Cards (52)

  • Kaugnayan ng Filipinolohiya sa Pambansang Kanlaran, paano masaabing maunlad ang isang bansa, at kung ano ba ang nangyari sa Pilipinas mula noon hangang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa kasalukuyan at nakaraan ay mayroong kaugnayan. Ang nakaraan ay nakatulong sa sitwasyon natin sa kasalukuyan at patuloy na dumadaloy ang impluwensya ng nakaraan sa kasalukuyan.
  • Filipinolohiya – may kinalalaman sa pagpapataas ng pagkilala sa pagiging Pilipino.
  • INDUSTRIYA - Ito ay tumutukoy sa produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya.
  • Ang ating bansa ay may pinapatakbong ekonomiya at dito ay kaialangang may ginagawang produksyon upang umunlad. Sa mga produksyon na ito iyon ang tinatawag na INDUSTRIYA. Kahit anong produksyon ng mga kalakal, produkto o serbisyo ay maituturing na industriya.
  • (Pre-Colonial)
    • Ang mga ninuno ay umaasa sa likas na yaman. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng 7, 641 na isla. Ang bawat isla ay mayaman sa likas na yaman at ito ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga ninuno. Ang sistemang pang-ekonomiya nila ay sa pamamagitan ng tinatawag na “Barter”. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating ninuno sa pamilihan-porselana, banga at seda ang kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.
  • Barter – pagpapalitan ng kalakal.
  • Mga kastilang ang dala ay sandata.
  • PANAHON NG KASTILA (Spain)
    • Naging komplikado ang sistemang barter dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng mga pangangailangan.
    • Paggamit ng sinaunang teknolohiya, araro, suyod, at kawit.
    • Nagmistulang amo ng mga katutubo ang mga Kastila.
    • Nagkaroon ng buwis na ipinapataw sa mga katutubong Pilipino.
    • Nakilala ang reales na ginagamit ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis sa halip na produkto.
    • Hindi nagbabayad ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa pamahalaan ng Kastila tulad ng cabeza de barangay.
  • Fill in the Blank
    A) Peninsulares
    B) Insulares
    C) creoles
    D) Mestizo
    E) Indio
  • (Panahon ng Kastila) Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo (bayan kung saan naninirahan ang mga katutubo) ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan.
  • (Panahon ng Kastila) Tumagal ang sistemang ito mula 16 na siglo hanggang 1815.
  • Sa panahon ni Gob. Heneral Jose Basco Y Vargas:
    • Umunlad ang agrikultura ng bansa at natuto ang mga tao ng pagtatanim ng bulak at mga sangkap sa pagkain tulad ng paminta. Nagkaroon ng mga plantasyon, binigyang-halaga ang paggamit ng kalabaw sa pagtatanim, at lumaganap ang monopolyo sa tabako. Sa ekonomiya ng Pilipinas nakakatulong ng malaki ang tabako kaya hindi tinatanggal.
  • Panahon ng Kastila
    • Nakilala ang Pilipinas ng mga mangangakal sa Europeo at nabuksan ang malayang kalakalan sa pagitan ng Ingles at Pilipino.
    • Kasabay ng pag-unlad ng Pilipinas sa paggamit ng lupa ang pag-usbong ng sistemang enkomyenda. Dahil sa kautusan ng Hari ng Espanya na iparehistro ang mga lupa, sinamantala ng mga mayayamang Espanyol ang halos lahat ng lupa.
    • Dahil walang kaalaman ang mga Pilipino ukol sa kautusan ng Hari ng Espanya, wala silang magawa kundi tanggapin ang kanilang kalagayan.
    • Dito nagsimula ang pangangamkam ng lupa at ang paglawak ng pagtayo ng mga hacienda.
  • PANAHON NG AMERIKANO (U.S.A.)
    • Umunlad ang pagtatanim ng abaka, tabako, asukal, palay, at iba pang produkto. Umunlad ang pagsasaka at gumamit ng mga makabagong pamamaraan sa pagtatanim. Dahil dito, lumaki ang produksiyon na nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga Pilipino.
  • Ang dala ng mga Amerikano ay edukasyon. Dito nagsimula ang pormal na edukasyon. Hindi sila gaanong kahigpit hindi kagaya ng mga Kastila. Alam din ng mga Amerikano ang ating kalakasan sa pang-agrikultura.
  • PANAHONG KOMONWELT (Phil. Commonwealth)
    • Noong 1934, sa pamamagitan ng Batas Tyding-McDutfie, binigyang-ganap ng Kongreso ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas.
