Cards (60)

  • Kung walang FIlipino sa salitang Filipinolohiya hindi ito mabubuo. Kapag sinabing kor o nukleyo, ito ang pinakamahalagang bahagi sa isang bahagi. Ito ang pinakabumubuo para mabuo yung isang bahagi at ito ay ang wikang Filipino. Ang dinidiin sa kursong Filipinolohiya ay ang pagpapataas sa wikang Filipino.
  • Ayon sa konstitusyon 1987 ng Pilipinas, artikulo 14 seksyon 6: Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
  • Kapag sinabing wikang Filipino, maraming bumubuo dito, hindi lamang pinapahalagahan dito ay ang diyalektong Taglog.
  • Ang mga wikain sa Pilipinas ang bumubuo sa wikang FIlipino. Hindi magiging ganap ang wikang Filipino kung hindi ito nakasalig sa mga wikain na mayroon sa Pilipinas . Kung nais pahalagahan ang wikang pambansa, kailangang pahalagahan din ang iba’t ibang wikain sa iba’t ibang lugar, lalo na’t higit dito sa Pilipinas.
  • Imperyalismong Tagalog – mas madami ang gumagamit ng diyalektong Tagalog kaya madami ang nakasalig na salita dito at mas nabibigyan ng diin.
  • Bagama’t mas nalalapit ang wikang Filipino sa diyalektong Tagalog, hindi ibig sabihin na kapag sinabing wikang FIlipino ay nakapokus lamang sa Tagalog, maari din itong isalig sa mga iba pang wikain sa Pilipinas.
  • Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.
  • Ito ang tugon ng pamahalaan sa batas, nararapat na gumawa mismo ng hakbangin upang ito ay puspusang maitaguyod. Ibig sabgihin, sa anumang pagkakataon ay dapat gumawa ang pamahalaan ng hakbang na kung saan makakapagpataguyod sa paggamit ng wikang Filipino, hindi lamang dapat sa Buwan ng Wika.
  • Wika ang pangunahing instrumento sa komunikasyon.
  • Ito ang midyum na kung saan mas marami ang nagkakaunawaan at nagkakaroon ng mas makabuluhan at makahulugang diskurso. (Filipino) (Wika)
  • Ang kagandahan ng wikang Pambansa ay kahit saang sulok man tayo ng Pilipinas ay mayroong wika na mag-uugnay sa atin sa isa’t isa. Mayroong isang wika na magsasaklob sa ating lahat.
  • Diskurso ay isang paraan ng pagpapahayag.
  • Ang Filipinolohiya ay isang uri ng diskurso dahil nakakapagpahayag tayo ng ating mga nararamdaman, opinyon sa pamamgitan ng wikang Filipino.
  • Jim Cummings’ Congnitive Proficiency
  • Tungkulin ng wika - itinuturo ito upang ipakita yung halaga , tungkulin, at iba pang mga bagay na ginagampanan ng wika sa ating pangaraw-araw na buhay.
  • Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
  • Kapag sinabing relasyong sosyal, ito ay may kasangkot pang ibang tao. Ibig sabihin ang wikang FIlipino ay ginagamit upang makapagpatatag at makapagpanatili ng relasyon mo a iyong kapwa. Nararapat ding responsable at mag-iingat tayo sa paggamit ng wika dahil maari din itong makawasak.
  • Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan.
  • Regulatory – kumokontrol, gumagabay sa kilos/ asal ng iba.
  • Personal – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
  • Imajinativ – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
  • Heuristik – naghahanap ng informasyon/datos.
  • Informativ – nagbibigay ng imformasyon/datos.
  • Ang diskurso ay pasalita o pasulat na pahayag na mauuri batay sa piniling mga salita at estruktura ng mga pangungusap at ang mga paraan ng paggamit nito sa pagpapahayag ng impormasyon, tema o paksa, estilo at balangkas ng kaalamang ibinabahagi at inaasahang interpretasyon ng mambabasa.
  • Kapag nagpapahayag ang mga gagamiting salita ay piling-pili para mas labis o mas higit nating maipahayag kung ano ang gusto nating sabihin.
  • Ang estruktura ng pangungusap ay ang tamang paggamit o pagsasaayos ng salita sa loob ng pangungusap. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga wika ay pantay-pantay, walang nakakalamang, dahil mayroon silang iba’t ibang estruktura.
  • Nagmula ito sa Middle English na “discours”, na mula sa Medieval at Late Latin na “discursus”.
  • Diskurso Ito ay nangangahulugang “argumento” at “kumbersasyon”.
  • Diskurso ay tumutukoy din ito sa kakayahan sa pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o ang pagiging makatuwiran ng isang tao.
  • Kumbersasyon - isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang saysay na usapan.
  • Ayon kay Webster (1974), ang Diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersayon.
  • Diskursyon ay maaari rin itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat tulad ng halimbawa ng disertasyon (Webster, 1974)
  • Ayon kay Leo James English (2007), ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati.
  • Ang diskurso ay isang pagbibigay ng pagtatalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita (Leo James English, 2007).
  • Pasalitang Diskurso binubuo ito ng mga makahulugang tunog (salita) na isinasaayos sa tamang organisasyon upang makabuo ng mga makahulugang salita.
  • PONEMA- makabuluhang yunit ng tunog ng nakapagpapabago ng kahulugan
  • PONOLOHIYA- pag-aaral ng ponema
  • MORPEMA - pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan
  • MORPOLOHIYA - pag-aaral kung paano binubuo ang salita
  • SINTAKS - pagsasayos ng mga salita sa pangungusap; pagsasama o pagkakaugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap