kay Kristo (Dr. Jaime B. Veneracion, “Agos ng Dugong Kayumanggi,” 1987).
  • Isang gintong panahon, sa punto ng karunungan ang pagkiskis sa dalawang bato ng mga sinaunang nilalang sa kasaysayan ng lahing kayumanggi.
  • Ang sitwasyon ng pagkikiskisan ng Homo Erectus sa dalawang bato ay malinaw na sandali ng paggawa ng apoy ang nililikha sa pagkiskis ng bato.
  • Nang dumiklap ang init, sa pagkiskis ng kamay sa dalawang bato, umiglap sa isip ng Homo Erectus ang talino. Ito ang etimolohiya ng talino o umpisa ng karunungan ng Pilipino.
  • Kaugnay nito, noong sinaunang panahon, ungol at bulyaw at galaw ng mga kamay at katawan ang wika o lengguwahe ng mga Homo Erectus. Ito naman ang pinagmulan ng etimolohiya ng ngayo’y Wikang Filipino.
  • Ang mga tunog at mga letra, na kaangkinan ng wika, ay nakikilalang alibata.
  • Ang alibata, sa disiplina ay pagsasaayos ng mga tunog ng mga salita o baybayin. May korelasyon ang tunog ng wika sa mga ingay na nalilikha ng kalikasan. Ito ang sensasyon sa kalikasan.
  • Tao ang pinakamalakas na anyo ng kalikasan.
  • Sa pagbaybay ng mga kataga o salita. Ang mga salita ay tumutukoy o kumakatawan sa mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Mula sa mga bagay na tumitimo sa sentido, nakabuo ng mga ideya ang mga sinaunang Pilipino.
  • Sa pamamagitan ng talino at paggawa umunlad nang umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
  • (Konsepto ng Filipinolohiya) Filipinolohiya ito ay isang disiplinang nakalapat sa karunungang Filipino na nagpapahalaga sa konsepto ng kamalayang makabansa.