  • PANAHONG KOMONWELT (Phil. Commonwealth)
    • Nagsisimula nang bumangon ang Pilipinas ngunit nasa ilalim parin ng mga Amerikano.
  • PANAHONG KOMONWELT (Phil. Commonwealth)
    • Sa panahon ding ito itinatag ang National Development Company at National Power Corporation.
  • Ito ay isang senyales na may nagaganap na pag-unlad sa isang bansa. Kasi ang pagpapatayo ng mga kumpanya sa iba’t ibang bansa ay senyales na mayroong nagaganap na pag-usbong o pagsulong sa sistema sa isang bansa. Sa makautuwid, binigyan tayo ng pagkakataon ng mga Amerikano pero hindi parin ganoon kalaya.
  • PANAHON NG HAPON (Imperial Japan)
    • Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa digmaan. Dahil laging nais ng mga Hapon ay digmaan.
    • Napilitan na silang ipagbili ang kanilang pag-aari upang sila ay mabuhay at bumaba ang halaga ng salaping Mickey Mouse Money na ipinalabas ng pamahalaang Hapon.
  • PANAHON NG REPUBLIKA (Philippines after Independence from US)
    • Isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong sistema, humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
  • Ang industralisasyon ay ang pagbabagong panahong panlipunan at pang-ekonomiya na humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang lipunang industriya, kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura. (Ito ay may kinalaman sa mga samahan ng tao na ang layunin ay makapagambag sa ekonomiya.)
  • LARGE-SCALE INDUSTRY ← Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa, ginagamitan ng malalaki at kumplikadong makinarya sa pagpoproseso ng mga produkto at kailangan ng malalaking lugar para sa produksyon tulad ng planta at pabrika.
  • COTTAGE INDUSTRY ← Nakapaloob dito ang mga produktong gawang kamay o hand-made products. Hindi hihigit sa 100 mangagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng operasyon nito.
  • SMALL AND MEDIUM-SCALE INDUSTRY ← Binubuo ng 100-200 na mga mangagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa pagpoproseso ng mga produkto.
  • Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na kailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. (Ito ay isang produksyon na kung saan maaaring lokal o internasyonal na tumutUgon sa pangangailangan ng isang mamamayan.)
    1. Pagawaan / Manupaktura
    • Ito ay ang proseso ng pagbabago ng hilaw na materyales para gawing yaring produkto. Sa sektor na ito ng industriya ang hilaw na materyales ay sumasailalim sa pisikal o kemikal na transpormasyon. (malakihang produksyon)
  • Mas malaki ang bahagi ng sektor ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura at pangingisda.
  • Ang tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais, asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.
  • 2. Serbisyo/Utilidad
    • Ang sektor ng industriya na ito ay nakasentro sa paglilingkod. Ang layunin nito ay matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayan.
    • Ito ang sektor na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at sa nga konsyumer.
  • Ang serbisyo'y maaaring pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa konsyumer ng mga produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa industriya ng turismo.
  • PANGUNAHING OPORTUNIDAD PARA MAPALAWAK ANG SEKTOR NG SERBISYO
    • Pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa modernong serbisyo.
    • Pagpapalawak ng turismo para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
    • Pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang mga Pilipino ay hindi na magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang dito.
  • Kontruksyon
    • Sektor ng industriya na nakapokus sa pagpapagawa ng mga malalaking gusali at imprastraktura.
    • Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho.
  • Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali, planta, at pabrika.
  • Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng mga gusali o konstruksyon. Kung patuloy na darami ito, ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya.
  • BUILD BUILD BUILD PROGRAM
    • Ito ay planong pang-imprastruktura ng pamahalaan na naglalayong maglatag ng mga road networks, mahahabang tulay, flood control at urban water systems, mga pasilidad para sa public transport gaya ng mga ports o daungan, airports o paliparan, at mga riles ng tren.
  • Pagmimina
    • Isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa.
    • Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot.
    • Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral, na katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, at bakal.
    • Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng langis at likas na gas.
  • TATLONG URI NG PAGMIMINA
    • QUARRYING (IBABAW) ← Cordillera Falls
    • DREDGING (ILALIM NG TUBIG) ← Zambales
    • PAGHUHUKAY
    Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan at kagubatan sa bansa, napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan.
  • Pagkain at Kalusugan
    • Binibigyang pansin nito ang produksyon ng mga produktong tumutugon sa mga pangangailangan sa pagkain at ang kabuuang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.
  • Kuryente, Gas, at Tubig
    • Mahalagang sektor ng industriya na nagsisilbing pangunahing serbisyo na kailangan sa bawat proseso o produksyon.