Ang ekonomiya ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Ito rin ay sumasalamin kung mayroon bang naging pagbabago sa nakalipas na panahon hanggang sa kasalukuyang sitwasyon. Dito malalaman kung ang isang bansa ay maunlad, kumakaharap sa matinding problemang pang-ekonomiya o may malaking positibong pagbabago sa hinaharap.